GNGSTR 37: Truth

2.2K 46 1
                                    

GNGSTR 37

*Truth*

[Alleth’s POV]

                “Meet me at the warehouse. 6pm sharp. Don’t let anyone know about this.”

 

 

                Kanina pa paulit-ulit sa isip ko ung mga sinabi ni Kuya Lander sakin. Di ko alam kung pupunta ba ako o ano, pero pakiramdam ko importante yun eh. Bahala na, I still have 5 more hours.

                “Baby?”

                “Yes?” di ko naalalang kasama ko nga pala si Trex ngayon sa sobrang dami kong iniisip.

                Andito kami sa KFC, currently taking our lunch. Yung iba nasa school canteen. Trip lang talaga namin ni Baby lumabas.

                “You look so… worried. Anything bad happened?” worried nyang tanong sakin.

                “Nothing. Puyat lang siguro ako.” I managed to smile kahit medyo nakakahalata na ata sya.

                “You sure?”

                “Yes baby. Kain na tayo.” Nag-shrug nalang sya at saka kami bumalik sa pagkain. Pero sa totoo lang, kating-kati na yung dila ko sabihin sa kanya na gusto makipagkita ni Kuya sakin. At dun pa sa mismong lugar kung san yung hide-out nila.

                Pagkatapos naming kumain, nagpaalam lang ako saglit na pupunta lang akong washroom. Pagkadating ko dun, dali-dali kong kinapa sa bulsa ko yung fon— Shoot! Naiwan ko sa table!

                Hala hala! Sana wag tingnan ni Trex yun! ( > __ < ) Bumalik ako ng table namin. At nakita kong hawak nya yung fone ko. Patay.

                “By, anong pattern ng fone mo?” tanong nya sakin habang hawak ang fone ko.

                So, it means, di nya nabuksan? YES!

                “Yung dati pa din. Di mo alam?” sabi ko habang kinukuha yung fone ko sa kanya. Pagkakuha ko, binura ko agad yung mga texts ni Kuya sakin. Pero ang pinagtataka ko, may isang message dun na nakaopen pero di ko pa naman sya alam na dumating. Ay ewan.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now