Chapter 51 ♥

566K 11.4K 1.3K
                                    

Chelsea POV

Natapos na din sa wakas ang movie. Hindi ko man lang masyado naintindihan dahil nagulo ang sistema at isip ko dahil kiss na ginawa ni Kyle.

Nakakarami na talaga yan sakin promise.

Lakad na kami palabas ng sinehan. Grabe lang. Nawindang ako sa nangyari sa sinehan na yun.

Kasalanan ko din naman kasi tumugon ako sa halik niya. Hindi man lang ako umalma. Aish.

Nakakahiya.

"Hoy nobody saan mo gusto pumunta pa?" Tanong ni Kyle.

"Kahit saan." Sagot ko.

Kahit naman saan go ako eh. "Isip ka dali."

Nag-isip naman ako. Minsan lang humingi ng suggestion 'tong si Kyle. "Gusto ko sana bumili ng pocketbook eh. Dati kasi nanghihiram lang ako sa kapitbahay namin."

"Anong pocketbook?"

"Tagalog yun. Mga love story." Sabi ko. Dati kasi habang nagbabantay ako ng karenderya, nakukuha ko pang magbasa ng pocketbook kasi pampatanggal boredom din.

"Okay."

Wow naman. Pumayag si Kyle? Hehe. Lakad kami papunta sa Precious Page boutique. Dami pocketbook dun eh.

Kuha lang ako ng kuha. Mga 10 siguro binili ko. Para pag bored ako, may mabasa naman ako.

Sa dami ng nabili ko, napatingin ako sa nasa pinakaibabaw nung mga nabili ko. Binasa ko yung title.

"When Two Hearts Feel The Same Way"

Maganda kaya 'to?

Yung writer, si Pinky Jemiel. Mabasa nga agad mamaya. Hehe.

(A/N: Mawalang galang na po. Nagpo-promote lang ako. Haha, my novel under PHR)

Okay na. Punta na ako sa counter. Dudukutin ko na sana wallet ko.

"Ako na magbabayad." Presinta ni Kyle.

"Hanla. Ako na. May sweldo naman ako mamaya eh." Sabi ko.

Kasi diba friday ngayon. Kaya makukuha ko na sahod ko kay Kyle na 25K. Nyaha.

"Tch. Hindi na." Sabi nya saka naglapag ng 500peso sa counter.

Wala na ako nagawa, kinuha na nung cashier eh. Hehe. May sukli pa.

Okay na. "Ano pang gusto mong puntahan o bilhin?" Tanong ulit ni Kyle.

Bait yata ni Kyle ngayon ah. Lubusin ko na. Haha.

"Gusto kong kumain sana ng cake. Hehe." Nag-crave ako bigla. Ewan ko kung bakit.

"Okay. Let's go to Contis."

"Ha? Anong contis? Yung artista, si Paolo Contis?"

"Aish nobody ewan ko sayo! Bilihan yun ng cake. Bilisan mo nga dyan."

Sorry naman po.

Ignorante lang. Hakhak.

Ayun iniwan na naman ako ni Kyle. Hinabol ko nalang sya para magkasabay naman kami. Hehe

Nakarating na man kami agad dito sa contis. Wow lang, daming cake. Naglalaway na'ko grabe. Haha.

"Ano gusto mong flavor ng cake?" tanong ni Kyle saka kami umupo.

"Kahit ano."

"Wala ka ng alam isagot kung hindi kahit ano. Tch. Dyan ka lang. o-order na ako." Paalam niya.

Ahehe sory naman. Malay ko ba dyan. Haha. Kahit naman ano kinakain ko. Hindi kaya ako choosy. Basta sa pagkain! Go. Go lang

Bumalik na dito si Kyle sa mesa kasunod ang waiter. Buti mabilis. Hehe, sabagay wala masyadong tao.

"Anong flavor yan?' Tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa harap ko.

"Mango Bravo."

"Masarap yan?" tanong ko

"Malamang lasang mango,"

Husay mo kausap Kyle. Grabe ka sa kapilosopohan mo. Aish.

Sumimangot lang ako at sinimulan ng tumikim nug cake.

Wow, sarap nga. Ahehe, parang di ko mapigilang kumain ng kumain. Sarap kaya talaga.

"What can you say about the cake?" tanong n Kyle.

"Lasang mango." Pabalang na sagot ko. Haha simangot siya eh. Ikaw lang ba may karapatang mamilosopo? Haha. Gusto ko tuloy matawa sa itsura ng mukha ni Kyle. Pinipigilan ko lang dahil once na tumawa ako, lagot ako Kyle malamang.

Tumungo nalang ako at tinuon ang pansin sa cake.

"Nobody.."

"Hm.." sabi ko habang nakatungo pa din.

"Nobody.."

Aish. Tumunghay na ako. "Bakit ba?"

"Ahh!" sigaw ni Kyle. Bale isusubo niya sakin yung cake na nasa kutsara na ginamit niya din.

Shy ako.

Shemay!

"Eat." Ulit ni Kyle habang nginunguso yung kutsarang may cake.

Nagdidilim na naman ang awra niya. "Eh Kyle.."

"Pag di mo 'to kinain, ikaw kakainin ko."

"ANO?"

Langya napasigaw ako sa sinabi niya. Langyang Kyle yan.

"Wala, sabi ko pag di mo 'to kinain, hahalikan kita dyan."

May choice pa ba? Kinain ko nalang yung cake na nasa kutsara niya.

Grabe, indirect kiss din yun ah. Di ko ma-imagine. Kahit si Adrian naranasan ko na din na gumamit kami ng iisang kutsara lang. Parang mag-gf/bf lang gumagawa nun. Grabecious lang .

Tumungo na ulit ako pagkainom ng water. Nakakahiya kasi tong si Kyle. Aish. Naman. Daig pa namin mag-jowa nito eh.

"Nobody.."

"Oh?"

Malamang susubuan na naman ako niyan. Aish.

"Subuan mo naman ako,"

"Ano ba naman yan Kyle." Reklamo ko. Kasi naman eh,

"It's an order. Alipin pa din kita." Sabi niya.

Gusto ko nang pektusan si Kyle promise! Pasalamat ka Kyle nakakapagpigil pa ako.

Nag-scoop ako ng malaking part ng cake. Haha. "Oh. "Sabi ko kay Kyle

"Ang laki naman niyan.."

"Reklamo ka? Pasalamat ka sinusubuan pa kita dyan." pagtataray ko.

"Tch."

Wala rin naman syang nagawa. Kinain nya din. Haha. Nakakatawa itsura ni Kyle.

"Asdfghjkl."

Ano daw? Adik 'tong si Kyle. Nagsasalita puno ang bibig.

Pinagmasdan ko lang sya. Haha. Sama ng tingin sakin ni Kamahalan. Kala mo ha. Uminom na sya ng tubig.

"Papatayin mo ba ako?" Sabi nya.

"Agad-agad?"

"Kung nabulunan ako? Ha?" Nakasimangot na sabi nya. Ewan ko sayo.

Binilisan ko na kumain. Tutal paubos na din naman yung cake. Kasi 'tong si Kyle daming alam. Kainis.

After nga dito. Mayaya nalang si Kyle mamili sa department store. Kung papayag. Pero pag hindi, edi wag. Ako nalang. Haha.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon