29 Levi

2K 122 4
                                    

Muling nakagawa ng ingay ang mga pictures na nakuha ni Banang sa katatapos lang na basketball event. Marami ang namangha sa galing niyang magmanipula ng camera.

Ang litrato ni Levi na nasa ere at naglay-up ay siyang ginawa pang front page sa pahayagan ng school nila. Maging ang main paper ng Harrison University ay ang litratong kuha niya ang ginamit.

At hindi lang ang mga pictures ang dahilan ng kasikatan ni Banang. Sumikat din siya dahil sa usap-usapang siya ang bagong dyowa ni Levi. Hindi naman kasi lingid sa mga tao ang pagbalik niya sa jersey ng lalaki. Isama pa yung pagkakataong nasali siyang naitaas sa victory celebration ng Harrison High School basketball team.

Pero sa totoo lang, hindi pa sila nagkikita ni Levi hanggang sa pagkakataong iyon. At wala siyang balak na magpakita pa rito. Tapos na niya ang kanyang assignment kaya ok na siya muli.

Pero ang hindi niya makalimutan ay ang mga larawang nakuha niya sa katatapos lang na event. Lalong-lalo na iyong kay Levi. Karamihan sa mga pictures nito ay nakatingin ang kumag sa kanya. Parang sinadya pa nito ang mga iyon. Hindi nga niya maintindihan kung paano nito nagawang mapatingin sa kanya sa kabila ng paglalaro nito.

One photo, even, sent her heart overdrive. May kuha kasi siya na naglay-up ang lalaki habang nakalingon sa kanya at nakakindat ito. Ilang ulit niyang nazoom ang picture to make sure na siya nga ang kinikindatan nito. At hindi siya nagkakamali, sa kanya talaga ito nakatingin. Of course, hindi niya pinasa ang mga iyon kay Myla. Hayaan niya lamang iyon sa kanyang sariling pag-iingat.

Pero ang pinakamalaking drawback sa mga nangyari nang nakalipas na araw ay iyong maraming mga kababaihan at mga kalahi ni Dodong ang galit sa kanya. Karamihan o lahat ng mga iyon ay mga babae ni Levi Suulivan. Mga ex-girlfriends, current girlfriends, at future girlfriends ng lalaki. Meron din itong ex-flings, current flings, at future flings. Sa isang araw ay nakagawa siya ng haters club niya. She was even attacked through her facebook account. Pero magaling siya at hindi niya pinakikialaman ang mga ito. Basta, masaya lang siya lagi. Deadma lang siya sa mga haters at bashers. Chos, peymus si Banang!

And now the event was over, balik na naman sa normal ang buhay niya. Ay oo nga pala, yung mga hustler na so called friends niya, ginisa siya pagkatapos niyang ilibre ang mga ito. They pressed her to admit their false accusations of her and Levi. Pero, inamin niya talaga ang totoo. Katakut-takot na pagbabanta ang mga sinabi niya bago naniwala ang mga ito na wala naman talaga silang relasyon ng lalaki.

Dahil wala siyang gagawin sa araw na iyon ay naglakad-lakad muna siya sa campus. Hindi niya kasi mahagilap ang mga kaibigan. And all of them are not responding to her text messages.

Naglakad siya papunta sa isang bench para maupo sana pero may nakabangga sa kanya. Tumilapon siya sa lakas ng impact. Naramdaman na lang niya ang marahas na paghila sa kanyang braso bago pa man siya masubsob sa damuhan. Napatayo siya muli at mintis na sa damuhan siya bumagsak ay sa isang matigas na bagay napasubsob ang mukha niya.

Napangiwi siya sa sakit. Then she heard that violent groan. Saka niya narealize na nakayakap na pala siya sa isang tao. And her face was against his hard chest.

Unti-unti siyang napatingala sa mukha nito. Laking panggilalas niya nang mamukhaan ito. It was Harrison's number one playboy with closed eyes. She knew at that moment that he was 'celebrating' the pain that her face caused his chest. Mabilis siyang napalayo sa lalaki.

And for the first time in her very own life, she heard that five-letter word that she never thought he was capable of saying.

"S-sorry." anito na punong-puno ng sinseridad ang boses.

Nanlaki ang mga mata niya and for a moment there, she totally forgot that she was actually facing the mighty Levi Sullivan.

Ang kamay ng lalaki na itinaas nito upang ayusin sana ang nagulo niyang buhok ay biglang natigil sa ere. Marahil ay namukhaan na ni Levi na siya ang nakabanggaan nito.

"I'm sorry." he uttered again the the word. At mabilis na ibinaba ang kamay.

"It's ok." she said calmly. Tuluyan na siyang napaupo sa bench. Ang akala niya ay aalis na ang lalaki pero nahuli niya itong nakatingin sa kanya. At may kakaiba siyang nakita sa expression nito na hindi niya mabigyan ng pangalan.

Then to her shock, Levi Sulivan slowly walked towards her. Naupo ito sa kanyang tabi at nanahimik. Maging siya ay nahawaan ng katahimikan nito. Bigla ay parang lumakas ang kabog ng dibdib niya. At ang malala niyan ay dinig na dinig niya iyon.

Tumikhim ang walang-hiya. Nang lingunin niya ito ay nahuli niya ang lalaki na nakatingin sa kanya. Hindi na niya nakayanang umiwas. Unti-unting gumuhit ang kakaibang ngiti ni Levi. God knows how much she stopped herself not to pinch that very cute face of him. And that very deep dimple of Levi was very uhmm!

Naubusan siya tuloy ng choice of adjectives na maaring panlarawan sa itsura nito pag nakalitaw ang hanep nitong dimple.

"Ahm, why?" pakiyeme niyang tanong kahit sa totoo lang ay kinikilig siya. Hindi niya akalain na mapapakilig pala siya ng Sullivan na ito nang wala sa oras. Now, she's sure that she's gonna eat all of her words. Mga salitang sinabi niya tungkol kay Levi.

"Gusto mo ng sandwich?" nakangiti nitong tanong sa gulat niya rin mismo. Yun lang pala ang sasabihin nito. Dumako ang paningin niya sa hawak-hawak nitong paper bag.

Hindi siya sumagot. Ganunpaman, inalabas ni Levi ang food box mula sa paper bag. Natakam siya nang makita ang homemade sandwich nito.

"Share tayo." Levi uttered with the dimple. Ibinigay nito sa kanya ang isa. Ang isa pang natira ay iyon naman ang kinuha nito at mabilis na kinagat. Ginaya niya ang ginawa ng lalaki.

"Hmmm." hindi niya napigilang usal. The sandwich is really good. "Ang sarap naman. Ikaw ang ang gumawa nito."

"Nuh uh." He tounged the side of his lips to catch the remnant of mayo. "Actually, it was given to me by a friend from college. My cousin's girlfriend."

"Ah, thanks for sharing anyway."

"No problem. Can I ask you a favor?"

"Sure." mabilis niyang sagot.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon