GNGSTR 38: Gone

2.2K 47 5
                                    

GNGSTR 38

*Gone*

[Lance’s POV]

                “Lance pakibilis please.”

 

                “Malapit na tayo. Jin, pakikuha nung towel ko dyan sa side. Bigay mo kay Alleth. Lagay mo sa sugat ni Trex. Basang-basa na ng dugo yang panyo mo.” Ginawa naman ni Jin yung sinabi ko.

                Pagkadating namin ng hospital, tumakbo agad si Jin sa loob para kumuha ng stretcher. Agad naman nilang sinakay si Trex dun. Sumunod kami sa kanila pero pinigilan na nila kami pagkadating nila ng E.R.

                Naisabunot ko na lang ang kamay ko sa buhok ko. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari kay Trex ang ganito. Tiningnan ko si Alleth, nakaupo lang sya at walang tigil sa pag-iyak.

                Di ko makalimutan yung mga nangyari kanina.

//flashback

                Alas singko palang ng hapon andito na kami sa condo ni Trex. Pinapunta nya kaming apat dito (wala kase diba si Prince). nagtaka naman kami kasi biglaan e. Then ayun nga, sinabi nya sa amin yung nabasa nya sa fone ni Alleth. Na makikipagkita sya sa kuya nya at dun sa pa sa warehouse. Gumawa agad  kami ng plano. Nag-intay kami dun hanggang alas sais. At nung oras na, lumabas na kami at nagpunta sa parking. 2 sasakyan lang gagamitin namin, yung akin tsaka kay Trex.

                Nalaman din namin na magtawag pala sya ng ibang gang para may back-up kami. Yung kambal ang kasama ko ngayon. Bago kami bumaba ng sasakyan, kinuha namin yung baril namin. Maganda na yung handa.

                Naunang dumating sina Trex samin kaya di namin alam kung nasan sila ngayon. Dahan-dahan naming pinasok yung warehouse at nag-iingat na wag makagawa ng kahit anong ingay. Pero huli na,

                May naririnig na kaming putukan sa loob. Nagkatinginan kaming tatlo at saka nagmadaling pumunta sa pinakaloob ng warehouse. Muntik pa akong mahataw nung lalaki na may bitbit na tubo. Buti kamo at napansin agad sya ni Arden at saka sinipa sa tyan.

                Nakita namin dun si Jin at Trex, nakikipagbugbugan. Habang binubugbog ang mga to, lumapit ako kay Trex at saka sumenyas na puntahan na nya si Alleth, tumango sya at saka tumakbo paalis. Inaamin ko nahirapan kami sa kanila. Di talaga basta-basta ang gang ni Lander. -_-

                Papunta na sana kami sa labas ng biglang,

                “At sa tingin nyo san kayo pupunta?” nakita namin si Lander, may hawak na baril at nakatutok samin.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon