WMHMMC 5: The Kontrabida

8.8K 272 16
                                    

Sa isang relasyon, hindi mawawala ang mga kontrabida.

"You're just a bitch wrecking our relationship"

"That's not my bitch, she's not my girl, she's not my babe"

BLAZE'S POV:

Sobrang saya ko ngayon! Simula ng maging mag-on kami ng Mallow ko, tama kayo mallow ang tawag ko sa kanya at Marsh naman ang tawag nya sa akin, eh parang naging everyday heaven ang buhay ko.

Hindi na rin kasi ako nakikisama kanila Luke eh lalo na kapag nagbabar hopping sila. Naku, pag nangyari yun baka ipapatay ako ng Mallow ko. Napaka seloso pa man din nun. Oo, seloso yun.

Minsan nga eh nakita nya akong may kasamang babae nag selos agad! Sabi ko naman na pinsan ko yun kaya nanahimik sya haha! Pero in the end naman eh nagkamabutihan naman sila.

Simula nang maging kami ay wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa ayaw ko, in fact gustong gusto ko! Sya lang ang may ayaw. Sabi nya hindi pa daw sya handa. Rinerespeto ko naman ang desisyon nya kaya hindi ko naman sya pinipilit.

Nakakinis pa si Mallow ko. Ang hilig maghubad or half naked sa harap ko kaya naman palaging nagiging hyper si junjun. Alam naman nyang natitease ako kapag sya eh.

Sabi nya na maglaway na lang daw ako.

At sabi nga ng iba, pag ayaw nya, meron namang banyo kaya ayun. Dun ko ginagawa. Alam nyo na yun haha!

Sa araw araw naming nagsasama eh ginagawa kong super sweet ang bawat sandaling magkasama kami. Minsan nagdadate kami sa mall, nonood ng sine, o kaya sa bahay lang nag momovie marathon.

Minsan naman nagoovernight sya sa amin or minsan ako sa kanila. Tutal mag-isa lang naman sya dun. Ehem ehem. Wala pong nangyayari ha! Wild kissing lang kami umaabot. Hindi na kami lumalagpas don.

Ang mga magulang naman nya ay alam ang tungkol sa relasyon namin. Hindi naman sila hadlang sa amin eh. Basta kung saan daw masaya si Ice, dun din daw sila.

Sa mga magulang ko naman. Hindi pa rin nila alam. Well, kilala nila si Ice at nakukuwento ko ito sa kanila pero hindi nila alam na mag-on kami. Wala naman sila palagi andyan at hindi pa ako handa. Naiintindihan naman nya daw eh kung ayaw ko pa daw.

At ngayon nga ay sabado, guess what!?

1ST MONTHSARY NAMIN!!!

Whooo!!

Biruin mo yun! Parang kailan lang nang naging kami. Sa sobrang saya ko nga, nakalimutan ko na ang mga araw. Alam na rin naman ng mga classmates namin. Yung iba boto, yung iba hindi.

Andito ako sa bahay, specifically, sa loob ng kwarto ko. Inaayos ko kasi ang kama ko para sa surprise ko sa kanya mamaya. Hep hep, wag kayong green minded dyan. Dinner lang yun mamaya. Linagyan ko lang din ng rose petals yung bed ko. Balak ko kasing patulugin sya dito mamaya.

Kinuha ko na ang mga decorations na binili ko at dinikit na sa table na katabi lang ng kama ko. May mga bulaklak rin sa gitna noon at may dalawang upuan sa gilid.

Linagyan ko na rin ng mga heart shaped na papel sa ceiling ng kwarto ko. Ayan! Perfect!

Pagakatapos kong ayusin yun ay bumaba na rin ako at tiningnan ko na rin ang mga maids na inutusan kong magluto ng kaakinin namin mamaya.

Nang nakita kong ayos naman ay pumunta na muna ako sa sala. Tinext ko na rin si Mallow na pumunta na dito ng six pm. Actually hindi nya alam lahat ng plinano ko. Kaya nga surprise diba?

*****

5:30 na. Excited na ako para sa dinner date namin ni Mallow ko. Yiiiehh! Kinikilig na ako. Hay, mahal ko talaga yun.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. IWhere stories live. Discover now