Chapter 53 ♥

573K 11.2K 2.3K
                                    

Chelsea POV

Kakaiba na yung nararamdaman ko kay Kyle. May something talaga sa kaniya na hindi ko ma-figure-out.

Oo sanay na ako sa paninigaw niya. Pero yung kanina sa videoke room, iba yung pagsigaw niya dun.

May problema ba siya? Napangitan ba talaga siya sa boses ko kaya sya nagkaganun? Aish. Pati tuloy ako namo-mroblema.

We’re on our way home. Tahimik lang kami dito sa kotse niya. Napapasulyap ako sa kaniya ng kaunti. And I can see it, may bumabagabag sa kaniya.

Maya-maya nakarating din kami dito sa building.

Mabilis akong bumaba. Paano ba naman. Pagbaba ni Kyle dire-diretso niya papasok ng building. Walang sali-salita. Hinabol ko siya.

Whoo! Buti kaabot ako sa elevator. Kaming dalawa lang ang sakay.

"Kyle.."

No response.

Pinilit kong maging energetic. "Grabe ka Kyle, basta mo nalang ako iniwan sa kotse mo. Aish." Cool na sabi ko.

Still, no response.

Ano bang gagawin ko. Bakit ayan na naman yang cold treatment nya? May nagawa ba akong mali? Hindi ko na talaga maintindihan si Kyle. Promise! Minsan, ang sungit. Minsan, ang bait. Minsan, sweet. Minsan naman madaling magalit. Minsan, naninigaw. Minsan, smiling face. Minsan, nakasimangot at ang pinaka-ayaw ko, minsan napaka-cold niya.

Apektado ako.

Tinggg!

Dito na kami sa floor namin. Pilit ko siyang sinabayan hanggang sa makarating kami dito sa may unit namin.

"Ah Ky---"

*Boogsh*

Wala na. Naputol ko na sasabihin ko. Dire-diretso kasi siyang pumasok sa unit niya at pinagsarhan ako ng pinto.

Nalulungkot ako sa totoo lang.

Malamya akong pumasok sa unit ko. Parang nawalan ako bigla ng energy.

Pagpasok ko, umupo muna ako dito sa sofa.

Tenenenenen!

Hindi ko inaasahan ang magtetext sakin pero natuwa naman ako.

From: Kamahalan
Labas ka.

Magso-sorry ba sya? Okay na ba sya? Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

There he is. Kyle standing in front of me. Pero ngi-ngiti palang sana ako ng mag-abot siya sakin ng sobre tapos pumasok na ulit sya sa unit niya. No words again from him.

Akala ko magso-sorry siya. Sinipat ko yung sobre. Sweldo ko pala.

Pumasok na ulit ako sa unit ko. Diretso na sa kwarto. Nagbihis at naghilamos.

Ang lungkot ng gabi ko promise.

Kinuha ko muna laptop ko at nag-open ng Facebook.

Mag-status ako.

Chelsea Torres Ano bang nangyari sa kaniya? I can't help myself to worry :(
Like • Comment • Share

Twitter naman.

Hindi ko expected na makakabasa ng tweet ni Kyle.

Kyle Shin-Woo @KyleSWattpad
Damn her.

Hanla. Ako ba tinutukoy niya? Hanla. Wala naman akong matandaang ginawa ko.

Ayoko na. Pinatay ko na laptop ko. Kakausapin ko si Kyle. Di ko kayang manahimik ng ganyan siya.

Bumaba ako at kumatok sa unit ni Kyle.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon