88 Levi

1.5K 98 12
                                    


"Saan ka galing?"


Savannah was startled upon hearing that deadly and almost judging voice. Hinanap ng kanyang mga mata ang pinaggalingan ng nagsalita at nakita niya si Levi na nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.


Umiwas siya ng tingin. "Wala kang pakialam. What are you still doing here?"


"Siguro ay alam mo na wala na talagang ibang bakanteng matutuluyan. Sinabi sa akin ni Yanyan nanaghanap kayo kanina. Well, naghanap din ako at wala akong napala."


Savannah sighed. Muli niyang sinalubong ng tingin ang mga mata nito. "And what am I going to do about it? I guess I am stuck here with you. If you'll excuse me, gusto ko ng matulog."


"You did not attend the dinner a while ago."


"I guess it is not your obligation to know my reasons. I am still angry at Yanyan. You don't expect me to be there at baka may masabi pa ako na hindi magandang pakinggan ng kanyang mga tauhan."


"Well, I am angry at her as well. But I managed to make myself present at that dinner. Or maybe, you had attended a more important one. A boyfriend perhaps."


Natigilan si Savannah sa sinabi ni Levi. Tinitigan niya ito at napansin niya ang apoy na nagmumula sa mata ng binata. Alam na niyang galit sa kanya si Levi at hindi nanaman niya alam kung bakit. "I am sleepy. Matutulog na ako."


*****

Kung mas naiinis si Savannah kay Levi ay mas lalo ang binata dito. Levi does not really want to have Savannah with him in that cottage. Kanina, he tried to look for a place para sa kanyang sarili pero nabigo siya. Wala ng bakanteng cottage at maging sa hotel ay wala nang kuwartong bakante.


Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay napakaganda ng pakikitungo sa kanya ni Yanyan na tila wala itong kasalanan. Pinaunlakan niya pa ito kanina sa sinasabi nitong diner nilang mga 'models' at staff ng Craze Magazine.


He sighed upon remembering the dinner a while ago. Savannah did not appear on that event. Para siyang tanga doon habang tinatanong siya ng mga staffs kung nasaan daw ang kanyang magiging partner. Eh, hindi rin kasi sinabi sa kanya ni Yanyan na dalawa lang pala sila ni Savannah na models nito. All along, he thought that it would only be simple. Iyon pala'y isang buong magazine ang usapan. That he and Savannah will be the exclusive models for a single issue. Publicity again. Now, he's very tired of that.


Wala rin siyang magagawa at hindi na siya makakabackout dahil nandoon na siya. It was a waste of time if he will turn his back and return to his real world. Kukulitin at kukulitin din siya ni Yanyan.


Back at the dinner, iyon nga walang Savannah na nagpakita. Akala niya may importante iton naasikaso iyon pala'y may iba itong appointment. Imagine kung gaano kalaki ang kanyang galit nang mamataan niya ito sa loob din mismo ng restaurant na nagdausan ng padinner ni Yanyan. Nasa pandalawahang mesa ito at may kasamang lalaki. And from the looks of them, they were very happy together. They could pass as a couple. Sa kanyang galit ay umalis nalang siya at nagmamadaling bumalik sa cottage nila. Doon na lang niya hihintayin ang babae para makausap ito.


Then, she came. Dumating ito na tila wala itong nagawang mali. Mas lalo siyang nainis nang sagut-sagutin siya nito. Akma itong iiwan siya para pumasok sa bedroom pero napatayo siya mula sa pagkakaupo at hinagip ang braso nito. Marahas itong napalingon sa kanya. Mga nanlilisik na mga mata ang sumalubong kay Levi.


"What the hell is your problem?!" hiyaw nito na halos ikabingi niya. Sa laki ba naman ng bunganga nito.


"We're not done talking lady." aniya. Hindi pa rin niya ito binibitiwan.


"I told you, inaantok ako." Hinila nito ang sariling braso mula sa kanyang pagkakahawak. "Mahirap bang intindihin iyon?"


"Saan ka ba kasi galing at bigla ka na lang inantok. Kung tutuusin nga eh maaga pa para sa oras ng pagtulog."


"Hindi ikaw ang nagtatakda kung gustong antukin ng katawan ko Levi."


Sa halip na sagutin ang babae ay inilihis na lang niya sa iba ang topic. "Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na pala?"


"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" inis na sita ito sa kanya. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. "You are talking nonsense. And stop acting like you are my father."


"Sino ang kasama mong lalaki kanina sa restaurant?" he uttered while gritting his teeth para hindi siya mapasigaw sa galit. "Kaya pala hindi ka makontak ni Yanyan at hindi ka nakapunta sa dinner na inorganisa niya ay may iba ka palang pinagkakaabalahan."


Biglang natahimik si Savannah at tinitigan siya sa mata. Maya-maya ay napatawa ito ng pa-hysteria."Baliw ka Levi. Para malaman mo, hindi ko boyfriend ang nakita mong kasama ko. At wala kang karapatan na mag-isip ng ganoon."


"Kung hindi mo iyon boyfriend, kaanu-ano mo siya?"


"Wala kang pakialam. If you could excuse me, gusto ko na talagang matulog."


"Hindi kita patutulugin hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang lalaking iyon."


"Really? You want to know? He is none other than Jake! How dare you to not recognize your own best friend!"


Jake? Nagulat siya sa sinabi nito. So after all these years, si Jake pa rin ang itinatangi ni Savannah. No wonder, tuwang-tuwa ito kanina. At wala bang buhay ang Jake na iyon para sundan hanggang dito si Savannah? "So, hanggang ngayon ay si Jake pa rin huh?"


"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong sabihin." anang dalaga at nagtuloy-tuloy sa silid-tulagan. "And you are a nobody to dictate me on what should I do with my life."


Napasuntok siya sa upuang kawayan nang mawala ang dalaga sa kanyang paningin. He groaned and went outside to catch some air.

Exclusively Yours, LeviWhere stories live. Discover now