chapter 7

1.4K 87 9
                                    

SEVEN...


"ate joy, ano bang magandang iregalo sakanya?" tanong ko kay ate joy habang kumakain ng pancakes


nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko, dito na din kami kumain, dahil ayoko muna kasing makita si aljay


"bumili ka nalang sa mall ng damit or anything" i rolled my eyes


"yung may effort, ate joy, hindi yung t-shirt lang! pssshh katulad nung last birthday nya, wala lang sakanya yun dahil walang efforts, ano ba kasi, yung may effort!!" sabay yugyog ko sakanya


"uhhmm! gumawa ka ng damit" napatawa naman ako sa sinabi nya


"yung iba nalang hahaha!" sabay tapik sakanya


"mag bake ka! diba marunong ka naman?" good idea


"oo nga noh! cupcake nalang yiiee! buti naman at natauhan ka na haha!, sige yun nalang" sabay talon talon sa kama


"exited ka dyan, eh! ang tagal pa nun" she rolled her eyes


"nag-iisip lang naman para pag birthday nya na talaga, okay na yung lahat" i rolled my eyes too


"wag mo akong iniirapan dyan, riann, tutusukin ko yang mata mo!" saka dinuro-duro nya ako gamit yung tinidor na hawak nya


"hahaha! peace ate joy, loko ko lang naman yun" saka yinakap ko sya


"o sya!! oo na. tara na sa labas!" umiling naman ako


"ayoko! ikaw nalang" saka nagtalukbong ako ng kumot


"hoy! wag kang gumanyan dyan, baka gusto mo sabihin ko kay aljay ang nararamdaman mo para sakanya" inalis ko naman agad yung kumot


"bina-blackmail mo ba ako??, kung ganun tara na sa labas" bumaba na ako sa kama saka sinuot ko na rin yung tsinelas ko


"kailangan ka pa palang takutin bago sumama eh!" sabay labas na, sumunod naman ako


ayoko naman malaman agad ni aljay yung nararamdaman ko sakanya noh! at ayokong sa iba nya malaman, sasabihin ko din, magtatapat din ako, sa takdang panahon, hintay lang kayo ahh!


"o! andyan na pala sila eh!" bungad agad ni jace pagkadating namin sa sala, kumpleto sila dito, kami lang ni ate joy ang kulang


"anong meron?" tanong ni ate joy at nilagay sa lamisita yung platong pinagkainan namin


"manood daw tayo ng horror movie!" si ban yung sumagot


"ha? horror? ayoko nga!" singit ko agad, panoorin nyo na sakin lahat wag lang ang horror

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon