Chapter 18 ♥

637K 13K 1.3K
                                    


Chelsea POV

"CAPTAIN!!!!!

Napatingin naman ako sa sigaw nung tigers. Sino bang captain. Ay, si Kyle nga pala. Pagtingin ko..

*BOOOOOGSSSHHHH*

Hanla, natamaan si Kyle ng bola sa ulo. Tatawa sana ako kaso mukhang nawalan ng malay si Kyle. Mamaya na lang ako tatawa pag gising na siya. Tumakbo ako palapit sa tigers na nagsuguran kay Kyle.

"Captain!”

"Kyle!! Gising!"

Pero hindi nagising si Kyle. Hanla, natamaan lang ng bola, nawalan na ng malay?

"Tara, dalhin na natin siya sa ospital." sabi ni Ken.

"Tara, tara." Sagot ng tigers.

Pinagtulungan nilang buhatin si Kyle.

"Crush, kami na bahala kay Kyle. Uwi ka na." sabi ni Adrian sa'kin.

Hindi kasi ako makapagsalita. Kahit papaano, worry din ako kay Kyle. Nawalan kasi ng malay, ako kasi dati ilang beses ng natamaan ng bola kapag may liga ng basketball samin pero parang wala lang. Hehe.

"Hindi, Adrian sasama ako sa ospital." sabi ko

"Sure ka ba?" bakit parang masama pa loob ni Adrian na sasama ako?

"Sige, tara. Sa kotse ko na tayo sumakay. Nauna na sila gamit ang kotse ni Lance." paliwanag niya saka niya ako hinila palabas ng gym.

Para 'tong si Janna, hilig manghila.


Sa Hospital..

"Doc, musta po si Kyle?" tanong ni Adrian sa doktor na kalalabas lang ng kwarto kung saan nakahiga si Kyle.

"Okay naman siya, na-shock lang sya kaya siya nawalan ng malay. Pero wala namang any damage sa kaniya especially on his head. Nagkaroon lang siya ng maliit na bukol sa may noo. Pwede nyo na siyang puntahan sa loob. Sige, mauna na'ko." paliwanag ng doctor saka umalis.

Buti naman okay lang si Kyle. Bukol lang pala. Na-excite ako bigla kung anong itsura nya ngayon. Pumasok kaming lahat sa kwarto ni Kyle. At ayun, gising na pala ang kumag.

"Yo, captain!" si Jerome.

Lalapit pa sana ako at kukumustahin si Kyle nang bigla siyang sumigaw.

"SINONG NAKATAMA NG BOLA SA AKIN????"

Hanla. Napaurong tuloy ako. Ang ganda ng pambungad samin ni Kyle. Sigaw ng wagas. Mukha siyang galit na galit. Gusto ko na nga matawa kasi natatawa ako sa bukol niya sa may noo. Kulay violet pa. Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Badtrip si Kyle eh.

"Si..." nauutal si Jerome

"SINO???"

"Si Ken." seryosong sagot ni Lance

Nanlaki ang mga mata ni Ken.

Eto talagang si Lance, minsan lang magsalita pero naku, pag kailangan e mukhang nagsasalita.

"SORRY captain!" nagmamakaawa na si Ken at lumuhod sa gilid ng kama ni Kyle.

Grabe naman makahingi ng sorry? Talagang nagmamakaawa. Para ngang paiyak na si Ken. Ganoon ba kalupit si Kyle?

"100 push ups ngayon na!" utos ni Kyle.

Oh, 100 push up lang pala eh

100 push up??????

As in 100? Isang daan?

Grabe naman 'tong si Kyle. Napatingin ako kay Ken. Hanla. Nagpu-push-up nga? Bakit siya sumunod sa utos ni Kyle? Nag-sorry na naman siya.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon