Chapter 07. Frating Gutom!

33.5K 446 22
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights

------------------------------------------

Chapter 07. Frating Gutom.

------------------------------------------

Alam naman nating lahat na maraming nagugutom sa mundo ngayon. Alam naman natin na hindi dapat kailan man tinatanggihan ang grasya lalo na kung nasa harapan mo na... grabe kayo, syempre kahit papaano... ang isang Eleonor Malicsi Dimaculangan ay meron din namang konsensya... lalo na at PAGKAIN na ang pinaguusapan... kung ako lang rin naman ang tatanungin... ayoko talagang tumatanggi sa mga biyayang pinagkakaloob sa akin ... pero syempre kapag isang Miguel Josef Uy Monteverde ang makakasama mo sa pagkain... aba, ibang usapan na yun!!!

Matapos kong ayawan ang alok niyang libreng dinner nanahimik kaming dalwa pero bakas na bakas pa rin sa muka ng kumag na toh ang mala-aso niyang ngiti habang pinakikiramdaman niyang magbago ang isip ko. Talagang dinala niya ako sa magarang lugar sa Timog. Naka linya tabi-tabi dun ang mga bonggang kainan... mga kainan na itsura pa lang ng parking lot ee superr alam mo ng bonggacious. Biruin niyo naman lahat ng kumakain ee puro naka kotse.

Nakahawak na ko sa tiyan ko habang binabaybay namin ang kahabaan ng Timog. Kahit sarado ang mga bintana ng Fortuner niya ay naaamoy ko na loob ng kotse ang masasarap na pagkain... malapit na kong maglaway lalo na at naiisip ko ang lasa ng fried chicken sa aking dila... ang masarap na sabaw ng sinigang na hipon... ang maanghang na sawsawan ng tokwa't baboy... ang malinamnam na lasa ng inihaw na tilapia... ang... wwwaaaaaahhh!!! Ano ba kasi at pinapahirapan mo pa ang sarili mo??? Inaalok ka na nga ee, nagmamatigas ka pa jan!!! LIBRE toh Ellie!!! LIBRE!!! Kelan ka pa tumanggi sa LIBRE???

Uhm... Since today??? Ee bakit ba??? Ayoko ngang batiin ang mayabang na toh!!! Hindi kailan man madadaan sa pagkain ang dignidad ng isang kagaya ko!!!

Biglang bumwelo si Sef para mag-park sa harap ng Tramwey...

Sef:Oh, pano ba yan? Kakain muna ko. Gutom na kasi ako ee.

Ako: .........

Sef: Since ayaw mo naman ee... bantayan mo muna tong kotse ko aa?

Ako: Aaahh...

Sef: Mabilis lang ako. Eat-all-you-can naman na tong Tramwey ee... naka serve na agad ang mga pagkain jan.

Ako: T-teka lang...

Sef: Huh? May sinasabi ka??

Ako: Pwede bang...

Sef: (ngumiti nanaman) Go on... pwedeng ano?...

Ako: Pep-pwede bang... (nilulunok ang pride) ako pipili ng restaurant??? May alam kasi akong masarap na kainan... ahehehe...

Napatawa ng malakas si Miguel Josef Uy Monteverde pero kahit ganoon... syempre... sinunod niya ang kahilingan ko...

● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● 

Karinderia ni Aling Pacita, ayan yung sabi sa malaking paskil sa pinagparkan namin ni Sef. Ito ang pinaka masarap na kainan sa balat ng lupa!!!

Sef: Aah. Sigurado ka ba dito? (nawala ang ngiti ni Sef... napalitan ito ng kaba)

Ako: Maniwala ka... tara dali!!!

Everyone... allow me to introduce to you ang numero unong karinderia dito sa amin... ang Karinderia ni Aling Pacita...

(Sound effects) Tenenenenen...

Ito ang natatanging pinaka the best na kainan in the whole universe!!! PRAMIS!!! Meron silang sineserve na adobong palaka, ginataang suso, afritadang kambing, pinritong aso at maraming-marami pang iba... Ito ang number one na kainan ng mga jeepney, fx at taxi driver dito... at talaga namang dinadayo pa nga sila kahit ng mga tricycle driver sa kabilang barangay!!! Oha...

Sa sobrang kagutuman ko hindi ko na napansin ang nanlulumong itsura ni Sef. Napapaisip siya dahil ang mga katabi ng Fortuner niya ee mga jeep at mga bulok na fx. Dire-diretso ako at umupo sa may bakanteng lamesa agad akong binati ni Aling Pacita... syempre kilala na niya ko nuh!!!

Aling Pacita:
 ELYONOR!!! Naku mabuti at naparaan ka... anung uurder mu?

Oo. Mejo may pagka Annabelle Rama kasi itong si Aling Pacita kaya ganyan talaga ang tawag niya sa akin.

Ako: Ah. Bigyan niyo ko ng tig-iisang order ng sinigang, adobo, fried chicken na din at tokwa't baboy!!! Tapos tatlong extra rice!!! Dagdagan niyo na din ng isang litrong coke!! Chaka Aling Pacita… (smiles) lam niyo na… sawsawan ko aa? Sili.

Sef:(nakatayo pa din sa may labas)

Hindi naman sumagi sa isip ko na... first time lang ng lokong ito na kumain sa ganitong klase ng restaurant. haha. Well, restaurant na itong matatawag para sa akin nuh!!

