Epilogue~WMHMMC 13: Forever

7.4K 228 59
                                    

Epilogue na! Nakakalungkot man pero kailangan na talagang magtapos na story na to.

Sorry rin at hindi ko sya nalagyan ng prologue, ewan ko ba sa watty, ayaw magpost eh so ginawa ko na lang 1st chapter directly.

Salamat sa lahat ng sumuporta dito sa story na to! Maraming maraming salamat po talaga!

Salamat na rin sa sumuporta sa BlaCe! Or something hahaha!

Pls. Do support my other stories like Someday we'll know AND!!

The 2nd Book of the "When" Series. The..........*drum roll*
When A Sadist Boy Meets A Gay(WASBMAG)

Story po sya ng NiKon. Parang tatak lang ng appliance eh no? So yun lang. Abangan nyo na lang po sya. Maraming salamat! Ipupublish ko na po sya once na matapos ko na tong story na to.

The Epilogue is straight ahead!

=============

" My dreams came true when I found You!"

"Hon! Bilisan mo na!" Sabi ng aking pinakamamahal. Ganyan yan! Napakaapurado! Hindi marunong maghintay.

Alam nyang nagpapagwapo pa ako eh! Oo, nagpapagwapo kahit magswiswimming lang naman kami. Eh bakit ba! Paki nyo!? Hahaha.

Nakasuot ako ngayon ng board shorts, sando na kulay black, cap, tsinelas and Ray Ban na shades. In short, gwapo ako ngayon! Hahaha talo ko pa si mahal!

Bumaba na ako sa resthouse namin at pinuntahan na ito. Nakita ko itong nagaabang sa pinto na parang buryong buryo nang maghintay. Ha! Bahala sya dyan! Takot naman yan sa akin eh!

Nakasuot rin ito ngayon ng board shorts, sando na kulay white naman, cap rin tapos tsinelas pero wala syang shades.

Lumapit na ako dito at sinalubong ito ng halik. Masanay na kayo! Ganyan ang batian namin kahit maraming tao. Hahahaha! Bakit, di naman na kami nahihiya eh. Kasi mahal namin ang isa't isa!

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Para namang natalo ka sa lotto!" Biro ko sa kanya.

"Eh kasi naman ang tagal mo eh! Kanina pa sila naghihintay doon!" Maktol nya.

"Eto naman, bakit kasi ganyan ang mahal ko!"

"Halika na nga! Baka hindi kita matiis eh gawin natin yun dito!" Pagbanta nya. No! Ayoko nga! Hindi kaya ako makalakad noon! Buti nga pinaranas ko rin yun sa kanya eh! Hahaha ayan naranasan nya ring hindi makalakad ng halos 1 araw. Bwahahaha! Okay change topic. Alam nyo na yun!

Agad ko na itong hinila papunta sa beach kung nasaan ang mga kaibigan namin.

Limang taon na rin kasi ang nakakalipas at parehas na kaming nagtratrabaho sa company nila. 25 years old na kaming dalawa ngayon. Sa mga nagdaang taon, masasabi kong hindi pa rin pala talaga mawawala ang problema sa isang relasyon.

Marami. Marami kaming pinagdaanan pang mga problema. At alam kong hinding hindi matatapos iyon. May time pa nga na halos maghiwalay na kami eh buti na lang hindi nangyari dahil mahal na mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sa tabi nya.

Marami na ring nagbago sa mga buhay namin. Nakaahon na rin sa hirap ang pamilya namin sa Nueva Ecija dahil regular naman na kaming nagpapadala doon ng pera ni kuya. Speaking of, napromote si kuya 2 years ago as supervisor na kaya naman malaki laki na rin ang kinikita nito.

Ang trabaho ko naman ay Executive Assistant. Syempre, kanino pa ba? Edi dito sa tabi tabi ko ngayon. Assistant nya ako. Malala pa, iisang kwarto lang ang office namin kaya naman, sa sobrang kapervertan nya eh minsan, MINSAN, lang namang may mangyari doon. Hehe.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon