GNGSTR 40: Runaway

2.4K 53 9
                                    

Note: Third person POV na po ang gagamitin ko. Mas nadadalian ako e.

~

GNGSTR 40

*Runaway*

//After 3 years

                Kasalukuyang nagkakatuwaan ang barkada sa may garden ng school nila. Masaya silang nag-aasaran, nagtatawanan, hampasan, kulitan. Ano pa nga bang mas sasaya kapag kasama ang barkada diba?

                Tatlong taon.

                Maraming nangyari sa loob ng tatlong taon. Isa na doon ang pagkakamabutihan nina Jin at Monica. Sinagot nya si Jin a year ago. Ni-let go na nya ang nararamdaman nya kay Prince. Ang tanong? Napakawalan na nga ba o akala lang wala na talaga syang naging balita dito. Pero di nya maloloko ang sarili nya na may malaking parte pa rin ito sa puso nya.

                At kailanman ay di iyon mawawala.

 

                “Baby! Di ka naman nakikinig eh. :3” nabalik sa ulirat si Monica dahil sa sigaw ni Jin.

                “A..—ah. Hehe. Sorry!”

                “Kainis talaga ‘tong dalawang ‘to. Gaya-gaya eh.” Nakabusangot na sabi ni Alleth habang nakaakbay sa kanya si Trex.

 

                “Haha. Hayaan mo na kasi.” Sabay pisil ni Trex sa pisngi ni Alleth.

                Ang saya nila tingnan. Pero mas Masaya sana kung kumpleto sila.

                Si Ardell pa lang ang nakakagraduate sa kanila. Dahil nga mas ahead ang kambal sa kanila ng isang taon. Apat na taong kurso lang ang kinuha ni Ardell, lima naman ang kay Arden, Architecture.

Monica – Civil Engineering

Sheina – Industrial Engineering

Alleth – Electronics Engineering

Jin – ComSci

Trex – Psychology

Lance – Mechanical Engineering

                Obviously, yung mga Engineering ay next year pa gagraduate. Awtsu. <|3

                Hindi napansin ng barkada na naitakas na ni Jin si Monica. Sinakay nya ito sa sasakyan at walang imik na pinaharurot ito.

******

 

                “Baby..” nagtatakang tawag ni Monica kay Jin na kasalukuyang nakaub-ob sa manibela. Napabuntong hininga ang lalaki at saka lumabas ng sasakyan.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now