Chapter 22 ♥

659K 13K 1.7K
                                    


Chelsea POV

Lakad

Lakad

“TAXI!” sigaw ko, papunta ako ngayon sa bahay ni Kyle. Kagabi, hindi ako masyadong nakatulog kasi naman, naiisip ko pa din yung nangyari kahapon.

Ginawa ko ba talaga yun? Yumakap ba talaga ako sa kaniya? Aish, kailangan ko tuloy mag-pretend na hindi ko naalala yung kahapon. Nakakahiya! Pero bakit ganoon, kahapon habang nakayakap ako sa kaniya, I can feel it na safe ako sa kaniya, yung tipong panatag ang loob ko habang nakayakap sa kaniya. Ano bang nangyayari sakin?

Aish, sana makakilos pa rin ako ng normal sa harap ni Kyle, yung parang walang nangyari. Tama! Nakapasok na'ko sa loob ng mansiyon pero..

Dug, dug..

Dug, dug..

Aaaaahhh! Bakit ba ganito nararamdaman ko? Badtrip naman. Chelsea, act natural! Fighting! I took a deep breath before pressing the door buzzer.

Bzzzzzzttttttt!

“PASOK!” sigaw ni Kyle mula sa loob ng kwarto nya.

Pinihit ko yung door knob then pumasok na'ko. “Good morning kamahalan!” I gave him my fake smile. Feeling confident na ngiti. Ahehe, kinakabahan talaga ako eh. Yung tingin ni Kyle kakaiba, para syang di mapakali? Parang ewan.

“ANO PANG TINATAYO-TAYO MO DYAN? MAGLINIS KA NA!” sigaw niya.

Ano ba naman 'tong si Kyle, aga aga kung makasigaw parang may sunog eh. Aish, makapaglinis na nga. Sungit-sungit! I sighed. Medyo naging okay na rin yung pakiramdam ko, nawala yung kaba ko na sinigawan ako ni Kyle. Hehe lakas ng impact eh. Nilibot ko tingin ko sa buong kwarto. Teka, dami namang kalat? May mga canned beer pa. Ano ba naman 'tong si Kyle. Hindi ba siya naaasiwang ganito kakalat kwarto niya?

Linis

Linis

“EEEWWW!” napasigaw ako.

Tumingin ng masama sakin si Kyle saka lumapit, inagaw nya yung hawak ko. Hulaan niyo kung ano yung nahawakan ko? Yung nakuha ko sa ilalim ng kama niya. May tama ka!

Tumataginting na RED BRIEF.

Gusto kong matawa sa itsura ni Kyle nung hinablot nya sakin yung brief niya. Nagba-blush si KOYANG.

Ayt, ang bad ko na. Kadiri 'tong si Kyle, pati brief kung saan saan nilalagay.

Hindi na ako masyadong ilang kasi diba nagsa-sideline ako ng paglalaba. Matitindi pa nga yung nalalabahan kong brief, hanep ang prints. May spiderman, may mukha ni pacquiao. Chos! Basta.

Napatingin ako kay Kyle, andun na naman siya sa harap ng desktop niya. Pinulot ko yung mga kalat na damit hanggang makalapit ako dito sa may likod ni Kyle. Sinilip ko yung ginagawa niya.

WATTPAD?

Ano yun? Parang may binabasa syang story eh. Tiningnan kong mabuti. Ayy ayun, may binabasa nga. Ang title,

MPMMN 2: Still In Love.

Ayos sa title ah. Hehe.

Nagbabasa pala ng ganun si Kyle. Hehe, ano yun? Love story? Di bale, tinuon ko nalang pansin ko sa paglilinis.


Kyle POV

“EEEWWW!” sigaw  ni nobody kaya napalingon ako sa kaniya

Bakit nya hawak ang brief ko? Aish, tiningnan ko siya ng masama at agad na lumapit sa kaniya saka hinablot yung brief ko. Sa dinami-daming mapupulot, yun pa.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon