Chapter 56 ♥

545K 11.3K 2.3K
                                    

Chelsea POV

Mulat mata.

Inat-inat.

Umaga na pala. Napatingin naman ako sa suot kong damit. Ito pa din yung kagabi. Nakatulog na pala ako ng di man lang nakapag-palit.

Tamad akong bumangon at dumiretso sa CR para maghilamos at mag-wash. Papalit na din ako ng damit.

Nakakatamad naman ngayong araw na 'to. Grabe lang.

Natatamad akong magluto. Paano yan? Aish. Makakain na nga lang sa fast food sa may katapat ng building. May chowking dun eh.

No choice kasi gutom nako. Nagbihis nako ng maong short at tshirt lang.

Kukunin ko na yung wallet ko sa bag. Kalikot ako. May 25K pala akong cash. Nasa sobre pa din.

Kuha lang ako 5k para laman ng wallet ko tapos tinago ko na yung sobre sa drawer ko dito sa kwarto.

May lock naman eh.

Okay na. Wallet at iphone ko dala ko. Nag-powder lang ako at nag-pony ng buhok.

Got to go.

 -

Sa chowking..

Kaupo na'ko dito sa mesa. Hinihintay ko order ko. Nag-order lang ako ng chao fan tapos siomai at tofu. Malamang mabusog nako nyon.

Pahikab-hikab pa'ko habang naghihintay. Aish.

"Chelsea?"

Agad akong napatunghay nang marinig ko yung boses na tumawag sakin.

"James?"

"Sabi na nga ba ikaw yan eh. Bakit ka andito ng ganito kaaga?" Tanong ni James

Coincidence na naman ba ito? Ano ba, parang lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana. Aish.

"Breakfast. Hindi na ako nakapagluto sa unit ko kasi natatamad ako. He-he." Sabi ko.

"You have your unit?"

Naupo si James sa harap ko. Parang sinasaliksik ako. Adik 'to.

Pero grabe ang gwapo pa din niya kahit mukha siyang bagong gising. Hehe. Naka-shorts lang kasi siya tapos white tshirt then flip flops.

"Oo dun oh. Sa Buenavista Building." Sabi ko habang tinuturo ko pa yung building. Tapat lang kasi nitong chowking kaya kita kasi glass wall naman.

"Dun ka? May unit ka dun? Sa burenavista building? Dyan oh, dyan sa white na building na yan?"

Paulit-ulit lang James?

"Oo nga. Dyan nga."

"Destiny talaga tayo!" Masiglang sabi ni James.

"Huh?"

"Dyan din ako nakatira eh?"

"IKAW? Dyan ka nakatira?"

Totoo? Baka nananaginip lang ako? Maaga pa, baka antok lang ako.

Paanong dyan din siya sa building na yan? Langya. Coincidence pa dib ba yun?

"Oo nga. Dun ako sa katabing unit ng kaibigan ng half-brother ko." Sabi niya.

"Dyan din ba nakatira half-brother mo?" Tanong ko. Grabe na-a-amaze na ako sa mga nalalaman ko. Grabe 'tong si James.

"Excuse me Ma'am, here's your order."

Panira naman tong si kuya waiter. Ahehe. Masyado na akong nagugulantang sa mga sinasabi ni James eh.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon