GNGSTR 43

1.7K 37 22
                                    

GNGSTR 43

3rd Person’s POV

Hindi maintindihan ni Monica ang sarili nya. At mas lalo din nyang hindi maintindihan si Prince. Pagkatapos nung eksena kanina na paselos kanina sya kasama si Sheina, ganito ipapalit nya? Ang pag alis nya ng biglaan. At ayaw pa ipaalam kay Monica na paalis na sya. Pero bat nga ba?

“Nakakainis ka talagang bwiset ka!! Arghhh!!!!” sigaw ni Monica sa kwarto nya habang sinasabunutan sarili nyang buhok.

“Makalbo ka kakasabunot mo sige. Lalo kang di babalikan ni kuya kasi papangit ka hahaha”

Pano pa nakakatawa si Megan sa situation na yan? Na yung bestfriend nya maloloka na dahil kay Prince? Hahaha medyo baliw din ehh. Nakauwi na lahat ng barkada nila maliban kay Megan na hindi maiwan ang babae sa ganyang state.

“Sundan ko kaya? 5pm pa naman flight nya eh. 12nn pa lang. Tingin mo?” – Monica

“Ikaw bahala. Pero ayoko naman ng iiyak kana naman dahil lang sa kanya. Ayokong madisappoint ka just in case na hindi mo na sya abutan.” Tama nga naman. Mahirap umasa lalo’t di mo sigurado kung may inaasahan kaba.

Nalilito na si Monica sa sarili nya. Ilang taon din ang inilaan nya sa sarili para lang makalimutan ang lalaking nanakit at minahal nya ng lubusan. Pero bakit nung umuwi sya dito at nakita nya ang lalaki ay parang lahat ng inilaan nya ay biglang nawalan ng bisa. Ganun ba talaga?

Nagdadalawang-isip si Monica na puntahan si Prince bago man lang ito umalis. Gusto nya rin kasi kahit papaano ay magkaroon sila ng closure kung sakali man nga na di na maaayos ang kung anumang meron sila noon.  Parang may nagtutulak sa kanya na “Sige sundan mo, wag ka manghinayang.”

“Hindi ako mapakali bes. Pupuntahan ko sya. Sana abutan ko pa.” Sabi nya sabay bangon sa higaan nya. She fixed herself bago umalis ng bahay.

“Uhm bes, nasa bahay nyo daw si Kuya.” Sabi ni Megan sabay tago ng kayang cellphone sa bulsa.

“Bahay namin?”

“Oo. Yung bahay nyong dalawa.”

Pumitlag ang puso nya sa narinig. Ibig sabihin, binibisita pa rin nya ang bahay nila kung san sila bumuo ng maraming alaala? Hindi na sya nagdalawang isip. Kinuha nya ang kanyang bag at lumabas ng bahay.

‘It’s now or never’ ika nga.

[Monica’s POV]

Pumara ako ng taxi at tinuro ang daan papunta sa bahay naming dalawa. Kelangan ko syang makausap. Kelangan kong masabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin sa kanya na itinago ko sa loob ng ilang taon. Sana maabutan ko pa sya. Sana. Sana di pa ko huli.

Habang nasa byahe, di ko mapigilang maisip ang mga memories naming dalawa. Nakakamiss din pala. Nakakamiss yung araw araw may mambubwisit and at the same time ay magpapakilig sayo.

Tiningnan ko cellphone ko. Nagpunta ako sa photos at nakita ko ang picture naming dalawa nung wedding namin. Nakakatawang isipin na ‘tong mokong na ‘to pala ipapakasal sakin ng magulang ko. Akala ko kung sinong pangit lang na anak ng kasosyo nila ipagkakanulo nila sakin. Tas yun pala, eto pang Adonis na ‘to.

“Ma’am, okay lang po ba kayo?”

Napatingin ako kay kuyang driver sa may rearview mirror, “Opo kuya hehe”

“Wag kana umiyak ma’am,” naluha na pala ako? “Mahal ka nun haha”

Napatawa naman ako sa sinabi ni kuya. “Sana nga po kuya.”

After ng humigit-kulang isang oras na byahe, nakarating din ako sa bahay naming. May kotseng itim sa labas. Ibig sabihin, andito pa sya? Umabot pa ako? Biglang lumakas kabog ng dibdib ko.

“Salamat po kuya, ingat po kayo.” Nagbayad na ako kay kuya at di na kinuha sukli. Tip ko na kay kuyang driver.

“Salamat din po ma’am.”

Naglakad na ako papasok ng bahay namin. Di mawala kalabog sa dibdib ko huhu. Wala nang atrasan to Monica, decision mo ‘to, panindigan mo.

Hindi na ako kumatok sa pinto kahit na nakasara pa ‘to.

Bakit ba? Bahay ko ‘to e -___-

Nilibot ko ang tingin ko sa bahay pagkapasok ko. Damn the memories! Ang nostalgic ng feeling. Ang tagal ko na din kasing di nakakabalik dito. Mukha namang naalagaan ang bahay kasi wala kang makikitang bahid ng gabok. Siguro pinapalinis pa din nina mommy tong bahay.

Pagbili ko kaya ‘to? Malaki-laki din kikitain ko dito haha.

Pero ang pinantataka ko lang ay hindi din nabago ang set up ng mga gamit. Hindi naiba ang pwesto ng sofa, kahit ang pwesto ng lamesa sa kusina, hindi din.

Dumiretso muna ako sa dati kong kwarto. Mas mauuna kasi ang kwarto ko kesa sa kwarto ni Prince pag akyat mo ng hagdan. And speaking of Prince, bat di ko pa din sya nakikita e imposible namang di nya naririnig paglalakad ko sa bahay. Bingi ba sya or medyo shunga lang para di mapansin na may tao dito? -_-

Ang mean ko na naman homaygaddddd.

Humilata ako sa kama ko huhu namiss ko ‘to lambot lambooooot ^O^ andito pa din ung picture namen sa bedside table ko. Namimiss ko na talaga sya haaayyyyss.

Di din ako nagtagal at napagdesisyunan ko ng pumunta sa kwarto nya. Andun sya panigurado. Wala sya sa buong bahay ehh. Imposible namang nasa kisame sya diba?

Weh korni

*knock knock*

Pinihit ko yung doorknob pero di sya nakalock. Hingang malalim muna Monica bago mo buksan ng tuluyan. Kinakabahan ako na natatae na ewan. Anong sasabihin ko? Hi? Huhuhu I feel so hopeless help meeeehhh
“Prince?” Sabi ko pagpasok sa loob. Bat ang dilim? 2pm palang ahh. Nagpalit naba sya ng kurtina na kulay itim? Binuksan ko yung switch ng ilaw sa pinto nya at..

“Kyaaaaaaahhhh!!!!!”

“Imissyou so much baby panget ko.”

Ki.. kiniss  nya ako. At ano daw? Baby panget ko?

Jusko yung puso ko gustong kumawala sa dibdib ko!!!

Yung kwarto nya. May set up. May rose petals na nakakorteng heart. May biglang nag-on na lights, yung parang Christmas lights ewan ko basta ganun. May banner sa taas ng headboard ng kama nya na nakalagay ay, “Welcome back Mahal ko. Iloveyou”.

“For you.” Napatingin ako sa kanya at sa bouquet na inaabot nya sakin.

Bat ang pogi nya ata ngayon?

Bat di ako makaimik?

Bat ang init ng mukha ko?

TAKTEEEE PEDE BA UMIRIT?!!! KINIKILIG AKO WAITTTTTT!!!!! WAAAAAAAHHHHHH!!!!

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon