GNGSTR 29: Pabaduyan ng Endearment

2.5K 57 19
                                    

GNGSTR 29

*Pakornihan ng Endearment*

[Monica’s POV]

                Kinikilig pa din ako dun sa surprise nyang yun kanina. Kasabwat nya pala sina Jin dun. Tss. Mga yun talaga..

                Habang nagdadrive si Dhie, hawak nya lang kamay ko. ewan ko kung ano nakain nito at biglang naging sweet? Siguro may potion yung kinain naming streetfoods. ( - __ - )

                10PM na kami nakarating ng bahay. Antok na antok na ako. Di na ako nagpaalam kay Prince at dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng shorts at oversized shirt saka humiga na.

                “Patabi.”

                “Ay pechay! Hoy anong ginagawa mo dito?!” pano ba naman, biglang humiga sa may tabi ko.

                “Matutulog.” Sabi nya habang nakapikit na.

                “Eh? Dun ka nga sa kwarto mo! May sarili ka naman eh!” sabi ko habang tinutulak sya.

                “If you don’t shut your mouth, I’ll kiss you. ( - __ - )” Mouth shut.

                Kasi naman eh! Pwede namang dun na lang sya sa kwarto nya may pagtabi pa ditong nalalaman. ( - __ - )

                “Kyaaaaaaah! ( > _ < )” Pano bigla akong hinigit pahiga!

                “Matulog ka na lang. Matutulog lang tayo wag kang mag—alala.”

                At dahil sa mukha talagang wala tong balak umalis, inayos ko na lang yung higa ko at natulog.

                “Dhie, wag mo kong lingkisin. ( - __ - )”

                “Shut up.” KASUNGIT GA NITO! Kanina akala mo kung sinong romantiko tas ngayon! HMP!

                “Ewan ko sayo!” marahas kong tinanggal yung kamay nya saka tumalikod sa kanya. Nakakainis eh.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now