Chapter 54 ♥

559K 11.3K 1.3K
                                    

Chelsea POV

I can't imagine myself na sumama sa lalaking hindi ko naman kilala. Unfortunately, pangalan niya lang ang alam ko.

Pero wala eh. Kailangan ko talaga ng 'someone' at nakikita ko naman sa kaniya na mabuti siyang tao. Sa gwapong yun?

Kadadating lang namin dito sa quantum. Maglalaro ako ng maglalaro para makalimutan ko na yung narinig ko kanina.

"Hey Chelsea. Anong gusto mong unahin nating laruin?" Nakangiting tanong ni James.

His face is so angelic. Para silang magka-ugali ni Adrian. Ang pagkakaiba lang, mukhang anghel talaga 'tong si James pero may something eh. May pagkakahawig siya kay Lance. Ewan ko ba.

"Basketball." Matipid kong sagot. Siya na nga pala yung nag-offer na bumili ng tokens. Adik lang ang dami niyang binili. Hehe.

"Okay."

Grabe lang. Napakagaan ng pakiramdam ko sa kaniya. It really feels comfortable playing with him. Nagtatawanan kami habang naglalaro ng basketball as if matagal na kaming magkakilala. Nakakatuwa lang.

Maya maya napagod din kami. Nagkakatinginan nalang kami tapos bigla nalang matatawa.

Ang sarap niya kasama totoo lang. "Ano? Saan naman tayo?" Tanong ulit ni James.

"Try na natin lahat hanggang maubos token natin. Hehe." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

He smirked at me then pull my hand. Kung saan saan kami naglaro hanggang sa maubos ang token namin.

 "Napagod ako dun." Hinihingal na sabi ko.

 I smiled when he suddenly gave me a bottle of water. "Drink this first."

Tinanggap ko naman iyon at ininom. Nakakatuwa talaga 'tong si James. "Buti pa foodcourt nalang tayo muna."

Sumang-ayon ako. Napagod talaga ako sa paglalaro eh. Saka parang naku-curious na'ko kay James. Syempre gusto ko rin syang makilala. Pangalan lang ba naman alam ko.

Tumango ako. "Tara." Masiglang sabi ko. Sabay kaming naglakad.

Naalala ko naman bigla si Kyle. Kahit kelan di nya ako sinasabayan ng lakad sa mall samantalang etong si James talagang kasabay ko.

Dito na kami sa foodcourt. Upo na kami. "What do you want to eat?" Tanong nya.

Parang napapagastos ng bongga sakin 'tong si James. Bakit ba ang bait nya?

"Eh kakakain lang ng lunch---"

"Snack natin." Putol nya sa sasabihin ko.

"Kahit ano naman kinakain ko." Sabi ko. Parang nahihiya na ako sa kaniya. Kasi ang galante naman kasi.

"Okay ako na bahala ha. Wait me here."

Nung pagkaalis ni James pinagmasdan ko siyang nakatalikod. Bakit kaya ang bait ng lalaking 'yun sakin. Nakakatuwa naman kasi may friend akong bago. Coincidence pa.

Tenenenenen!

From: Adrian
Crush. Where are you?

Hanla. Hinahanap na ako ni Adrian. Baka tapos na sila ni Janna mag-bake ng cookies. Eh, ayoko sabihin kasi..

To: Adrian
Nagpapahangin lang. See you later nalang.

Gusto ko munang lumayo sa kanila kahit sandali. Naaalala ko lang kasi si Kyle. Ayoko namang magtanong dahil ayokong manghimasok sa private life nila.

"Chelsea!"

Napatunghay ako agad sa masiglang boses na yun

James smiling at me while holding a lot of siomai on a plastic ang drinks. Nilapag nya yun sa table. "Wait may kukunin pa'ko."

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon