Final Chapter~WMHMMC 12: One More Chance

7.7K 237 18
                                    

So ito na po ang last chapter!! Salamat sa lahat lahat ng sumuporta nito from chap. 1 hanggang ngayon! Maraming maraming salamat talaga! I love you!

Di bale meron pang epilogue!! Haha!

==============

"I always forget to tell you, I love you, I love you ... forever!"

BLAZE'S POV:

Andito ako ngayon sa restaurant nila mama kung saan ko idaraos ang aking malagim na plano!!! Bwahahaha! Joke lang.

Plano ko lang naman na pasayahin ang aking pinakamamahal. At balak ko ring magkaayos na ulit kami.

Kilala nyo naman na siguro yun diba!? Hehe.

Matagal ko na itong pinapangarap. Yung mamahalin ko sya ng buong buo at lahat ng taong nakpaligid sa amin ay tanggap na tanggap ang relasyon namin. Yung walang hahadlang sa amin.

At ngayon, sisiguraduhin kong wala na talagang makakapaghiwalay sa amin. Kahit sino pa yan.

"Ma? Nakahanda na po ba lahat?" Tanong ko kay mama na may ari ng restaurant na to.

"Yes naman anak? Ako pa ba? Hahaha. Maiba tayo. Mahal na mahal mo talaga sya ano?" Sagot at tanong ni mama habang busyng busy sa kanyang mga ginagawa.

"Syempre naman ma. Alam mo, sabi ko sa sarili ko dati, hinding hindi ko magmamahal ng kapareho kong lalaki. Haha. But I guess lahat ng yan nawala ng nakilala ko sya. Hindi nga ako makapaniwala noon na minahal ko sya eh. Noong una, nagdoubt pa ako sa nararamdaman ko. Pero nang tumagal, mas lalong lumalalim ito. Nadagdagan pa noong first kiss namin. Hehe. At dahil mahal ko sya, kayang kaya ko ibigay lahat sa kanya. Kaya kong gawin lahat para lang maging masaya sya. Ganun ko sya kamahal ma." Speech ko kay mama. Hoy! May pinaghuhugutan yan mga tsong!

"Oo na! Oo na! Nagtanong lang ako, andami mo nang sinabi. Isa pa na napuna ko sayo ha, nung nainlove ka lang nagiging makeso kana! Hahahaha!" Tinawanan pa ako ni mama. Hayyy buhay.

"Syempre, ganyan talaga ma kapag inspired!"

"Sige na, tawagan mo na yung sinasabi mong kaibigan nya at para makausad na ang plano mo. Darating na rin si daddy mo in a little while." Sabi ni mama at iniwan na ako dito sa loob ng office nya.

Sinunod ko nga ang sinabi ni mama at tinawagan ko na ang may malaking papel sa plano ko.

"Hello.........Konan?"

ICE'S POV:

Hayyy nako!

Buti na lang at sabado ngayon! Ang kaisa-isang araw na wala akong pasok. At since wala nga akong pasok eh sobrang bored ko na naman.

Wala akong magawa! If only andito lang si Konan. Eh wala eh. Busy ata dun sa manliligaw nya. Hahaha! Humahaba ang hair nya ano? May manliligaw na. ( A/N: Nasa second book po yan. Abangan nyo po.)

Kinuha ko na lang ang cellphone ko saka nagopen ng facebook account. Pagkabukas ko pa lang andami na agad notifications. At friend requests.

Nagfriend-request pala si Konan. At si......

Jason Blake Gonzales?

Who's this? Atsaka bakit Gonzales ang surname. Baka naman kamag-anak ni Blaze. Well, nakakahiya naman kung hindi ko iaccept diba?

Inaccept ko na rin yung friend request ni Konan. Marami ring messages sa akin. Puro about sa school lang naman.

Konting scroll lang ginawa ko sa aking news feed. Hindi rin naman kasi ako ganun ka active sa facebook. Minsan lang talaga ako magopen. Dagdagan pa na super busy ako these last few days.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. IWhere stories live. Discover now