Chapter Eight

473 11 0
                                    

Maddie's life with Cyrus was nothing but fun, romantic and blended with some intimacy. Sa loob ng isang buwan nilang pagiging magkarelasyon, hindi ito nagkulang sa kanya. Sobra-sobra ang atensyon at pagmamahal na ibinubuhos nito sa kanya. Sinusuklian niya rin iyon sa abot ng makakaya niya dahil mahal niya na rin ang lalaki. Pakiramdam niya, unti-unti na siyang nakakalaya sa nakaraan.

"Mahal ko, nakita mo ba ang wallet ko?" tanong sa kanya ni Cyrus.

"Hindi ko nakita. Baka naiwan mo sa bahay ninyo."

"Tumawag na ako sa bahay, wala raw doon."

"Baka na-misplace. Marami bang cash at important cards dun?"

"Yeah. Pero wala naman akong pakialam sa pera, credit card at atm card dun."

"Eh ganun naman pala. Bakit kanina ka pa hilong-talilong diyan sa paghahanap?"

Lumapit ito at sinapo nito ang magkabilang pisngi niya. Para siyang malulusaw sa paraan ng pagtingin nito.

"May importanteng bagay dun. Nandun yung picture mo. Kaya hinahanap ko yun."

"Anong picture?"

"Kinuhanan kita ng palihim ng litrato sa Batangas."

"What? Alin dun? Yung nadulas ako?"

Pilyo ang naging ngiti nito. "Of course not. Kinuhanan kita ng litrato habang umiinom kang mag-isa sa dalampasigan."

"Mas mahalaga pa ang picture ko kaysa sa cards at ID's mo doon?" Naroon na naman ang pamilyar na haplos sa puso niya. Hindi talaga ito pumapalya sa pagpaparamdam sa kanya ng halaga niya sa buhay nito.

"Oo naman. Ikaw ang inspirasyon ko. Saka unang litrato mo 'yun na na-capture ko kaya may value 'yun."

"You're too sentimental." Pinisil niya ang ilong nito.

"Halika nga rito." Hinila siya nito hanggang sa mapaupo siya sa kandungan nito.

"Bakit?" Nahihiya siya sa posisyon nila pero kinikilig naman siya.

"Give me a kiss para naman mawala na ang lungkot ko."

She was a willing servant. Ikinawit niya ang mga bisig sa batok nito at pinagkalooban ito ng mainit na halik. Mahaba pa ang araw nila. She couldn't tell if she could still prevent herself from kissing him and caressing his body.

"Can I sleep over?"

"What?" violent reaction agad siya sa tanong na iyon ng nobyo niya.

"Ang mahal ko, nanlalaki ang butas ng ilong sa pagkagulat." Pinisil nito ang ilong niya. Aliw na aliw ito sa kanya, kitang-kita niya iyon sa nakangiting mga mata nito.

"Hindi pwede. Baka kung ano pa ang maisipan mong gawin sa akin." Inirapan niya ito.

"Kung ano man ang gawin ko, papanagutan ko naman." Once again, he displayed that naughty smile.

"Aba! Basta, hindi ka pwede rito." Tiningnan niya ito ng masama.

"Sige na. Promise, I'll behave. Matutulog lang tayo ng magkatabi at magkayakap. That's all."

"Sigurado ka?" nananantiya ang tingin niya rito. Ayaw niya sanang pumayag pero ang puso niya naman, halos magwala na sa ribcage niya sa excitement na makapiling ito magdamag.

"Okay, payag na ako. Basta siguraduhin mong behave ka."

"Yes!" Napahiyaw ito. "Thanks, love. O, isuot mo itong pajama set na binili ko."

CHASING MADDIE By AnrolsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant