WMHMMC 11: Truth

6.7K 251 7
                                    

"Live like you mean it, love til you feel it."

ICE'S POV:

It's been 2 months since nangyari ang pagiisang dibdib nila Blaze at Angel.

Masakit para sa akin yun syempre pero wala eh. Nangyari na eh. Sabi nga nila past is past, never discuss. So ayun. Move on din pag may time.

Pero hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Nang dahil kasi sa akin, nagbreak kami nang dahil lang sa misinterpretation ko sa aking nakita.

Isa pa, wala akong nagawa. Nagalit ako kay Blaze at nakipagbreak sa kanya, well in fact eh ako naman talaga ang may kasalanan at biktima rin sya.

Hindi ko inalis sa isip ko yung fact na ako ang may kasalanan sa break up namin. Eh sa totoo naman ah! Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito. Sya na nga yung nageffort na gumawa ng surpresa tapos ako pa yung nakipag hiwalay. Galing diba? Kaya hanggang ngayon eh binabagabag pa rin ako ng thought na yan.

Pagkatapos nang wedding nila, pumunta ako agad sa bahay at doon ibinuhos ang sakit, galit, lungkot, pagdurusa, at kung ano ano pang nararamdaman ko nang time na yun.

Nilasing ko sarili ko nun. Umiinom ako ng alak habang umiiyak. Eh sa sinisisi ko pa rin ang sarili ko eh.

Hindi rin ako pumasok nung mga sumunod na araw. Kaya naman alalang alala si Konan sa akin. Sabi nya eh matagal na rin akong hinahanap ng aking mga professors. Kaya naman nirason ko na lang na may sakit ako. Buti na lang at effective.

Pati sa pag-aaral ko eh nadadala ko yung problema ko. Kaya hanggang sa mga quizzes eh hindi ko na napeperfect kahit dati eh kaya ko naman.

May time pa na nagkaroon ako ng 2.25 na grade. Yun ang pinakamababa kong grade sa buong buhay ko. Kaya sabi ko, pagbubutihan ko at pagtutuunan na ng pansin ulit ang problema ko kaysa sa love na yan na wala naman akong nagawa.

Kaya ang ginawa ko, sunugan ng kilay. Paimpress sa mga profs. kaya ayun tumaas ulit ang grade ko.

Andito ako ngayon sa bahay na inuupahan ko. Nagaaral para sa midterm exams. Syempre dapat puspusan yung pagrereview ko dun.

Sa gitna ng pagrereview ko eh nakita ko yung kwintas ko na pinagawa ko pa para sana pair kami ni Blaze. Tinatago ko kasi yun. Kasi pagnakikita ko yun eh bumabalik ulit lahat ng sakit.

Heto naalala ko nanaman sya. Hindi ko maiwasang isipan sya.

Kamusta na kaya sya? Masaya kaya sya sa asawa nya? Ano na kayang pinagbago nya since may trabaho na raw ito. Kumakain ba sya palagi? Ano na kaya nangyayari sa buhay nya ngayon?

Haayyy, iniwaksi ko na lang lahat ng yan at ibinalik at pansin sa aking nirereview.

ANGEL'S POV:

Sa dalawang buwan na mag-asawa kami ni Blaze, masasabi ko namang hindi sya gaano kaganda.

Hindi ko kasi nararamdaman yung pagmamahal nya sa akin. Palagi nga nyang nababanggit ang pangalan ni Ice eh tapos palagi rin syang tulala.

Hindu rin sya gaano kumakain. At since andito lang naman ako sa bahay eh pinagluluto ko na lang sya na minsan eh talagang tinatanggihan nya.

Minsan masyado syang maaga umalis papuntang trabaho nya o kaya naman minsan masyado na syang late umuuwi kaya naman hindi na kami nakakapagusap.

Pagdating nya naman ng trabaho eh dapat wag mo muna syang kausapin. Palamigin muna ang ulo.

Masasabi kong hindi nga nya ako mahal. Sa mga inaasta nya pa nga lang diba?

Actually halos lahat ng gamit nya eh may resemblance kay Ice. Yung kumot nya eh may Ice na nakalagay. Yung coffe mugs nya may nakalagay na Blaze&Ice. Yung mga unan nya eh may mga word na Ice.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon