WMHMMC 7: Broken...

7.2K 268 11
                                    

Hala guys!

Umiyak ako! Charot! Haha wala lang.

Anyways, ang pinakagwapong Ice pala ang nasa multimedia. (Lee Min Ho).

O sige na! Magbasa na kayo! Baka bugbugin nyo pa ako eh. Haha jk!

ICE'S POV:

WALA NA!

Wala na kami ni Blaze! Nang dahil lang dyan sa p*nyetang pagkakamali nya!! Ang galing nya kasi eh! Monthsary namin tapos magdadala sya ng babae sa kwarto nya tapos mag aano sila!?

Tapos ano? Sasabihin nya na wala daw siyang alam. Eh t*ngina! Kitang kita ng dalawang mata ko!! Sarap na sarap pa nga sya tapos di nya alam? Nakakagago sya eh.

Pinapunta nya pa talaga ako dun! Para lang makita ko ang kahayupang ginagawa nila! Pinaghandaan pa talaga ang kama. Tss. May pa petals petals pa syang nalalaman.

Hindi ko lang binigay katawan ko eh maghahanap na sya ng iba? Hindi ko aakalaing ganun sya kababaw na tao. Ang laki pa naman ng respeto ko sa kanya pati ng mga magulang ko tapos ganun lang pala?

Heto ako ngayon. Naglalakad lakad na kahit di ko alam kung saan ako pupunta eh naglalakad pa rin. Iyak ako ng iyak. Wala na eh. Tinapos ko na ang namamagitan sa amin. Mas mabuti na rin siguro yun. Para mas maaga eh alam ko na, na ganun pala sya. Paano na lang kung mas malala pa pala ang kaya nyang gawin. Edi ako rin ang masasaktan bandang huli.

Alas tres na rin ng madaling araw at wala pa akong kain pati na rin tulog. Pagod na pagor na ako. Physically at emotionally na rin. Pero mas masakit pa rin yung mga nagawa nya sa akin compared sa kapaguran ko ngayon.

Kailangan ko rin ng masasandalan ngayon. Hindi rin naman pwede akong pumunta sa bahay sa Cabanatuan kasi masyadong malayo. Wala na rin akong perang dala rito pampamasahe kaya hindi talaga pwede.

Nag-isip pa ako ng mga kakila kong pwedeng paglipasan man lang nang gabi.

Aha!! Oo nga ano? Bakit hindi ko sya naisip eh dito rin pala sya nakatira sa Manila.

Agad agad ko namang kinuha ang cellphone ko at dinial ang number nya. Please...please...sagutin mo.

Naka limang rings na rin ang nagawa ko bago nya ito sagutin. Malamang kasi eh baka natutulog pa yun. Hindi pa naman yun nagigising agad agad. Kailangan pa nun ng malakas na sound o kaya kailangan pang saktan para lang magising.

Sa wakas sinagot nya na rin!

".....Hello!?" Sabi nito na halatang nabulabog ang pagkakatulog.

"Hello...Kuya?"

BLAZE'S POV:

Nandito ako ngayon sa kwarto at naglalasing. Oo, naglalasing.

Pina-alis ko na si Angel kanina pa. Naku!! Kung hindi lang sya babae, binugbog ko na yun. Sorry nga sya ng sorry eh para ano pang magagawa ng sorry nya kung nasura nya na ang lahat.

Alam kong may gagawin at gagawin pa itong si Angel eh. Alam ko ang ugali nya. Hindu yan titigil hanggat hindi nya makukuha ang hindi sa kanya.

Tss...Nakakatawa! Angel nga ang pangalan, kasing sama naman ng demonyo ang ugali. Kaya nga nakipagbreak ako sa kanya dati dahil sa pagigibg over possesive nyang girlfriend.

Lahat ng ginawa ko, lahat ng effort ko, nasayang. Argghhhh!! Naiinis nanaman ako! Naaalala ko nanaman ang nangyari kanina. Sa sobrang inis ko tinanggal ko lahat ng dekorasyon at mga kung ano anong pinagagagawa ko kanina. Nagwala ako!! Eh sa naiinis ako sa sarili ko eh.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. IWhere stories live. Discover now