Chapter 2 ♥

1M 18.5K 2.3K
                                    


Kyle POV

Hay salamat. Natapos din ang klase, breaktime na. We're heading to canteen. Kasama ko ang mga kaibigan kong si Lance at Adrian.

Nagsasawa nako sa tilian ng mga babae. Kanina sa room, nakakabingi silang lahat.

"Hey, man! Ang astig ni Ms. Tweety girl kanina sa room."

Napatingin naman ako kay Adrian. "Sinong tweety girl?"

"Yung Chelsea yung name. Yung naka-t-shirt na tweety bird ang print." Paliwanag ni Adrian.

"At talagang natandaan mo pa ang suot na damit." Sabi ni Lance.

Napailing na lang ako sa kanila. Ano namang astig ron? Pare-pareho lang silang mga babae.

"Isa siyang matapang na babae." Sabi pa ni Adrian

Nakarating na kami dito sa canteen. Syempre may sarili din kaming mesa kaso may nakaupo. Aba, pinag-iinit ang ulo ko.

"Teka, si tweety girl!" Natutuwa pa si Adrian. Mukhang wala lang dito kung may maupo sa mesa namin.

"Excuse me, alam mo ba kung kanino itong inuupuan mo?" Serysoso kong tanong.

Lumingon lingon pa sya. Ignoranteng babae. "Ito?"

"Common sense please."

"May nagmamay-ari na ba nito? Sa tingin ko wala naman."

"Ah, tweety girl. Mesa kasi namin yang inuupuan mo. Kaya if you don't mind, lipat ka nalang sa iba." Sabi ni Adrian.

Anong klaseng approach yun? Dapat galit. Paano to masisindak sa kanila? Talaga naman, oo!

"Get out of this table!" Sigaw ko.

Halata namang nagulat tong babae na'to. Pero agad namang napalitan ng pagkainis ang mukha niya.

"Hoy, wala kang karapatang basta na lang akong sigawan ng ganyan! Hindi porket gwapo ka ay hindi kita papatulan. Sayang ang ka-guwapuhan mo kung ganyan naman ang ugali mo."

Anong sabi niya? Pinapainit nito ang ulo ko ah!

"What did you say?"

"What did you say, what did you say ko mukha mo. Nauna ako rito kaya hindi ako aalis dito."

Ngumisi ako. "Hindi mo ba ako kilala?" Hamon ko sa kaniya.

"Ang alam ko lang, kayo ang tinitilian ng mga babae sa buong school. Guwapo lang kayo pero wala naman kayong sinabi pagdating sa academics."

Nagtawanan pa sina Adrian at Lance, ang putek ng mga 'to!

Talagang sinisira nito ang araw ko ah? "Talaga bang sinusubukan mo ako?"

"Tama na yan Kyle." Awat ni Adrian.

Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko lang sya ng masama at inihampas ang kamay ko sa mesa. "So I will introduce myself to you miss nobody, ako lang naman si Kyle Shin-Woo."

"So?" Nakataas pa ang kilay nitong babaeng to.

"Ako lang naman ang unico ijo ng may-ari ng school na ito."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Walang sabi-sabi bigla na lang syang tumakbo palayo at palabas ng canteen.

Tumawa ako. "Takot pala eh."

"Sobra ka naman Kyle. Ang cute pa naman ni tweety girl." Sabi ni Adrian. Ito kasi ang goodboy saming magkakaibigan. Kami ni Lance, medyo harsh talaga.

"If you find her cute, i don't care." cute na ba ang lagay nun? wala naman akong nakitang kakaiba sa kaniya.

Naupo na kami at inutusan ko ng umorder si Adrian ng pagkain namin.

Oo nga pala, di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Kyle Shin-Woo, full korean ako pero dito ako lumaki sa pinas. 18 years old na ako at pamilya ko ang may-ari ng Shin-Woo University.  Only child ako, sobrang busy din kasi sa mga business ang Papa ko.

Aminado ako, mayabang ako, harsh magsalita, ala-supremo dahil wala akong kinatatakutan dito sa school, ni professor o guard, takot lahat sakin. Nagagawa ko kasi lahat ng gusto ko dito sa school maliban lang ang umabsent dahil talagang malalagot ako kay Papa. Di bale na daw na gumawa ako ng kalokohan basta wag sa pag-aaral.

Mula kindergarten dito na ko pumasok kaya kilalang kilala na kaming magkakaibigan dito. Bukod kasi ako ang captain ball at star player ng tigers, ako pa ang hearthrob prince.

Si Lance Abellano at Adrian Buenavista ang mga kaibigan ko dito at kasama rin sila sa team ng tigers. Marami pa akong kaibigan, buong team ng tigers, nasa sampu kami, lagi ko lang kasama sina Adrian at Lance dahil kaming tatlo lang ang magkakatulad ang course. Yung iba, iba-iba na.

May sarili kaming tambayan dito, syempre hiningi ko sa papa ko. Isa siyang malaking room na may sala set, dining set, tapos may mga gadgets at indoor games. Tambayan yun ng buong tigers.

Andito na pala food namin. Makakain na para makabalik na sa klase.

Chelsea POV

Kyaaa! Hingal na ako sa pagtakbo. Hindi ko na nahintay si Janna na umoorder ng pagkain kanina sa canteen.

Pano ba naman, bigla bigla na lang susulpot yung Kyle na yun. Daig pa niya ang dragon pag nagalit.

Gwapong gwapo pa naman ako sa kanila, masama pala ugali. So dissapointed! Buti pa yung isa, yung mukhang koreano na tinawag akong tweety girl  na may higlights yung buhok niya ng violet. Teka, pede ba yun sa school? Sabagay, mayayaman kasi.

Pero hindi pala dapat yun ang iniisip ko. Nalaman ko kasi na kanila pala ‘tong school. Paktay na 'ko nito! Ano ng mangyayari sakin? Aysss, bakit kasi ang tapang kong sumagot kanina.

Sana malimutan nya ko, naku dapat magpalit nako ng hairstyle bukas. Baka mamaya, paalisin nya ko sa school na’to. Jusko!

"Hoy, chelsea!"

"Jusko naman, Janna wag ka namang mang-gulat." Napahawak pako sa dibdib ko.

Takot ko ba naman dun sa Kyle na yun. Baka mamaya pinapa-hunting nako nun.

"Bakit bigla ka nalang umalis sa mesa? Pagdating ko dun, sina Kyle na ang andun."

Kumunot 'yung noo ko kasi kilala niya yung mukhang dragon na lalaki na yun. "Kilala mo yung mukhang dragon na yun?"

"Sino? Si Kyle?" Tumatawa pa siya habang sinasabi yan.

"Oo. Kilala mo nga sya?"

"Sino ba namang hindi makakakilala sa anak ng may-ari ng school? Diba nga dito ako nag-elementary? Kaklase ko sila nung elementary. Lumipat lang ako sa japan nung highschool. Tapos lipat ulit dito."

Naku! Totoo ngang anak siya ng may-ari ng school. Paano na ang scholarship ko? Oh my gulay!

"Ibig sabihin ba, kilalang kilala mo na sya?"

"Medyo lang kasi nakakapansinan ko naman sila."

"Kasi.. Nasigawan ko at natarayan ko siya kanina. Natatakot ako na baka tanggalin nya ko dito sa school." Natatakot na talaga ako.

Naku naman, mataas pa ang pangarap ko. Hindi ko mapapag-aral ang sarili ko kung hindi ako scholar. Yung pambaon ko nga at extra pera, nakukuha ko lang yun sa kung anu-anong sideline ko. Yung pagtulong ko kasi sa karenderya ng tita ko, kapalit na nun ang pagtira ko ng libre sa bahay nila.

"Hindi naman siguro gagawin yun ni Kyle. Though, marami talaga syang kalokohan at may pagka-demonyito, hindi ka naman niya siguro paaalisin sa school ng basta-basta lang."

"Janna natatakot ako."

"Ano ka ba! Hello, nakilala kitang matapang na babae that's why I like you."

Oo, tama. Matapang ako diba? Bakit ako matatakot sa kaniya? May katwiran naman ako kanina. Ano bang alam ko dun sa mesang pag-aari pala nilang magkakaibigan? Ah, basta ipaglalaban ko ang karapatan ko! Hindi ako matatakot!

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon