82 Levi

1.5K 90 7
                                    


Levi really had no choice at all. Isang araw siyang binulabog ng mag-asawang Rex at Yanyan para pumunta sa blind date na naset up ni Yanyan para sa kanya. Alam niyang napipilitan lang si Rex na gawin iyon sa kanya pero wala na itong magagawa. Mahal na mahal kasi nito ang asawa. Malas niya lang kasi siya ang napansin ng babaeng paglaruan.


Ang mas nakakatawa, the blind date is very cliché and very crazy. He has to wear blue. And his supposed date must wear black. Iyon daw ang palatandaan para malaman na sila ang dapat na magdate sa gabing iyon. Yanyan is serious in playing Cupid dahil talagang sa isang mamahaling restaurant ito nagpareserve para sa walang kuwentang date na iyon.


Though she did not give him the name of his date, sinabi naman nito na magugustuhan daw niya kung sino man ang taong iyon. Ayaw niya sana itong patulan pero pumayag na rin siya nang tumigil na ito sa walang kuwentang mga plano nito.


Mula sa suot na business suit kanina ay nagpalit siya ng casual at simpleng damit. He wore a blue shirt. Pinarisan niya iyon ng faded jeans and a pair of sneakers. Wala siyang balak na magpakaformal dahil hindi naman talaga siya interesado sa date na iyon. Wala siyang pakialam kahit hindi man tutugma ang suot niya sa sosyal na restaurant na pinili ni Yanyan.


Ganunpaman, meron pa rin siyang respeto sa kung sinumang kadate niya kaya maaga siyang bumiyahe papunta sa venue. Ayaw niyang malate but his very poor sense of direction made him so. At biglang lumalala ang traffic.


Napabuntong-hininga siya. Malilate na talaga siya pero halos hindi umuusad ang trapiko. Nakahinto na ang mga sasakyan. Napag-alaman na lamang niyang may banggaan pala sa harapan. Isang pampasaherong bus at isang kotse ang nadale. May taxi din na iiwas sana sa aksidente pero hindi inaasahang sumalpok sa sementadong barrier ng kalsada. Doon nagkatrapik pa lalo.


He was on the verge of cursing everything that pops into his mind when he heard a very loud noise. Nagulat siya nang mapansin niya ang babaeng bigla na lang pumatong sa unahan ng kanyang kotse. Awtomatikong ibinaba niya ang salamin ng kotse.


"Miss!" naiinis na tawag niya rito pero parang hindi siya nito narinig. "Miss, I told you, get your ass off my car!"


Wala pa ring response sa babae. Napilitan siyang bumaba sa kanyang kotse. Napansin niya ang dahilan kung bakit wala itong pakialam sa paninita niya rito. May hawak itong camera at nakatutok ang atensiyon nito sa pagkuha ng larawan sa nangyaring aksidente.


"Miss!" muli niyang tawag dito. Hindi siya nito pinansin. Nainis siya sa pagbibingibingihan nito. Papayagan naman niya rin ito kung nakiusap lang ito sa kanya. Hindi iyong basta-basta na lang pumatong sa kotse niya.


Sa kanyang inis ay nilapitan niya ito at walang babalang binuhat. Nagulat ang babae sa kanyang ginawa kaya nabitiwan nito ang hawak na DSLR. Buti na lang at nakasuot sa leeg nito ang sling ng camera. Pinagsusuntok siya ng babae sa dibdib kaya napilitan siyang ibaba ito sa sementadong kalsada.


Pagkababa niya rito ay isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha kasabay ng walang kamatayang panunumpa sa kanya ng babae.


"Walang hiya ka! Muntik mo na akong patayin sa gulat!" Putak ito ng putak at halos hindi na niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sunod-sunod ang ginawa nitong pagsasalita.


"Hey." Napilitan siyang takpan ang bibig nito gamit ang kanyang kamay. Effective naman dahil bigla itong nanahimik. "Just listen first to me, ok?"


Nang alisin niya ang kanyang kamay sa bibig nito ay bigla siyang natigilan. Kilala niya ito. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala. "Savannah!?"


Saglit lang itong natigilan nang mamukhaan siya. Nagsimula na naman itong maglitanya ng kung anu-ano. "You ruined my shots. Bakit ka ba nakikialam kasi? Hindi ko na tulay nakuhanan ng maayos ang insidente."


Sa narinig niya ay biglang bumalik ang inis sa kanyang ulo. Ngayon, mas tumindi iyon. Sisihin ba naman siya nito. Papalagpasin niya sana ito pero sa sinabi ni Banang ay bigla siyang nagalit.


"Ako pa ngayon ang may kasalanan." kalmado niyang wika dito. "Ikaw nga ang basta-bastang pumatong sa sasakyan ng may sasakyan tapos ngayon ikaw pa ang galit. Kung nagpaalam ka sana ng maayos, pinayagan naman sana kita eh."


Tahimik na nakatingin sa kanya ang babae. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito ngayon. Isa lang ang sigurado niya. Galit sa kanya ang babae. Kung dahil sa pakikialam kuno niya sa pagkuha nito ng larawan ay hindi niya alam. At hindi niya matagalan ang mga titig nitong nanlilisik. Hindi niya pa rin ito maintindihan. Siya dapat ang nagagalit dito dahil sasakyan naman niya ang naagrabyado.


Bigla itong bumawi ng tingin at basta na lang inilabas ang cellphone nito. May itinawagan ito at saka nawala ang atensiyon sa kanya. "Hindi ako makakapunta sa sinasabi mo. May nangyari kasing aksidente dito sa kalsada at sobrang traffic. I don't think I can make it."


Paalis na ito sa tapat ng kanyang kotse na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Napapabuntong-hininga na lang siyang muling pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kailangan niyang hintayin ang muling pag-usad ng mga sasakyan.


Pagkalipas ng ilang sandali ay bigla niyang naisip ang blind date na sana ay pupuntahan niya. Baka hindi na siya makakarating. Dinampot na lang niya ang cellphone sa dashboard at tinawagan si Yanyan.


"I am sorry Ate Yan. Hindi ako makakapunta sa blind date na naset-up niyo."


"About doon." wika nito. "Tumawag din iyong kadate mo sana. Hindi daw makakapunta. Sasabihin ko rin lang sa iyo pero naunahan mo lang kasi ako sa pagtawag. Sorry Levi."


"No problem."


Akma niyang tatapusin ang tawag nang muli niyang marinig ang boses nito. "How about next time?"


He sighed. Really sighed. "I don't think there's a next time. Magiging busy na ako sa mga susunod na araw."


"Basta may next time." muling sagot ng babae. Hindi na lang siya umimik. Pinutol niya ang tawag at tahimik na napasandal sa upuan mg kotse. Sakto namang gumalaw na ang mga sasakyan.

Exclusively Yours, LeviWhere stories live. Discover now