chapter 27

713 38 2
                                    

Twenty Seven...

Aljay POV:

"kumain ka na, aljay.." nilagpasan ko si jace 

pinunsan ko ang luha kong napakarami sa aking pisngi, bumuntong hininga ako at pumasok sa secret room ko

oo.. May 'secret room' ako

umupo ako sa upuan dun

dumukdok sa lamesa at saka umiyak ng umiyak

tumingala ako para makita ang picture ni riann.. oo picture ni riann.. sa pader ng secret room ko

hindi lang isa.. hindi din dalawa... napakarami.. may poster pa haha.. pinagawa ko pa yan

tumayo ako at pumunta sa mini ref ko..

nandito lahat ng mga binigay niya saking mga sweet foods

brownies, cookies, cupcakes, lollipops.. saka yung mga drinks na binibigay niya sakin kapag nagba-volleyball kami

oo. alam kong matagal na yang mga yan.. pero masisisi mo ba ako?

mahalaga lahat ng binibigay niya sakin.. ayokong kainin lang yung mga yun

pumunta naman ako sa drawer ko 

binuklat ko ang isa..

yung mga cards na binigay niya.. andidito..

bumuntong hininga ako

bakit ba kasi sumunod ako kay ryle? ha?! bakit ba kasi ang tanga tanga ko?!

ayan na eh! ayan na siya! yung mahal na mahal ko! pero anong ginagawa ko? snob dito snob dun! sinasaktan ko siya lagi at pinapaiyak..

oo na.. alam kong gago ako.

hay.. totoo nga yung nasa huli ang pagsisisi

hindi nila alam na may gusto ako kay dave.. si ryle oo, alam niya kaya nga siya humingin ng pabor eh

pinihit ko pa ang isang drawer at bumungad sakin ang mga regalo niya tuwing birthday ko, new year at christmas..

tinatago ko talaga itong mga ito.. hindi ko ginagamit at sinusuot

isa kasi ito sa pinahahalagahan ko.. isa sa mga tinatago kong mahalagang bagay para sakin

di pa kami nagigging magbarakada ni dave pero.. gusto ko na siya nun

grade 5 ako ng una kong makita siya.. agad akong nainlove sakanya.. 

ang ganda kasi niya.. tas nakita ko pa siyang tinatawid ang matanda 

sobrang bait nya.. 

sa mga oras na yun, di ko na naalis ang tingin ko sakanya

nakadikit na nga yata ang mata ko sakanya eh

pero nagiwas din ako ng tingin ng tinignan niya ako at agad na umalis

sobrang pula ng mukha ko nun

*tok tok tok*

nagulat naman ako ng may biglang kumatok.. pumunta ako sa may pinto at binuksan ang pinto ng konti

baka kasi makita nila kung ano ang nandito sa secret room ko..

si kuya jace pala...

"kakain na daw..." sabi niya sakin

"oo.. susunod na ako" malamig na sabi ko

"magusap tayo mamaya.." 

alam kong sesermonan niya ako dahil sa ginawa ko kay dave.. di ko naman ginusto yun eh, hay..

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon