WMHMMC 8: Kontrata

6.8K 262 10
                                    


Hello Guys!

Pls. Support my other story: Someday We'll Know & Chalkboard(OneShot).

Yung chalkboard po hindi pa published. Ewan ko pa kung kailan basta pakisupport nalang in advance. Thank You All!! :)

Okay, basa na:

"Did someone break your heart inside?"

BLAZE'S POV:

Halos isang linggo at kalahati na ang nakalipas simula ng breakup namin ni Ice.  Hindi nya ako pinapansin kahit na anong gawin ko.

Simula ng break up namin, ni hindi ako makatulog tuwing gabi. Hindi ko na rin naaayos ang pag-aaral ko kakaisip sa kanya.

Umiiyak ako tuwing gabi kapag naaalala ko yung mga nangyari sa amin. Yung masasayang araw noong kami pa, yung tawanan, asaran, kulitan, tampuhan, kasweetan, lahat. Naalala ko tuwing naiisip sya.

Tinatanong ako ni kuya kung ayos lang daw ba ako. Sinasabi ko namang ayos lang ako kahit sa loob looban ng puso ko eh parang unti unti na akong namamatay.

Nagtataka nga ako eh kung bakit sa kanya lang ako nagkakaganito. Sa ibang girlfriend ko naman na kahit sineryoso ko eh hindi naman ako umiiyak. Siguro sya nga talaga ang true love ko kaya nagkakaganito ako. Pero ngayon....hayyy sana maibalik ko pa ang nakaraan. Sana maitama ko pa ang aking mali. Sana lang.

Ice. Miss na miss na kita. Namimiss ko na yung ngiti mo. Yung mga yakap mo. Yung tawa mo. At yung halik mo. I promise, gagawa ako ng paraan para maibalik ang dati nating relasyon. Nung mga panahong masaya pa tayo.

Heto ako ngayon, naghahanda papasok ng school. Nagbihis na ako ng uniform at hinanda na ang aking bag.

Kumuha ako ng panyo pero napansin ko ang isang blue box na nakapatong lang sa bed side table ko.

Yun yung binigay sa akin ni Ice nung nag break kami.

*******

Pero bago pa man din sya umalis eh may inabot nya sa akin yung blue na box.

"Bago ko pa pala makalimutan, happy monthsary!"

********

Matagal ko nang hindi ginagalaw ito. Kapag nakikita ko kasi ito parang bumabalik yung nakaraan.

Para bang may bumubulong sa akin na kailangan ko nang buksan ito.

Haayyy.....siguro nga kailangan ko na talaga.

Lumapit ako dito at kinuha ito. Sinuri ko muna ang labas nito. May nakasulat pa sa likod ng box.

"To My Marsh,

Happy Monthsary! Sana madagdagan pa ito ng 2nd monthsary, 3rd monthsary hanggang 1st anniversary. Stay who you are and I love you! Mwahhh!!

- Your Mallow :3"

Naramdaman kong nagbabadya nanaman ang aking luha na bumuhos.

Sh*t! Wag ka nanamang umiyak, Blaze.

Dahan dahan kong inopen ang box. At doon ay may nakita akong kwintas at singsing na nakaplastic pa at mukhang mamahalin.

Tiningan ko ang kwintas at may pendant itong initials na nakadikit "I & B" ang nakalagay.

Ayan nanaman. Nararamdaman ko nanaman ang luha ko na paagis na sa mukha ko. May pumatak ng isa at sinundan pa ng isa.

Pinunasan ko muna ito at tiningnan ang singsing.

Ang ganda ng style ng singsing. Napansin ko namang may qord na nakalagay dito.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon