GNGSTR 35: Letting Go

2.2K 48 8
                                    

GNGSTR 35

*Letting Go*

[Jin’s POV]

                 Nandito ako ngayon sa bahay nina Monica at Prince. It’s been two days, two f*ckin days since that day. Nung iniwan nya si Monica nang walang kaalam-alam sa nangyari. Alam ko namang maiintindihan nitong bestfriend ko pero he chose to leave that easy. Without even saying a word. Di ko makausap si Monica. Laging nasa kwarto, nagkukulong, di kumakain, laging walang kibo.

                Kelangan nyang makarecover. 3 weeks na lang kasi, graduation na. She needs to comply her requirements a week before the day.

                “Uy, aba kumain ka naman.” Sabi ko sa kanya habang nakatalukbong lang sya ng kumot. Nilagay ko sa bedside table nya yung pagkain na inorder ko.

 

                “Monica, uy.” Wala pa rin syang kibo.

                Tinawagan ko ung dalawa nyang kaibigang maingay. Sabi ko baka pede after school pumunta sila dito. Pumayag naman pero syempre kasama mga syota nila. -.-

 

                “Jin,” agad akong napalingon sa kanya. Grabe ang mata. Lalong sumingkit. Tas ang pula ng ilong, mukhang Sadako yung buhok. -_-

                “Bakit?” – ako

 

                “Bakit nya nagawa yun? Dahil ba sa maingay ako? Sa madaldal ako? Sa selosa ako? Ano?!” – sya

                “Kas—”

 

 

                “Oh dahil di na nya ako mahal?” With that, bumagsak na naman ang luha nya. Grabe talaga magmahal ang babaeng to.

                Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha nya, “Alam mo, wag mong pangdudahan ang pagmamahal nya sayo. Siguro nga di natin alam ang dahilan kung bat nya nagawa yun, at oo, ang gago tingnan. Pero siguro para na rin sa ikabubuti mo yun. Malay mo may pinagdadaanan sya na ayaw nya ipaalam satin kasi ayaw nya tayo mapahamak diba? Maaayos din ang lahat, tiwala lang.” tapos niyakap ko sya. Para ko na din kapatid to e.

                “Salamat *sob* Jin.”

                Hay nako Prince! Ang laki mong gago. Di mo alam kung anong ginagawa at kung anong sinayang mo. Hinintay ko lang makatulog si Monica saka ako tumambay sa may veranda sa labas ng kwarto nya. May hinihintay akong text eh, and speaking of,

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now