Chapter 16 ♥

636K 13.2K 458
                                    


Kyle POV

Kapapasok lang namin dito sa room nina Lance. Napansin ko si nobody, naka-ub-ob sa desk niya. Si Janna, wala pa. Si Adrian naman parang timang na pinapanood si nobody.

Ting!

Kinalog-kalog ko yung upuan ni nobody at in instant nagising siya.

 "Ano ba?" Sigaw niya.

"Kyle, ano ka ba naman." Sita sakin ni Adrian.

Hindi ko pinansin si Adrian bagkus ay tumingin ako kay nobody at nginitian siya ng nakakaloko.

"ANONG NGININGITI-NGITI MO DYAN?" Sigaw niya.

Highblood 'tong si nobody.

"Ikuha mo ako ng coke in can sa tambayan."

Utusan ko ng mawala ang antok. Haha

"Seriously Kyle?" Hindi makapaniwala si nobody sa utos ko. Akala yata nito binibiro ko siya.

Tss.

"Mukha ba akong hindi seryoso? Dalian mo, nauuhaw na'ko!" Sigaw ko sa kaniya.

Nag-uusok na ang ilong nya sa inis. Hindi ko tuloy mapigilan matawa.

"Ang sama mo talaga!" Sigaw nya sabay takbo palabas. Susunod din pala, dami pang sinasabi.

"Lakas ng trip mo Kyle." Pinagtatanggol na naman nitong si Adrian si nobody.

Ngumisi lang ako saka sumandal sa upuan.

 〰
Chelsea POV

Takbo

Takbo

Takbo

Hingal na hingal ako ng makarating dito sa tambayan ng tigers. Takbuhin ko ba naman mula room hanggang dito?

Arghhh! Ang salbahe ni Kyle. Hindi naman nya ko inuutusan ng ganito dati. Yung tipong magmamadali ka kasi baka mamaya dumating na yung prof.

Di naman ako tulad nila. Di ako pwedeng mag-skip ng klase dahil natatakot akong matanggal ang scholar ko. Mas nakakadagdag pa ng inis ko yung pagtawa ni Kyle kanina. Buwisit na lalaking yun! Pasalamat sya friday ngayon, suswelduhan nya ko mamaya. Akala nya malilimutan ko ha.

Pagpihit ko ng pinto, open pala. Walang tao. May mga klase din siguro ang ibang tigers. Dumiretso ako sa ref para kumuha na nung inutos ni kamahalan.

Nanlaki mga mata ko.

Grabe talaga ang daming pagkain. Sarap tumambay dito. Umiling-iling ako kasi naman naiinggit ako. Sabagay may pera pala ako mamaya, ma-i-treat nga ang sarili ko. Kakain ako sa mall.

Gusto ko sana mag-grocery ng kung anu-ano kaso baka makita naman ni Charisse mainggit pa at baka pag-isipan pa'ko ng masama. Nasabihan na kasi ako nun dati na baka daw nagnakaw na'ko. Sakit kaya. Porke nakabili lang ako ng tig-50 na relo? Nagnakaw na agad? Ito ngang iphone ko di ko nilalabas pag nasa bahay. Pag nasa kwarto lang ako. Lagi ko na din nila-lock yung kwarto ko kasi ang dami dun na bigay ni Janna eh. Bigla tuloy ako napaisip sa sinabi ni Adrian kaninang umaga. Bakit di pako mangupahan.

Pag kasi umupa ako ng bahay malaya na'ko. Makakabili ako ng kung anu-anong gamit ko na hindi nangangamba na baka pag-isipan ako ng masama nina Tita. Kaso, wala naman akong permanenteng trabaho saka nag-aaral lang ako. Iipunin ko nalang yung sweldo ko kay Kyle para in the future, pagkatapos ng kontrata ko sa kaniya, may pera pako. Sa bahay, nahihiya nga ko umupo sa salas, kailangan lagi akong may ginagawa. Nakakahiya kayang tumunganga. Kaya ang totoo, tulog lang yung pahinga ko.

Ngayon nga lang ako nakaka-enjoy kasi may bestfriend nako na mabait. Lagi nya ko sinasama gumala. Nakakatuwa talaga yung si Janna. Tumakbo nako ulit pabalik sa room.

Takbo

Takbo

Takbo

Dito nako sa pinto. Hingal na hingal ako grabe. Buti wala pa si Ma'am. "Kamahalan, eto napo." Sarkastiko kong sabi kay Kyle na napakaganda ng pagkakaupo.

"Ang tagal mo." Reklamo nya.

"Hoy Kyle akala mo hindi ako napagod?" Kainis 'to. Pag ako nabuwisit, arrgghhh! Pepektusan talaga kita.

"Crush, tama na yan. Upo ka na dito." Awat ni Adrian

Ay nako. "Pasensya na kamahalan ha? Buti nalang talaga may mga tao pa ding mababait dito." Mataray kong sabi bago bumalik sa upuan ko. Di ko pa nahuhupa ang inis kay Kyle nang lumapit naman sa'kin si Angel.

Anong karapatan mong sigawan si Prince Kyle namin?" Mataray na sabi ni Angel. Napatingin ako kay Kyle. Ngiting-ngiti pa dahil sa pagtatanggol ng so-called fans nya.

"Ano ring karapatan mong pagsalitaan ako nyan?" Binalik ko sa kanya ang tanong. Pag ganitong inis ako, nakooo! Wala akong sinasanto.

"Aba't! FYI, si Prince Kyle ang unico ijo ng may-ari ng SWU. Baka gusto mong mapatalsik sa school na'to? Mahirap ka pa naman."

Hindi nga pala nila alam na slave ako ni Kyle kapalit ng hindi pagpapatalsik sakin dito sa school.

"Alam kong mahirap ako. Kailangan pang ipagsigawan?"

"Mahirap ka naman talaga eh?" Mataray nyang sagot.

"Ah ganon? Oo mahirap ako, alam ko yun. Eh ikaw, alam mo bang saksakan ka ng pangit?" sabi ko.

Nag-iinit na talaga ang dugo ko. 

Humawak si Angel sa mukha nya. "What did you say? Ako pangit? Are you kidding me? At sa tingin mo, maganda ka ha?" Sabi ni Angel, dinukot pa mini mirror nya sa bulsa at tiningnan ang mukha.

Buti hindi siya natakot sa hitsura nya. Hinawakan ako sa kamay ni Adrian. It means na tumigil na'ko. Pero hindi ako papatalo dito sa bruhang 'to.

I sighed and shout. "WALA AKONG SINASABING MAGANDA AKO. ANG SABI KO LANG, ANG PANGIT MO!"

Sigaw talaga yan ha. Nagtawanan ang klase pati si Adrian. Sayang wala si Janna, kung hindi mas kawawa sa'min to. Absent kasi eh. Family matters daw.

Oops, di pa ko tapos.

Lumaki na butas ng ilong ni Angel sa inis. "At eto pa, at least ako natural ang mukha. Pero ikaw, retokada na, pudpod pa ng make-up! Inagawan mo pa ang clown ng posisyon!"

Naupo nako. Si Angel ayun nagtatakbo sa mga friends nyang mga bruhilda at masama ang tingin sa'kin.

Nadako naman tingin ko kay Kyle. Paano ba naman, wagas makatawa. Nakahawak pa sa tiyan. Si Lance naman, NO COMMENT. Aish, mahulog ka sana dyan sa upuan mo!

"Nice one crush! Bilib talaga ako sa'yo." Nakangiting sabi ni Adrian sakin.

Nag-apir pa kami. Hehe katuwa talaga tong si Adrian.

"Kaya hindi kita tinulungan eh, kasi alam kong kaya mo na. Wag kang papatalo lagi ha?"

Kiligmuch! Ang gwapo ni Adrian habang sinasabi yun.

"Fighting!" sabi n Adrian. 

Yaaaa! Cute mo talaga. Shocks!

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon