36 Levi

2K 130 17
                                    

"Hi." kasabay ng matamis na pagbati ni Banang ang isang napakatamis na ngiti. This was the day she decided to approach Levi for the interview she needed so badly.


Hinanap niya talaga ang lalaki. Kung saan-saan niya ito hinanap. Yun pala ay nasa canteen lang ito nakayupyop ang ulo sa mesa. Malamang, natutulog ang kumag. Sinadya nga niyang kulbitin ang batok nito. Nang mag-angat ang lalaki ng tingin ay doon na siya nagsalita.


Nakakunot-noo ang kurimaw habang nakatingin sa kanya with those very cute sleepy eyes.


"What?" Levi asked innocently. For a moment, she has lost her words. Hindi niya napaghandaan ang pagkakataong iyon. He is actually adorable when he has those puppy eyes and husky bedroom voice.


"Can I join you in the table?" Sa halip ay nasabi niya. "Wala na kasing bakanteng upuan." Which of course, it is not true. Napansin niyang inilibot ni Levi ang paningin nito sa paligid. Nakita tuloy nito na marami pang bakanteng mesa ang hindi ukopado sa canteen. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Such a lousy Banang. Shame on you!


Bigla na lang natawa si Levi. Tawang- tawa ito na tila may saltik sa utak. Ang malala, mas lalo itong natatawa pag nakikita nito ang mukha niya. Kung hindi niya lang ito kailangan ay baka naihampas na niya rito ang hawak-hawak niyang libro kanina. Buti na lang at napigilan niya ang sarili. Kunwari ay nakitawa na rin lang siya.


"Anong kailangan mo sa akin?" tanong sa kanya ni Levi. Bagaman natigil na ito sa pagtawa ay hindi pa rin nawawala ang amusement sa mukha nito. Medyo mahangin pa ang pagkakatanong nito kung may kailangan siya dito. Muli, pinigilan niya ang sarili niyang hampasin ito ng libro.


"Ahm, ok." she accepted defeat. Kailangan niya ng mataas na pasensiya sa pakikipag-usap niya sa lalaking kanyang kinamumuhian. Kukunin niya lang ang kailangan niya dito ay ayos na siya. "May kailangan nga ako sa iyo at alam kong alam mo kung ano ang kailangan kong iyon."


"Well, enlighten me Miss Ismael." pilyo nitong katwiran. "I have no idea why all of a sudden you need something from me. It is quite alarming."


"Alarming!?" gulat na naisatinig niya. "Ano naman ang alarming kung may kailangan nga ako sa iyo?"


"I know that you hate me, so why do you need something from me? Ewan ko, baka may pinaplano na ka na namang masama laban sa akin. At isa pa, nagustuhan ko yata ang napakapekeng ngiti mo kanina when you approached me."


"Ok." she uttered in surrender. "Puwede ka bang mainterview?"


"Tungkol saan?" nakangising wika ni Levu. He is really good in annoying her.


"Well." she uttered trying her best not to get distracted on his very annoying yet really cute boyish grin. Imbes na mas lalong mainis siya ay unti-unting gumagaan ang kanyang nararamdaman dahil lamang sa mapanlinlang at talaga namang nakakamesmerize na ngisi ni Levi Sullivan. "In case you do not know, which I am pretty sure you knew already, Volition is conducting some interviews to the basketball players. Para iyon sa gagawing magazine na ipupublish para sa inyo. Since, I am the most competent enough to face you, ako ang naatasang mag-interview sa iyo. Sabagay ako naman talaga ang gumawa rin sa lahat ng mga players."


Hindi niya hinayaan na mawala ang sarkasmo sa bawat pagbitiw niya ng mga salita. Yet, Levi's wall is unbreakable. Walang itong pakialam sa tono ng pananalita niya. He does not even dare to argue with her right now. And it was the most annoying moment of her life with him. Mas nais pa niyang nakipagtalo dito kaysa sa maranasan niyang talak ng talak habang nakingisi ang kaaway ng buong puso.


"So, are you available right now? " tanong niya rito sa kabili ng inis. It is better to end this now para maiwala na niya sa landas ang lalaki.


"I am afraid I'm not."


Nanlaki ang kanyang mga mata sa naging sagot ni Levu. Lihim niyang pinagalitan ang kanyang sarili. She asked the wrong question. And the enemy won again this time. "What do you mean? Sa tingin ko naman ay wala kang ginagawa ngayon. Well, I have never approached you kung alam kong busy ka."


He chuckled and it sent her heart to a malicious pounding. Gosh! This is guy is really something. "Ako ang magpapasya kung kailan ako magiging busy. Maybe, I am not busy a while ago while you saw me. Puwes, busy na ako ngayon."


"That's unfair! Pero alam nating pareho na wala kang ginagawa. You are just sitting here, doing nothing but to imagine some things, well some things, some things, ay basta!"


"What things are you talking about? I rarely imagine. I am not that kind of person who tries to depart from reality and create silly images on my mind."


"Ok, suppose that you are not imagining, then what else could you be doing? In that case, hindi ka busy. Kaya magsimula na tayo."


"I thought you are asking me a favor, were you?"


"Why, of course."


"Then ask me properly?"


"And by that, you mean?"


"Try talking to me in a nicer way. Remove that insolence all over your face and be that sweet girl that was talking to Pacoy."


"I am not a sweet girl. At ang trato ko sa mga kaibigan ko ay iba sa pagtrato ko sa ibang tao. Pacoy is a friend and I guess you are not."


"Ok. You know what, just a piece of advice, I don't often talk to people who are not my friend. And since, you don't consider me one, maybe that interview is over. Good bye."


"No wait!" Nataranta niyang sigaw nang tumalikod sa kanya si Levi. Mabilis niyang nahagip ang braso ng lalaki.


"I accept that interview."


"Talaga."


"Hep, in one condition, date me."

Exclusively Yours, LeviWhere stories live. Discover now