chapter 41

427 27 2
                                    

Forty One...

Riann's POV

nung si-nerve na nya, ay malakas pero nakuha ni jace

si-net naman ni aljay saka pinalo ni dale

pumapalakpak lang ako pagnakakapalo sila

sa kabila pinalo naman ni johnryle pero nakuha ni aljay, at kaagad na pinalo pabalik

kaya yun kila aljay ang nakakuha ng one point

ang magse-serve naman ngayon ay si ate joy

"hoooo! go ate joooy!" cheer ko, lumingon naman sya sakin at si-nerve na

ayun! service ace!

nakuha ni ban saka pinalo ni jeff

nakuha naman ni ate joy, si-net ni dale saka pinalo ni aljay

nanlaki ang mata ko ng hindi papunta sa kalaban ang bola kundi...

PAPUNTA SAKIN?!

"RIANN!!?" sigaw nila

yuyuko sana ako pero mabilis ang bola kaya...

*boooogsh*

nahilo ako dun saka natumba

hindi ko alam ang nararamdaman ko pero sobrang hilo ko

malakas ang pagkakapalo ni aljay kaya malakas ang pagkakatama nya sa ulo ko

hindi ko na napigil ang sarili ko

nandilim na ang paningin ko at....

Napamulat ako.

"Hah.. Hah.. Hah.." Hinihingal ako.

"Panaginip ba yun? O isa sa mga alaala ko?"

Bat andun si aljay? Tas yung mga kasama niya sa bahay?

Bat..

Hay! Nakakainis na.. Mukha akong tanga dito na pilit iniisip ang mga alaala ko.

Napahilamos ako sa mukha ko.

Napaiyak nalang ako.

Kailangan ko na talagang maalala ko na yung mga alaalang nawala sa isipan ko..

Ang hirap ng ganito.. Sobrang hirap!

Pinunasan ko ang luha kong umaagos tuloy tuloy..

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may kumatok..

"Riann! Tara na magbreakfast." Sigaw ni ban sakin.

"S-sige.. Susunod na ako!" Narinig ko naman ang foot step niyang umalis na siya.

Napapalunok nalang ako ng sunod sunod kapag naaalala ko ang panaginip ko.

"Bakit ganun?" Naiyak nalang ulit ako dahil sa mukhang tanga na ang sarili ko.

Bumaba na ako ng kama at nagayos ng sarili.

Blangko ang isip ko dahil sa napaginip ko.

Lagi nalang akong nananaginip tungkol kay aljay..

Bakit?

Dahil ba patay na patay ako sakanya kaya ganito?

O baka naman...

Hindi Riann.. Hindi.. Imposible yung iniisip mo.

Bumaba na ako para makakain na.

"Good morning! Kain na Riann" tumango ako kay ban at ngumiti.

Puppy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon