chapter 42

740 29 11
                                    

Forty Two...

Aljay POV:

Hindi sinasagot ni riann ang tawag ko..

Ano na kaya ang nagyayari sakanya? Bat ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko? May problema kaya siya?

Napahilamos ako sa mukha jo gamit ang mga kamay ko, nakaka-frustriate ang ganitong nga kinikilos ni Dave! Nakakakaba kapag ganito.

Halos mapatalon naman ako ng may biglang tumawag sa cellphone ko.

Excited akong tinignan kung sino ang tumatawag.

Agad din napawi ang excitement ko dahil si ate Joy lang pala, akala ko naman si Dave na.

Walang gana ko itong sinagot.

[Aljay! Kamusta diyan?] Masayang bati ni ate Joy aa kabilang linya.

"Okay lang naman, maganda, masaya kasi nakakasama ko si Dave" narinig ko naman ang hagikgik niya.

[Nakakakilig naman kayo! Pag ano ligawan mo na sya ah?] Natatawang sabi niya na kinikilig din. Hahaha Ate Joy talaga.

"Baka sabihin nun ate Joy ang bilis bilis ko hahaha." Sabi ko.

[Hindi yun! Hihi! Bilisan mo na! Baka maunahan ka pa ng iba eh! Ikaw din, bahala ka] Pananakot niya.

"Hahaha. Oo ate Joy, stay put ka lang diyan, gagawin ko din yan, wag kang mainip" tumawa naman siya.

[Hahaha! O siya siya! Sige na! Tinatawag na ako ni Jace, sasamahan ko daw siya sa company niyo, babye! Goodluck! Hihi] Agad na naibaba ni ate Joy ang tawag

Napabuntong hininga ako at hinagis sa kama ang cellphone ko, dumapa naman ako sa kama.

I miss her...

Tatlong araw kaming hindi nagkikita. Haaay, miss na miss ko na ang Dave ko.

Bumuntong hininga ulit ako.

Ano bang iniisip ni Dave? Bat di siya nagpapakita at nagpaparamdam sakin? May problema ba kami?

-

"Dave.." Tawag ko sa pangalan niya ng makita ko siya sa mall.

Ang ganda nya sa suot niyang longsleeve na shirt na hapit na hapit sakanya at jeans na trasher.

Kahit ano naman ang isuot ng babae na ito, maganda at bagay sakanya eh.

Kahit nga yata basahan eh. Babagay sakanya, ewan ko kung talagang bagay sakanya o sadyang patay na patay lang talaga ako sa babaeng to.

Napapalunok ako habang tinitignan niya ako ng malamig niyang tingin, hindi naman ako mapalagay sa sobrang kaba ko sa tingin niyang yun.

Hawak hawak ko ang kanyang braso dahil kanina ay muntik na niya akong takasan at pagtaguan, buti na nga lang nahawakan ko ang braso niya na siyang dahilan kung bakit siya nasa harapan ko ngayon.

"Hmm? Bakit ba?" Parang nadurog ang puso ko dahil sa tanong niya gamit ang malamig niyang boses.

"M-may problema ba... Tayo?" Tumingin ako sa mga mata niya.

"Wala, aljay.. Wala.. May problema lang ako, sa sarili ko, hindi natin, saka wala namang tayo diba? Anong sinasabi mong 'tayo' diyan?" Halos magwala ako sa narinig ko sakanya.

"Kung may problema, Dave.. Please sabihin mo naman sakin." Pigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa ipinapakita niya sakin ngayon.

"Wala ngaaa.. At saka baka ikaw ang may problema at hindi ako?" Umiling ako sakanya "o. Yun naman pala eh, bitiwan mo na ako dahil baka hinihintay na ako nila Jeff sa parking lot, mainipin pa naman yun." Pagod na sabi niya.

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon