WMHMMC 9: Angel...

6.7K 253 21
                                    

Chou Tzu-Yu nga pala yung nasa picture A.K.A. Angel Alvaraez (>o<)V.

"Coming from the lips of an angel"

ANGEL'S POV:

Yey! First time binigyan ako ng POV ni author! Happy day!

Anyways, back to the story.

Ako nga pala si Angel Marie V. Alvarez, 19 and a fashionista and shopping addict.

Soon to be Angel Marie A. Gonzales. Diba ang panget? Ewan ko ba dyan sa magulang ko! Kung ano ano nanaman iniisip nila.

Isa akong batang kulang ng aruga galing sa magulang. Noong bata pa kasi ako eh palaging wala sila daddy at mommy kung hindi out of the country business meeting, overtime, maraming works, busy, ayan lang naman ang kanilang rason.

Syempre ako naman, hindi ko naman sila pinapakialaman. Para rin naman sa akin at sa future ko ang kanilang ginagawa eh. Ang sa akin lang eh sana naman maglaan sila ng panahon kahit 3 hours every day man lang diba?

Nagkaroon ako ng 2 boyfriend bago naging kami ni Blaze. Isa noong 4th year at isa nung 1st year and then naging kami ni Blaze noong 2nd year nung nagtransfer ako sa University nila but nagtransfer ulit ako ng university nung nagbreak kami.

Oy oy! Alam ko iniisip nyo ah! FYI, hindi ako malandi! Slight lang hihi!

Niligawan nya ako ng mga dalawang buwan noon syempre transferee nga ako hindi ko pa alam na heartrob pala sya ng school! So sabi ko 'Wow ang swerte ko naman pala!' Kaya ayun. Naging kami ng mga 6 months din.

Actually ako ang nakipagbreak sa kanya. Kasi hindi ko naman sya mahal noon eh. Although my feelings naman ako sa kanya noon pero parang attraction lang ata yun.

Sila mama naman, nagbibigay pang sa akin ng allowance per month. Linalagay agad nila sa bank account ko kaya malaya ako kung ano ang gusto kong bilhin.

Alam kong iniisip nyong isa akong bitchesa or something dahil nagawa kong sirain ang relasyon ni Ice ata yun at ni Blaze pero eto lang ang sasabihin ko sa inyo.....

INUTUSAN LANG AKO NG MGA MAGAGALING KONG MAGULANG!!!!

Kaya ko nagawa yun.

Gusto kasi nilang makuha ang yaman ng kompanya ng mga Gonzales kaya yun lang ang paraan para gawin nila yun. Diba? Evil parents!

Ako naman si sunud sunuran eh ginawa ko naman. Well, wala naman akong choice eh.

Ang sabi nila, kapag hindi ko daw yun ginawa eh may gagawin daw silang masama kay JC at sa pamilya nito.

Si JC ay boyfriend ko matagal na since nakipaghiwalay ako kay Blaze. Hindi sya yung mga taong mayabang at gwapong gwapo sa sarili dahil mas focus pa ito sa pag-aaral nya.

Scholar kasi sya sa university na pinagaaralan ko ngayon. Parehas kami ng course na B.S. Business Administration. At dun rin kami nagkakilala.

Hindi nakakaangat ang buhay ng pamilya nya. Sya ang panganay sa apat na magkakapatid at sya na rin ang tumutayong tatay at bread winner sa kanila simula ng namatay ang tatay nya sa sakit ng tubercolosis. Nagsisideline lang sya as bartender sa isang bar.

Sya ang lalaking masasabi kong mahal ko talaga. Basta napakaboyfriend material nya kasi. Inuuna ang pamilya at pag-aaral kaysa sa bisyo ganun pa man eh hindi sya yung taong nakikipagrelasyon lang dahil sa mapera ang girlfriend. Kapag may date nga kami eh gusto nya talagang sya ang gumagastos.

Dahil na rin sa nalaman ng magulang ko tungkol sa kanya eh tutol sila dito. Kaya ayun mas pinili ko na lang na gawin ang gusto nila kaysa sa masaktan pang ang boyfriend ko at ang pamiya nya.

Sila rin ang nag utos na lagyan ko ng Aphrodisiac(A/N Di ako sure dyan. :)) Yun ata yung gamot na nagiging hypersexual ang taong uminom nito. Gusto ata nila akong mabuntis ni Blaze kaya ayun.

Maski nga rin ako eh nagulat nang malaman kong ako'y fixed na ikasal kay Blaze. Sinubukan ko naman silang pigilan pero wala na eh.

*Flashback*

"Sige dito na ako. Salamat sa paghahatid!" Sabi ko sa most handsome kong boyfriend.

"Sure ka bang ayaw mo nang magpahatid? Baka mapaano ka dyan. Mamaya marape ka pa dyan. Alam mo na ngang ang sexy sexy at ang ganda ganda mo tapos may susuot ka pa kasi ng maiikling shorts eh." Ayan nanaman sya. Nanenermon nanaman.

"Ayan ka na naman eh. Nanenermon ka nanaman!" Sabi ko sabay pout. :3

"Love mo naman!" Sabi naman nito! Kapal!? Well , totoo naman.

"Oo na oo na. Sige na alis na ako" sabi ko at hinalikan na sya sa lips. Oo ganyan talaga ang lambingan namin.

Sumakay na ako ng taxi at sinabi kay manong driver ang address ng bahay namin.

Medyo mabilis lang naman ang byahe tutal malalim na rin ang gabi at walang gaanong traffic.

Nagbayad na ako at pumasok na ako sa bahay namin.

Pagkabukas ko palang ng gate eh nakita ko kaagad ang sasakyan nila mommy and daddy. Ano nanaman kaya ang gagawin nila dito?

Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Pagpasok pa alang eh sinalubong agad ako ng tanong ni daddy.

"Where have you been? Alam mong gabing gabi na oh!? What time is  it? 11:30 pm!" Sabi agad ni papa.

"I just visited JC's house. Is it not good now to visit your boyfriend's house?" Sabi kong ganyan.

"Yes. Because as for now, hihiwalayan mo na yang JC na yan dahil ikakasal ka na kay Blaze!" Sabi ni mama na ikinalaki ng mata ko.

"WHAT? ARE YOU SERIOUS? I dont love Blaze! I love JC!"  Ako naman ang sumigaw.

"Well, matututunan mo naman siguro syang mahalin diba? Atska ano bang mapapala mo dyan sa JC na yan? Anong mapapakain nya sayo? " Si papa.

"I dont care! As long as mahal ko sya at mahal nya ako! Enough of this talk. Ayokong pakasalan si Blaze!" Nagsimula na akong maglakad papuntang hagdanan nang nagsalita ulit si papa.

"Papakasalan mo sya o ipapademolish ko ang bahay ng JC na yan. Alam mo namang kayang kaya naming gawin yun diba?"

"Wh-what? Dad!?" Sabi ko sa kanila na hanggang ngayon eh hindi pa rin makapaniwala. Oo alam kong kaya talaga nilang gawin yun. Napakasama nila!

"Okay! Papakasalan ko na sya wag na wag nyo lang silang saktan! This is the last time na magpapadala ako sa mga bwisit nyong plano!" Sabi kong ganyan at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko. Umiiyak.

**********

So eto ako ngayon, hindi alam kung anong gagawin.

Actually, hindi naman ako against sa bxb relationships. Mahilig nga ako sa anime na may yaoi scenes eh.

Hayyy, bahala na kung anong mangyayari.

ICE'S POV:

Gulat na gulat ako ng makita kong nagpost ng invitation sa news feed nya sa facebook si Blaze.

Ang masakit pa, invitation sa kasal nila ni Angel. Mukhang masayang masaya nga sila sa picture sa invitation eh.

Hayyy, masakit pala talagang umasa ano?

Umasa kasi ako na itatama ni Blaze ang mali nya tapos magiging maayos ulit kami.

Hindi pala. Instead ginawa nya, nakipagkasal pa talaga sya sa malanding higad na yun!

Paano na lang kung nagkaanak na sila, tapos magigi na silang masayang pamilya.

Napiyak na lang ako sa mga naiisip ko.

Blaze, mahal na mahal pa rin kita at hinding hindi magbabago yun.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon