Chapter Four

439 11 2
                                    


Maddie was wearing her shades. Itim din ang suot niya na dress. Hindi niya gustong gayahin ang men in black pero gloomy talaga ang araw niya ngayon. Hindi nasagot ang mga tanong sa isip niya tungkol kay Miel at Cyrus. Nahihiya naman siyang tanungin si Miel kung type ba nito ang boss niya. At lalong wala siyang karapatang tanungin ang boss niya kung may crush ito kay Miel.

Hindi nakapunta si Miel gaya nang ipinangako nito na magbobonding sila sa bahay niya kinagabihan. Bigla raw kasi itong nagkaroon ng commitment. Ang ending tuloy, napuyat siya sa kaiisip. Ang resulta ay ang malaking eyebags sa likod ng shades niya.

Nag-aabang na siya ng bus na sasakyan papasok sa trabaho nang mag-ring ang cellphone niya. It was Miel.

"Hello." Walang kagana-gana ang boses niya.

"Nasa bahay ka pa?" anito sa kabilang linya.

"Nag-aabang na ng bus."

"Let's now talk about Cyrus. Nagkita kami kagabi."

Nagulat siya sa sinabi nito. Kung gayun, nagkita pala ang dalawa kaya pala hindi siya nabigyan ng time ng kaibigan kagabi.

"I think it's none of my business, Miel."

"Nagtampo ka naman agad. Hayaan mo naman akong i-explain sa iyo kung bakit hindi ako nakapunta kagabi at kung bakit kami nagkita ni Cyrus."

"Can I call you later? Nandito na kasi ang bus na sasakyan ko." Hindi niya na nahintay ang sagot nito.

Paghinto ng bus ay agad siyang sumakay.

Wait, pamilyar sa kanya ang bus na iyon. Bakit nga ba ngayon niya lang na-notice iyon? For one week, that was the same bus. Iyon ang laging dumaraan sa harap niya para ihatid siya sa opisina. Kulay pink iyon na may Hello Kitty design. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng driver at konduktor.

Tuwing sumasakay siya ay wala pang laman ang bus. Tingin niya ay sa malapit sa bahay niya nakabase ang bus company nito kaya laging siya ang unang pasahero nito.

Ipinagkibit-balikat niya na lamang ang coincidence na iyon. Ang higit niyang inaalala ngayon ay ang best friend niya. Hindi naman masamang magkahulugan ng loob si Miel at Cyrus dahil pareho namang single ang mga ito. Siguro nga ay dapat niya ng iwasan si Cyrus. Dapat na hanggang professional level na lang ang turingan nila para hindi magkaroon ng komplikadong sitwasyon.

"Good morning, Maddie. Did you sleep well?" Iyon ang bungad sa kanya ni Cyrus pagpasok niya sa elevator. Hindi niya namalayang nasa likod niya pala ito. "Teka, nagluluksa ka ba?" "Bawal na bang mag-black ngayon?" Hindi niya intensyong magtaray kaya lang iyon ang paraan niya para iparamdam dito na dapat ay hindi sila close. Na dapat ay boss niya lang ito.

"Wala ka pa rin ba sa mood kaya ang sungit mo?" Hindi pinansin ng lalaki ang pambabara niya rito. Nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Sir, pinapasweldo ninyo ako para magtrabaho. So if you'll excuse me..." She dismissed their conversation. Handa na siyang dumistansya rito nang bigla nitong hawakan ang bisig niya. Wala naman siyang kawala talaga rito dahil dalawa lang sila sa loob ng elevator. Nais niya lang talagang bahagyang makalayo rito dahil masyado itong madikit sa kanya.

"May nagawa ba akong mali?"

"Sorry," she whispered. "Nawala lang ako sa mood dahil kay Miel. I was waiting for my best friend last night. Kaya lang hindi niya ako sinipot dahil mukhang may inasikaso siyang mas importante," pasaring niya rito.

CHASING MADDIE By AnrolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon