103 Levi I Rex

1.5K 81 17
                                    

Wala pang isang oras ni Levi sa Zamboanga ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang pinsan na wala doon ang hinahanap niya. Napag-alaman niya rin na wala naman pala talgang barilang nangyayari doon sa lugar na sinabi sa kanya ni Yanyan.


Frustrated, with his connections, nagbalik siya kaagad sa Maynila within the day. Kahit pagod na siya ay dumiretso siya sa opisina ng pinsan niya to confront the naughty wife of his dear cousin. Buti na lang at nandoon si Yanyan kaya mailalabas niya ang sakit ng kanyang loob sa babae.


He found Yanyan in Rex's office pampering her own self. Naglilinis ito ng sarili nitong mga kuko sa executive desk at sa mismong harap ng pinsan niya. Nagtaka pa siya kung bakit hindi ito sinisita ng OC na si Rex. From the look of it, the two maybe have gotten over what happened a while ago. Relaxed na relaxed ang mga ito.


"Oh, hi Levi!" iyon lang ang sinabi sa kanya ni Yanyan nang makita siya nito. Saglit lang nitong itinigil ang ginagawa at muling itinuloy din iyon. Mas lalong nainis si Levi dahil tila hindi big deal ang katatapos lang nitong ginawa.


Si Rex naman ay tumayo nang siya ay masilayan. Lumapit ito sa kanya and patted his shoulder. "Are you fine?"


"No!" mabilis niyang sagot. "Obviously, I am not ok!"


Hindi na binigyan ni Rex ng pansin ang masamang tingin na ibinibigay niya kay Yanyan. Sa pagkakataong iyon ay tuwang-tuwang tinitingnan ang mga daliring nalagyan na ng kulay ang mga kuko. "You look tired Levi. I think you need to rest. Upo ka muna diyan sa couch or you can take a nap for a while. Mamaya mo na gawin kung ano ang sadya mo sa opisina ko."


Levi sighed. Hindi na lang siya nagsalita. Ang galit na dinadala niya sa loob ay dahan-dahang naglaho sa kabaitan ng kanyang pinsan. Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya saka nagmamadaling lumabas na tila walang nanagyari.


Pasakay na siya nang tumunog ang cellphone niya. It is Yanyan who is calling. Naiinis na sinagot niya iyon. "What do you need?"


"Easy ka lang diyan bes." kalmadong sagot sa kanya ng babae. "Saan ka?"


"Parking lot. Why?"


"Wait for me there. Tutulungan kitang hanapin ang iyong sinta." Wala pang isang minute ay nakita na niya itong patakbo sa kanyang kinaroroonan.


"I have no time for your bullshits Ate Yanyan. And don't talk to me like you did not do something stupid."


Mabilis na lumapit si Yanyan kay Levi at kumapit sa kanyang kamay. "Sorry na! Sino ba kasing matinong tao ang basta-basta na lang maniniwala sa sabi-sabi? Anyway, I still admire your persistence. Balik nga pala tayo. So you are looking for Savannah right? And the reason behind is because you love her right?"


Levi looked away and maintained having a pokerface. Ayaw na niyang sumunod pa sa kung anong sasabihin ni Yanyan. Alam niyang hindi pa tapos si Yanyan sa mga pantitrip nito sa kanya.


"I know that you would not want to listen to me again pero kasalanan ko ba kasi kung impulsive ka. Anyway, ngayong napatunayan ko na mahal mo na nga talaga ang bata ko. Ay, bata pala ng asawa ko na mas pogi sa iyo. Tutulungan kitang hanapin ang nawawalang brilayante."

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon