WMHMMC 1: Between Ice and Fire...

24.8K 602 65
                                    


Hello Guys! Another story has come! Haha! Short lang po itong story na to! Sana po nagustuhan din po ninyo! Enjoy reading guys!

"I remember what you wore on the first day. You came into my life and I thought 'hey you know this could be something'"

BLAZE'S POV:

Haay nako! Enrollment nanaman! Another school year na torture sa utak ko! Nakakabwisit eh! Mas gusto ko pang tumambay sa club kasama ang mga katropa ko kaysa naman mag-aral.

Naligo na ako at nagbihis na ng syempre gwapo at yung malakas ang dating. Haha! Yun oh!

I'm Jeron Blaze Gonzales. 21 years old and now 3rd year college taking up Architecture. Im also a part time model. Actually nakita lang ako sa mall ng isang model analysts eh. Tapos tinanong ako kung pwede daw ba akong magmodel ng mga topless photos. Well, nag-oo na ako since gusto ko naman talaga mag model eh at eto pa...ang HOT ko daw. Hahaha!

Matalino ako kung sa matalino pero hindi ko sineseryoso ang pag-aaral ko since may naghihintay naman na akong trabaho sa company namin.

Tinatanong nyo ba kung ano ang status ng aking lovelife ngayon? As for the current situation: SINGLE! Ayoko pang magkaroon ng GF ngayon. Although marami rami na akong nakafling noon at dahil sa aking hotness at sex-appeal eh halos lahat ata ng babae eh nalalaglagan at natatanggalan ng virginity dahil sa akin eh hahaha!

Kung hindi nyo naman natatanong eh super gwapo kaya ako! Mukha daw akong korean na ewan! Sabi ko naman eh wala naman daw akong lahing ganun. Sadyang natural lang ang aking itsura hahaha!

Mayaman din naman kami. Ang papa ko ay isang CEO sa family company ng mga Gonzales at ang mama ko naman ay isang Businesswoman na nagmamanage ngayon ng isang Restaurant nationwide.

Im the second son of Richard and Dianna Gonzales. Si Jason Blake ay ang aking magaling na kuya na Executive Officer na sa company namin. Lagi yang kontra sa mga gusto ko eh! Inggit kasi sa kagwapuhan ko. Aaminin ko na gwapo rin yan si kuya. Pinagtitilian nga rin yan eh kaso wala pa ata yang naging girlfriend eh. Wala naman kasi syang nakukuwento sa akin.

Okay tama na yan. Personal life ko na yan ah! Haha!

Bumaba na ako at dirediretso patungong pinto. Walang breakfast to mga tsong! Wala naman akong kasi dito eh. Maagang nagsi-alisan ang mga tao dito except sa mga maids.

Tiningnan ko muna ang aking relo para makita ang time. naku 10:15 na pala! late na ako! Hinahanap na siguro ako ng mga ulupong kong kaibigan. Sigurado akong mahaba na ang pila ngayon.

Pinaharurot ko na ang motor ko the diretso sa university namin.

ICE'S POV:

Umalis na ako sa rinentahan kong isahang apartment dito sa Manila. Magrerent pa kasi ako ng bahay dito sa Manila since scholar ako sa isang University dito. Buti nga at nakakuha na ako ng scholarship eh. Nung 1st at 2nd year college kasi ako eh todo kayod pa sila mama at papa para lang makapag-aral ako.

Ako si Ice Ramirez. Sabi nila kasing cold daw ng pangalan ko ang ugali ko. Ewan ko ba sa mga taong yun! Paano? Eh kasi wala akong kaibigan. Siguro meron pero hindi yung totoong kaibigan.

Paano ba naman kasi. Cold na nga ako sa pamilya ko, although mahal na mahal ko naman sila, cold pa rin ang pakikitungo ko sa mga taong nakikisalamuha ko.

Eh ano bang problema nila sa ugali ko? Wag na lang silang magreklamo. Binigyan sa akin ito ng dyos. Hindi ko naman kayang baguhin eh.

20 years old na ako ngayon at 3rd year college na rin taking up Architecture. Hehe gara ng course noh? Eh sa yan ang gusto ko eh! Angal kayo?

Sila mama at papa ay nasa probinsya. Sa Cabanatuan City sila nakatira ngayon. Dalawa kaming magkapatid. Meron pa akong Kuya na 5 years ang tanda sa akin. Sa ngayon nagtratrabaho na sya sa isang 5 star restaurant. Manager sya dun, HRM kasi natapos eh haha!

Sa pagtanda ko eh hindi pa tumitibok ang puso ko sa ni isang tao. Kaya NGSB (No Girlfriend Since Birth) ako. Sabi nila mama at kuya kaya daw ako walang girlfriend eh dahil sa ugali ko. Sisihin ba naman ang pagkacold ko! Eh sa nasa katawan ko na to eh! Eh si kuya? Wala! NGSB rin yun! Single and ready to mingle! Haha ewan ko ba dun!

Sumakay na ako ng jeep papuntang University. Buti nga at mura lang ang rent ko. Si kuya ang nagbabayad sa rent ko. Ako naman eh nagsusumikap maghanap ng trabaho para naman hindi nakakahiya kay kuya.

Mabilis lang naman ang naging byahe kaya nakarating rin ako agad sa university.

Pumunta na ako sa may gymnasium nila kung saan ginaganap ang enrollment. Buti na lang at naklagay din sa form na binigay yung mga details sa paglipat ko. Pati yung map ng university eh nadun.

Pumila na ako sa pilahan. As usual wearing my poker face look. And my cold personality. Hindi ko ba nasabi na pogi rin ako? Yun ang sabi ng iba.

Kaya yung mga babaeng ngiti ng ngiti sa akin eh hindi ko pinapansin. Haha buti nga sa kanila.

Medyo mahaba rin ang pila. Buti pala at maaga akong nakapila kung hindi eh baka hapon pa ako makapag-enroll.

Mga babae rin ang sumunod sa akin sa pila. Medyo matagal tagal na rin akong nakapila ah!

Mga 20 minutes pa ang lumipas ay napansin kong medyo malapit na rin ako sa wakas!

Nang mga nasa 20 tao na lang ang sinusundan ko ay pansin kong may dumating na napakaiingay na grupo ng kalalakihan. Apat sila at nasa gitna nila ang parang lider at promotor ng kabungangaang nagaganap.

Lahat ng tao eh tumingin sa kanila. Syempre, ikaw ba namang bulabugin ng maiingay na aswang!

Pansin ko naman na nagtitilian ang mga estudyanteng babae at bakla at pag dumadaan sila eh parang nahahawi ang mga tao.

Ano bang meron sa mga to? Celebrities ba sila? Bullies ba sila? Well, wala naman akong pakialam sa kanila eh. Bago pa naman ako dito diba nga?

Yes ako na ang susunod! Hay sa wakas! Sa tagal na naghintay ako haha!

Pero bago pa matapos ang sinusundan kong estudyante eh may kumalabit sa akin.

Sino nanaman ba itong ulupong na to? Eh ang ayaw ko sa lahat eh yung dinidisturbo ako sa ginagawa ko lalo na sa ganitong pila!! Grrrr!

Humarap ako sa kanya with my coldest look evahh!! Hahahaha!

"Ano yun?" cold kong sabi sa kanya.

"Pwede bang mauna na kami sa pila? May pupuntahan pa kasi kaming gimik eh. Hindi kasi namin kailangang malate dun!" sabi naman netong aswang na to! Napansin ko naman na nagtatawanan ng pilit ang kanyang mga alipores nya. Aba! Anong nakakatawa?

"Eh kung sabihin kong ayoko ha!?" pasigaw ko naman dito. "Papayag ka o uuwi kang may bangas sa mukha?" tanong naman nito sa akin. Mayabang? Pwes wala akong pake!

"Gago! Maghintay ka! Kaya nga may pila diba! Naghintay ako dito ng matagal tapos ikaw? Galing mo naman tsong!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Aba! Kilala mo ba ang kinakausap mo? Ako si Blaze! Ang pinakahot na bully sa campus! Kaya wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan!" sabi naman nito sa akin.

"Well, wala akong pakialam kung sino ka pa! Magsalita ka mag-isa mo!" cold ko sa kanya ng nakatalikod pa rin.

Nakita ko naman na nakatingin sa akin ang mga tao. Paki ko!

Sa wakas at natapos na rin ako sa pageenroll! Yes!

Kinuha ko na ang Slip kung nasaan ang class schedules ko.

Bago ako nakaalis eh inapakan ko ng pagkalakas-lakas ang paa nya.

"Sa susunod, ikaw ang dapat magingat sa sinasabi mo. Matuto kang pumili ng kalaban mo!" cold ko pa ring sabi sa kanya.

Yan! Magyelo ka sa kacoldan ko! Bwiset ka!

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. IWhere stories live. Discover now