chapter 43

414 13 8
                                    

Forty Three...

Aljay POV:

"She will be okay, Mr. Lim, don't worry" tumango ako sa doctor, inis pa din ako dito dahil ilang beses niyang tinurukan ang mahal ko.

Tumango lang ako sakanya at tinignan si Dave.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil dito.

Kung sinabi ko una palang sakanya ang tungkol saamin nun.. Di sana sumumpong ang sakit ng ulo niya.

"Hmmm.." Halos magulantang ako ng marinig ko ang ungol ni Dave.

"Dave! Okay ka lang ba?" Sabi ko sakanya ng makalapit na ako.

Bigla namang lumapit ang doktor kay Dave at chineck siya.

"She's awake.." Tumango ako sa doktor at agad na tinungo si Riann.

"Are you alright?" Malambing kong tanong sakanya.

Ngumiti siya at tumango.

"Oh god.. Thank god!" Saka ko siya yinakap.

Naramdaman ko namang yinakap niya ako pabalik.

This is the best feeling in a whole world.. Yung yakapin ka ng mahal mo, im so happy..

Hinaplos ko ang buhok niya saka ako bumitaw sa pagkakayakap sakanya.

Ayoko pa sanang bumitaw pero baka nangangawit na siya, ayoko naman siyang mahirapan noh.

"Are you sure you're okay?" Ngumiti nanaman siya.

"Wag ka ng mag-alala, Aljay.. Okay na ako, hindi na sumasakit ang ulo ko" nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyon mula sakanya.

"Hay.. Buti naman, sobrang nagaalala talaga kasi ako, kahit ako ang dahilan ng pagsakit niyang ulo mo" sabi ko.

"Hindi mo naman kasalanan na nagkatumor ako sa utak, sinaktan mo lang ako.. Ng higit pa sa sobrang sakit" suminghap ako dahil sa pagsakit ng puso ko.

Tama naman siya.. Tama...

"D-diba? Bakit aljay? Bakit mo ako sinaktan ng ganun? Sa sobrang bwisit mo sinabi mo pa talaga sa harapan kong girlfriend mo si Dane at naghalikan pa kayo." Nabigla ako sa sinabi niya.

N-nakakaalala na siya?

"D-dave? A-ano?" Kumunot ang noo niya.

"Oo.. Nakaalala na ako, habang tulog ako.. Nakita ko ang lahat.. Lahat lahat, simula nung nagkamuwang ako sa mundo naalala ko na... Bakit Aljay? Natatatakot ka bang makaalala ako? Kasi maaalala ko din lahat ng kabalustugang ginawa mo sakin? Bakit?" Nakita kong lumuha siya.. Naluha siya..

Di ko na din napigil ang pagluha ko.

Makita ko palang siyang umiiyak, naiiyak na din ako.

Nahalata kong huminga siya ng malalim.

"N-no, dave.. Hindi ako natatakot na maalala mo ang mga pananakit ko sayo. Handa kong pagdusahan ang lahat ng yun.. Dave.. I really love you.. I truly love you" umiling iling siya at tumawa ng peke.

"Mahal? Mahal mo ako? E bakit mo ako sinasaktan ng paulit ulit? Bakit Aljay?! Bakit?!" Yinakap ko siya pero nagpupumiglas siya at tinutulak ako palayo.

"Wag mo kong hawakan! Wag na wag! Nandidiri ako sayo! Ayoko na sayo! Umalis ka! Ayoko naaaa! Ayoko ng masaktan mo! Nakikiusap ako!" Halos mabasag ang puso ko sa pagsabi niya ng mga katagang iyon..

Halos mapunit ang puso ko.

Ganito din ba ang nararamdaman niya kapag sinasaktan ko siya?

Bakit? Bakit sobrang sakit?

Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sakanya, naramdaman kong basa na ang balikat ko.

Luha niya ba yun? Napaluha ko nanaman siya?

How dare me..

-

"Sila ate joy? Kamusta?" Tanong nya sakin.

"Okay naman sila.. Nagaalala sayo.. Miss na miss na nila kayo nila ban at jeff" ngumiti siya.

"Siguro nagtatampo yung Babaeng yun sakin hahaha.. May number mo ba siya?" Tumango ako "P-pwede mo ba siyang tawagan? Gusto ko siyang kamustahin eh..." Ngumiti ako.

"Oo naman!" Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni ate joy

Nagriring na ito ng maibigay ko ang cellphone ko kay Dave.

-

Riann POV:

Para akong nakahinga ng maluwag ng malala ko ang lahat ng parte ng buhay ko...nalala ko si aljay.. yung mga ginawa niya sakin... masakit man isipin pero ganun pala talaga siya dati... ganun nya nalang akong kayang saktan.. paulit ulit pala... yung tipong kahit anong gawin ko ay wala palang tama sakanya.. Sasaktan at sasaktan nya pala ako.

Napalunok ako at hindi nalang inalala ang mga ginawa sakin ni Aljay.

Pinunasan ko ang luhang tumulo nanaman. Ano ba yan, di na natigil ang pag-iyak ko dahil kay aljay.

[Hello?] Napatitig naman ako sa cellphone ni aljay na hawak ko. Nasagot na pala ni ate Joy yung tawag. [Hello aljay? Ano? Kamusta na? Bat ka napatawag?]

napangiti ako dahil sa narinig ko na ulit yung boses ni ate joy. Namiss ko talaga sya.

"Ate Joy.. si riann to." Mahinang sabi ko.

[H-huh? Hi riann..] napangiti ako. Parang Nahihiya kasi sya. Siguro ang alam nya ay wala pa akong alam sa past. Baka akala nya di pa ako nakakaalala.

"Hello ate joy. I missed you!" Excited na sabi ko.

[H-hah? You missed me?] Napatawa naman ako dahil sa naging reaction nya. Di ko sya nakikita pero naiimagine ko na sobrang nagulat sya.

"Oo! Hahaha! Ate jooooy! Nakakaalala na ako! Naalala ko na lahat! Naalala na kita!" Masyang sabi ko kay ate joy napatili naman sya.

[Oh my! Talaga?! My god!] Napatawa ako sa inasal nya.

"Naalala ko na lahat ate joy.  Pati si aljay."

+++++chapter end+++++

An:

Sowwi short update lang hihi. Babawi ako saka sorry ulit dahil super late update na dizzz hahahaha Babawi Talaga ako. Pwamis

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon