GNGSTR 41: Friend No More

2.5K 54 6
                                    

GNGSTR 41

*Friend No More*

[Monica’s POV]

                Minsan, kelangan mo na din lumayo para ikaw naman ang maalala. Didistansya para hindi na lumala pa. Pero solusyon ba ang paglayo lalo na kung alam mo kung gano kakumplikado ang sitwasyon nyo? O parehas kayong lalaban para malagpasan ang gano pa kabigat na pagsubok na ibinigay sa inyong dalawa? Hirap mamili diba? Hindi ba pwedeng wala ng paghihirap na ganito? Hindi ba pwedeng maging Masaya naman kami?

                Masakit. Masakit isipin na pagkatapos ng lahat, ganito pa pala ang mangyayari. Yung tipong umaasa ka na kahit may konting chance man lang na magkaayos kayo, pero wala eh. Asa at akala lang pala. Pinaasa ka ng p*nyetang pagkakataon na matagal mo ng hinintay pero isang MALING AKALA lang pala ang magiging resulta. Kung alam ko lang, sana hindi ko na sinubukan pa.

                “Okay ka lang?”

                “Hindi.”

                Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Kuya saka sya lumapit na sakin na kasalukuyang nakatayo sa glass wall ng bahay namin. Ang ganda ng tanawin. Kitang-kita mo yung mga liwanag ng mga bahay na nasa ibaba.

                “Babalik ka pa ba?” mahinang tanong nya sakin. iyan na naman ang tanong nay an. Halos araw-arawin na nya kung itanong saken yan.

                “Hindi ko nga alam. Pedeng oo, pedeng hindi. Pero hindi ko pa masabi sa ngayon. Masakit pa eh.”

                It’s been three years since I left. Nagpunta ako sa mga lugar na malayo sa kanila. Sa barkada, at lalo na sa kanya. Hindi ako nag-iwan ng kahit anong mensahe para sa kanila. Basta nalang ako nawala na parang bula. Nagsikap ako. Nakatapos na ako ng pag-aaral, binuhay ko ang sarili ko ng walang hinihingi mula sa mga magulang ko.

                Sa barkada naman, may balita pa ako. Pero sila, wala silang balita sakin. Gustong-gusto ko na silang makita pero alam ko sa sarili kong naduduwag pa din akong harapin sila. Natatakot akong baka pagdating ko dun, nandun siya. Natatakot akong baka masayang ang ilang taong nilaan ko para makalimutan sya. Natatakot akong baka isang hawak lang nya sakin, bumalik na naman lahat.

                Yung sakit at yung pagmamahal ko sa kanya.

                “Hayy. Lagi ka nga nila tinatanong saken eh. Di ko tuloy alam kung ituturo ko ting lugar mo or din a lang iimik—aray!” loko eh. Binatukan ko nga.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Where stories live. Discover now