chapter 18

1.4K 60 14
                                    

Eighteen...


"isasali mo ba?" napatingin ako kay reneé


"e-ewan ko!" irita kong pasigaw na sabi


"woi! chance na yun oh!" sinundot pa ni daphnie yung tagiliran ko


"ewan ko sayo, daphnie.. hindi mo kasi ako naiintindihan" saka dumukdok ako sa desk ng upuan ko


kapag kasi tinanggap ko sya, maiilang ako at baka di makapag-focus, saka may kakalat pang mga issue dito sa campus, mga tao dito mga chismoso at chismosa eh


kapag naman hindi ko sya tinanggap, baka kunin ulit sya nila dane at dun sa pagkakataon na yun ay baka pumayag na sya


SAYANG ANG PAGKAKATAON!


"TANGGAPIN NA NATIN SYA!" nagulat naman yung dalawa


baka makuha pa sya nila dane!


"nakakagulat ka naman babe!" balik na sigaw ni daphnie


"sorry naman" saka ako nagpeace sign


"o? bakit mo naisipan na tanggapin si aljay mo?" -reneé


"eh kasi, baka pag hindi natin sya tinanggap, pumunta sya kila dane" yumuko ako


"haha, oo, tanggapin natin yun, maggaling din kaya maggitara yun, saka lumayas naman na nung isang araw si jude ah?" natatawang sabi ni daphnie


si jude yun yung guitarist namin nun, lumayas dahil lumipat sa ibang school, na kick out sya eh


"oo nga naman, si mike lang ang guitarist natin eh, electric pa" sabi pa ni reneé


"sige, sabihin nalang natin mamaya sakanya" exited na sabi ni daphnie


ako naman natahimik


KINAKABAHAN AKO!


-


"WHAT?!" sabay sabay na sabi ni, jeff, ban, jace at ate joy


"Oo nga! akala mo naman nagbibiro, sasabihin ko ba kung hindi totoo?" umirap pa ako sakanila


"miracle!" tulalang sabi ni jace


sinabi ko kasi sakanilang apat yung tungkol dun sa gustong sumali ni aljay sa banda namin


Hindi sila makapaniwala -,-


"tatanggapin mo?" si jeff

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon