GNGSTR 42: Leave

2.7K 62 34
                                    


GNGSTR 42

*Leave*

[3rd Person POV]

"Kaulaga neto! Pag yun nagalit nakuuuu sinasabi ko sayo Mercado mapapatay kita!" Nanggigigil na sabi ni Sheina kay Prince habang patuloy sa pagsapak dito.

"Aray—tama na oy! Aw! Hoy Lance patigilin mo nga 'tong syota mo!" Sabat ni Prince habang iniilagan si Sheina at nakatingin sa kausap na si Lance na kasalukuyang nanonood ng PBA.

Wait. Naguguluhan kayo 'no? Hahaha. Ganito kasi yun, etong abnormal na si Prince, hindi mapakali nung nalamang papasok na ng gate si Monica kaya ayun, sa sobrang taranta ay si Sheina ang nahigit nya na sakto namang sasalubong sana sa pinto. Bat nya hinigit? Hindi din nya alam.

'Aysht naman! Pero okay na din 'to, tingnan ko kung effective pa rin ang paselos effects ko.' Walang habas na nasa isip-isip ni Prince.

Hindi na tumuloy ng States si Prince. Ayaw nyang takbuhan ang responsibilidad nya dito sa Pilipinas. Kaso nung handa na syang ayusin ang problema nila ni Monica ay saktong namang nawala ang babae ng parang bula. Maski ang pamilya nito ay ayaw sabihin kung nasaan ang dalaga dahil gusto na rin muna nilang maging stress-free ang anak.

Kahit ilang taon na ang lumipas ay di pa rin nagbabago ang pagmamahal nito sa babae. He made himself a better person dahil ayaw nya na makita ni Monica na sinisira nya ang buhay nya dahil sa kanya. Kasalanan din naman ni Prince e. Aminado naman sya.

"Patay ka Kuya. Galit na galit sayo. Ikaw kasi e haha!" nang-aasar na sabi ni Megan sa kapatid.

"Ano ginagawa nya?" – Prince

"Sleeping. Pagod e, just let her take a rest first okay?"

Gustung-gusto makausap ni Prince si Monica kaya habang busy ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang gawain e pasimple syang sumibat papunta sa kwarto kung saan natutulog si Munekaaaa.

"Baby panget.." Namiss ni Prince ang pagtawag sa kanya nito.

Hinawi nya ang bangs ni Monica na naghaharang sa peaceful nyang mukha. Bakas din sa mukha ng babae na galing lang ito sa pagkakaiyak. Ayaw mang mag-assume ni Prince pero sa tingin nya ay nagselos ito sa ginawa nyang eksena kanina lang.

"Namiss kita ng sobra alam mo ba? Mapapatawad mo pa kaya ako? Alam mo, Mahal na mahal pa rin kita." Sabi ni Prince habang naluluha na.

Pfft. Gay.

Joke haha.

"Sobra akong nagsisi sa ginawa ko dati. Di ko man lang naisip na marami namang handang tumulong sakin para di ka mapahamak e. Ang gago ko haha. Hayaan mo lang akong itama mga mali ko. I would never waste this chance. I will never let go of your hand again. Iloveyou. Iloveyousomuch." Sabi ni Prince habang hinahalikan ang kamay ni Monica.

Nagstay muna sya ng ilang minuto bago umalis ng kwarto kung saan natutulog si Monica. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Ang saya. Sobrang saya. Pagkatapos ng ilang taon ay hindi nya akalain na magiging ganito pa ulit sya kalapit sa taong mahal na mahal nya.

Ang hindi alam ni Prince ay narinig lahat ni Monica ang sinabi nya. Nagkukunwari lang itong tulog dahil sa kagustuhan na din nyang marinig ang lahat ng sasabihin ni Prince sa kanya.

'Kung mahal nya pa ako? Ano yung nakita kong kaholding hands nya si Sheina kanina? Pinagtitripan ba nila ako?'

Gusto nya ng sagot. Sagot na malilinawan lahat ng tanong na gumugulo sa isip nya noon pa man.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now