WMHMMC 2: The Start Of Something New...

12.7K 438 35
                                    


Hmmm.....ano kaya ibig sabihin nyan? Well, abangan na lang natin guys! Here's chapter 2! Enjoy!

"This could be the start of something new! It feels so right to be here with you..."

BLAZE'S POV:

June na and start na ngayon ng classes. Andami kong nagawa ngayong bakasyon haha! Andyan yung gimikan, paginvite ng mga babae, bar hopping at kung anu-ano pa. Buti nga at hindi nalalaman nila mama ang ginagawa ko eh. Continous pa rin silang nagpapadala sa bank account ko.

Si kuya? Hmmm...Minsan kasi nahuhuli nya ako tuwing gabi. Kaya ayun. Tinatanong nya ako kung saan daw ako pumunta. Syempre, ako naman si palusot na hindi naman umuubra kasi halata naman na nakainom ako eh haha!

Dalawang linggo na simula ng enrollment pero hanggang ngayon eh hindi ko pa rin nakakalimutan ang bwisit na lalaking yun na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ugali eh kulang na nga lang eh maging antarctica sa school gymnasium dahil sa kacoldan nya eh.

Nakakabwisit talaga yun eh. Alam nyo yun! Sya pa lang ata ang kumalaban sa akin ng ganun. At worst napahiya pa ako sa harap ng napakaraming tao! Tae nakakababa ng pride yun at ng pagkalalaki mga tol!

Napakayabang kasi ng ulupong na yun! Ayaw kaming padaanin eh! Totoo naman kasi yung sinasabi namin na malalate na kami sa lakad namin. Paano kasi sila Ronnie, Luke, at Kris eh napakakukupad! Mas mabagal pa kaysa sa mga pagong dumating ayan tuloy late kami sa gimik.

Tapos, pa-angas pa yung g*gong lalaking yun! Hay nako! Kumukulo talaga dugo ko dun eh. Parang sa pangalan ko. I am getting aBLAZE now! Hahaha! Corny?

Bumangon na ako at naligo na saka bumaba. Kailangan maaga ngayon kung hindi yari kami sa mga prof. na napakasungit!

Kumain muna ako ng breakfast. Syempre as usual, ako lang mag-isa. Sabay sabay kasing umaalis sila mama, papa at kuya. 5 sila ng umaga umaalis.

Pagkatapos kumain ay lumabas agad ako ng bahay. Suamakay na ako ng motor at dali daling pinatakbo ito papunta sa university namin.

Mga kinse minutos lang naman ang byahe at buti na lang walang traffic kaya mabilis lang ang byahe.

Pagkarating doon ay pinark ko kaagad ang motor ko sa parking lot ng school. Pagkababa ko ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga kababaihan at kabklaan. Syempre, tilian nanaman sila. Mga nakakita ng gwapo eh hahaha.

Napansin ko rin na may nagtitinginan ring mga lalaki. Hindi ko alam kung nababakla na ba sila sa kahotan ko o nayayabangan lang sila. Anyway, I dont care!

Habang naglalakad ako papunta sa room 362 kung saan naroon ang unang klase ko sa unang araw ng pasukan ay hindi ko maiwasang isipin ang lalaking nakaaway ko nung nakaraan. Ewan ko ba hindi ko maalis sa isip ko yung buset na mayabang na lalaking yun!

Teka teka nga!? Bakit ko ba iniisip yun? Erase, erase na lang natin!

Ang baliw ko na! Kinakausap ko na sarili ko hahaha!

Pumunta na ako sa floor kung saan ang room ko.

Sa wakas at natatanaw ko na ang aking room hahaha!

Pero speaking of the devil, puny*ta! Nakita kong tumatakbo ito papunta sa akin!

Ano to? Stalker ko na? Aba!

Hindi nya yata ako napansin at dire-diretso pa rin sya papunta sa akin.

Sa bilis ng kanyang pagtakbo eh nabangga nya ako at parehas kaming natumba. Sh*t naman tong lalaking to! Hindi ata marunong tumingin sa dinadaanan to eh. Hindi rin yata marunong prumeno eh.

When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. IWhere stories live. Discover now