chapter 31

596 36 4
                                    

Thirty One...

"N-no.. Hindi talaga kita kilala" sabi ko sa lalaking kasama ko ngayon

Nandito kami ngayon sa starbucks, pinahiram niya ako ng hood at nagshades naman ako

Inalis ko naman ang pagkabun ng buhok ko Dahil baka makilala nila ako sa style ng buhok ko

"Ako ito.. Si john ryle, riann, im sorry sa mga ginawa ko okay?" Ganyan.. Paulit-ulit ang mga sinasabi niya

"How many times to i have to tell you na hindi nga kita kilala! Tsk" napipikon na ako rito

"Hay.." Bumuntong hininga siya

Parang kilala ko na nga siya dati pa pero.. Di ko maalala

"Okay.. Nagkaamnesia ako... Siguro nga kilala kita dati.. Pero di kita matandaan ngayon" humigop ako sa kape ko

"A-amnesia?" Tumango ako sakanya

"5 years ago." Bumuntong hininga siya

"This is all my fault" kumunot ang noo ko

"Ang alin?" Umiling siya at hinilot ang sentido niya

"No.. Just business" nagkibit balikat lang ako

Napaisip ako...

Posible kayang... Sobra ko siyang kilala dati? Na sobrang close kami? May alam kaya siya sa past life ko?

Napaubo ako sa naisip ko

"Okay ka lang?" Alalang tanong niya at binigyan ako ng tubig

"O-okay lang" sabay inom sa bottled water na binigay niya "salamat.."

Katahimikan nanaman ang bumalot

P-pwede ko kaya siyang tanungin tungkol ko dati kong buhay?

Pwede naman siguro...

Huminga ako ng malalim

"U-uhmmm.. John ryle right?" Tumango siya "p-pwede ka bang magkwento tungkol sa past life ko?" Nanginginig na sabi ko

"H-hah? No.." Napapikit ako ng mariin dahil sa kahihiyan

"A-ahhh.. Ganun ba? O-okay" bumuntong hininga ako na parang nalugi

"P-pero.. Dadalhin kita sa mga taong pagnakita mo ay baka makaalala ka" natigilan ako sa sinabi niya

"K-kanino?" Shock na tanong ko

"Basta..."

Bigla nalang kaming lumabas ng starbucks

Nagtakip pa rin ako ng mukha ko, baka kasi may makakita sakin at pagkaguluhan nanaman ako

"Sundan mo nalang ang kotse ko.."

Tumango ako sakanya

Sumakay kami sa kanya kanya naming kotse

Nang umandar na ang kotse nuya ay agad akong sumunod

Shit. Bakit ba nagtitiwala ako sa isang to?

Hinampas ko ang manebela

Hanggang sa huminto na ang kotse niya kaya hininto ko na ang din ang akin

Tumingin ako sa hinintuan namin

Isang bahay?

Andaming nakaparadang kotse!

Nang bumaba siya ay bumaba na rin ako

"Anong ginagawa natin rito?" Huminga siya ng malalim

"J-just.. Follow me" tumango lang ako sakanya

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon