chapter 14

1.3K 66 4
                                    

Fourteen...


Riann POV:


"Anong oras kaya sila makakadating?" tanong ko kay john ryle na kumakain ng oreo


"aalis daw sila dun ng 4:00 siguro gabing gabi na sila makakadating dito" puno ang bibig nya kaya malabo ang pagkakasabi nya


"hays! mukhang bukas nanatin sila makikita ah?" pumalumbaba ako sa lamesang nakaharap samin ni john ryle


"bukas talaga, baka madaling araw na silang makauwi dito eh!" inakbayan nya ako, ako naman ay napabuntong hininga


"miss ko na sila" malungkot na sabi ko


"ako rin naman eh!" sang ayon sakin ni john ryle


pero talagang namimiss ko si aljay, hindi ko pa sya nababati sa personal ng happy birthday, kahit belated happy birthday, babatiin ko parin sya


"uwi na tayo? riann?" saka humikab sya


"7:00 palang kaya, uuwi na tayo?" napaharap ako sakanya


"oo, bukas na din siguro natin sila makikita, saka mga pagod ang mga yun dahil sa byahe" tsk


"oo nga noh? sige uwi na tayo" sabi ko at tumayo na


"let's go!" saka nya ako inakbayan at umalis na kami


sa kalagitnaan na kami ng paglalakad ay biglang...


*krooo krooo* 


"hahahaha!" tawa ni john ryle ng marinig yun


"ano ba? pinagtatawanan mo pa ako!" sabay hampas sa braso nya


"binibigyan na nga kasi kita kanina ng oreo eh!" naiiling na natatawa nyang sabi


"ayoko nga nun, tsk! gutom na talaga ako!" nagpapadyak ako 


"oh! easy, riann.. gusto mo bang kumain?" tumingin ako sakanya at umirap


"malamang gusto ko, nagugutom nga ako diba?" umiling iling naman sya na parang natatawa


"okay, tara sa bbq house?" barbecue?! my ghad!! paborito ko yun!


"tara! tara!" masiglang sabi ko


"okay, then!" parang anytime tatawa naman itong si john ryle


naglakad kami, mga 10 minutes na din kaming naglalakad


Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon