Chapter Five

451 12 0
                                    

"Are you willing to render overtime on rest days?" Pag-angat ni Maddie ng ulo niya ay bumuglaw sa kanya ang gwapong mukha ng boss-slash-suitor niya.

"Yes, sir."

Pagkatapos ng pagtatapat nito sa kanya ng damdamin, sinabi niya rito na 'Sir' pa rin ang nais niyang itawag dito. Hindi naman ito tumutol pero sana daw kapag sinagot niya ito ay Cyrus or any term of endearment na ang itawag niya rito. Isang irap ang itinugon niya rito. Talagang confident ito na anytime ay makakamtan din nito ang matamis niyang 'Oo.'

Well, may pag-asa naman talaga ito sa kanya. Hindi matatawaran ang attraction na nararamdaman niya rito, she must admit that. At kung hindi niya ito gusto, magagawa niya bang pagselosan noon ang best friend niyang si Miel?

Mula ng mamatay si Richard, may iba din na nagpakita ng interes at nanligaw sa kanya. Ngunit hindi siya nakadama ng anuman sa mga iyon tulad ng nararamdaman niya kay Cyrus. Ito ang nakagising sa natutulog na puso niya. But she doesn't love him yet. Mas tamang sabihin na 'attraction' pa lang ang nararamdaman niya.

"Wala kang lakad o activities ngayong Sabado at Linggo?" Ang muling pagtatanong nito ang nakapagpabalik sa naglalakbay na isip niya.

Umiling siya. "Then pack your travel bag. 9 am ang flight natin sa Biyernes."

"Flight saan?" Napakunot ang noo niya.

"Boracay."

"Boracay?"

"Yes, tayo ang magiging supplier ng fabric ng bagong hotel at mall doon. We need to present the estimated costs."

"Why me? I'm not the financial department head. Dapat ay si Sir Arthur ang isama mo."

"Hindi naman tayong dalawa lang ang aalis. Kasama si Marlyn at Arthur." Si Mrs. Mabolo ang tinutukoy nito na Marlyn. Ngiting-ngiti ito. Mukhang alam nito ang tumatakbo sa isip niya.

Namula ang mukha niya. Masyado yata siyang nagiging assuming.

"Ok, sir." Iyon na lang ang nasabi niya.

"Bring your swimwear. After ng business deal, magrerelax din tayong lahat. Alright?" Kumindat pa ito sa kanya bago umalis.

Naiwang nakabuka ang labi niya. Lalo itong naging simpatiko sa paningin niya.

"Good morning," bati ni Cyrus nang pagbuksan ito ni Maddie ng pinto. He was wearing shorts and plain white shirt. Naka-cap ito. He looked so cool.

"Sir, bakit sinundo mo pa ako. Akala ko ba sa airport na tayo magkikita?"

"Sinisigurado ko lang naman na dala mo at well-prepared ang documents na importante sa business deal natin."

"Of course, dala ko." She rolled her eyeballs.

"You look pretty even when you're pissed off." This time siya naman ang tinitigan nito.

"I don't need your compliments. Gagawin ko nang maayos ang trabaho ko kahit hindi mo ako bolahin," matapang na sagot niya.

"Ikaw lang ang sumasagot at bumabasag sa akin nang ganyan." Natatawa ito.

Bigla naman siyang natauhan sa sinabi nito. She crossed the line. Kahit pa hindi naging okay ang first encounter nila noon sa resort, hindi niya ito dapat patuloy na sagut-sagutin tulad ng ginawa niya ng araw na iyon. Sobrang past na iyon.

At kahit pa nagpahayag na ito ng pagkakagusto sa kanya, amo niya ito at tanging ito lang ang nagpapasweldo sa kanya. Subukan niya lang gawin iyon sa ibang employer kung nagkataon na sa iba siya nagtatrabaho. Baka wala pang isang araw ay patalsikin na siya.

CHASING MADDIE By AnrolsWhere stories live. Discover now