Aling Pacita: Aba, anung okasyun enday? Mukang andame mung inurder? Himala ito!!!

Ako: Aah. hehe. Saglit lang Aling Pacita! HOY!!! MONTEVERDE!!! Umupo ka na nga dito!!! Ano bang order mo???

Dahan-dahang pumasok si Sef, halos napatingin sa kanya ang karamihan ng mga driver na kasabay naming andun. Pero ang higit na mabentang itsura ee yung ke Aling Pacita...

Aling Pacita: Hala... artesta ka ba Dong? Ka-gwapung binata Elyonor!!! Buypren mo ba??

Ako: Nagkakamali kayo Aling Pacita... siya po Sponsor ko!!! haha.

Sef:(napangiti nanaman dahil syempre, tinawag siyang gwapo) Uh... coke na lang siguro po ang sa akin.

Aling Pacita: Ahy. (titig na titig pa din kay Sef) Ganun ba Dong? Oh saglit lang. Yur uder will be served asap!!!

Ako: Sige po. Salamat. hehe.

Sef: (tumitingin sa paligid)

Ako: Ano naman yang itsura mo? Bakit coke lang inorder mo kala ko ba gutom ka? Para kang ignorante... first time mo bang makakain sa ganito?

Sef: Oo.

Ako: Aaaaahhh... Ganun ba? Ayos lang yan... MASARAP dito... tumuro ka na lang ng ulam dun oh...

Sef:huh. ee...

Ako: Aling Pacita!!! Isang order pa po ng SINIGANG... yung BABOY ho!!!

Maya-maya pa at... Biglang...

Aling Pacita: Oh mga Dong, mga Enday... hers yur urder!!!

Ako: WAAAAH!!! AYOS!!! hahaha...

Napatingin si Sef at nanlaki ang mga mata...

Sef:Sayong lahat yan??? Tapos ito lang ang akin???

Ako: (frowns) Oo. Bakit? May problema ka? Ee di umorder ka pa!!!

Aling Pacita: Ahy naku Dong. Ganyan talaga yang si Elyonor!!! Parang di babae kung kumaen!!! Kaen driver yan ee. O siya, maiwan ko muna kayo...

Sef:haha. O ke manang na nanggaling... di ka talaga babae...

Ako: WAG KANG MAGULO!!! GUTOM AKO!!! WALANG PAKIALAMANAN TOH!!!

And ready... set... go!!! Sinimulan ko na ang pagkaen... at siya... as usual naka ngiti habang pinapanuod akong kumaen... Dahan dahang sinubo ni Sef ang inorder kong sinigang sakanya... malaon at naubos naman niya ito... sabi ko sa inyo ee... masarap talaga dito!!!

Sef:haha... baka kulang pa yan... gusto mo pa??

Ako: Talaga??? Sige. Sang extra rice pa!!!

Sef:Wow. Ibang klase tiyan mo. Ano bang nakatira jan?

Ako: Alam mo ikaw... wala ka bang ibang alam gawin kundi ang asarin ako?

Sef: Grabe... isa kang batwoman na takot sa ipis... na hindi marunong sumipa ng soccer ball... na may pambihirang sikmura na may lihim na pagtingin sa akin!!! hahaha... ibang klase ka talaga... bibihira ang mga kagaya mo sa mundo...

Ako: Ang lakas mo pre!!! Siguro ng nagpasabog ng kayabangan ang dios sa mundo... SINALO mong LAHAT!!! AS IN... wala ka ng itinira... Nakakawalang ganang kumain kapag ikaw ang kasabay ko!!!

Napatingin siya sa mga plato ko...

Sef: Walang gana aa?? Ee halos himurin mo na nga yang plato mo sa linis!!! Kung ikaw ba naman ang laging customer... walang kikitain sayo ang mga taga hugas ng plato... kita mong kumikintab sa linis yang plato mo!!! Parang hindi tao ang kumain!!!

Ako: Aba't... talagang... BAKIT KA BA KASI LAGING NASA SCHOOL NAMIN HA? Nakakasira ka kasi ng ARAW sa tuwing nakikita kita!!!!

Sef: Haha. wag kang magalala... sinisigurado ko sayong... HINDI ikaw ang dahilan kung bakit ako laging nasa school ninyo...

Ako: BAKIT??? MAY SINABI BA KONG AKO ANG DAHILAN??? Masyado kang magaling mambaliktad ng istorya... ee ikaw nga tong laging nakabuntot saken!!!!

Sef: Nakakaaliw ka nga kasi...

Bakit ba nagkaroon ng isang kagaya niya sa mundong ito??? At take note mga kaibigan... Naaaliw daw siya saken???

Ako: MUKA BA KONG CLOWN???

Sef: ;D :D

Ako: GGGrrrr...

Sef:haha. Sabi kasi ni Japo saken... mabait ka naman daw talaga... masayang kabarkada... and I don't see any harm with me being around you... Japo is my closest friend, seeing that he's quite fond to a girl like you just makes me wonder... (nakasmile nanaman siya) Wait…Sobra ba talagang nakaapekto sayo nung hinalikan kita sa Eastwood? Yun ba dahilan kung bakit galit na galit ka saken???

Napaisip ako sa tanong niya... ninamnam kong maigi ang mga binitawan niyang salita... Japo is my closest friend... alang ya... so... ibig sabihin napaguusapan nila kong dalawa??? Anakshota talaga yung si Japo... binebenta ako aa... huma--- t-teka... ano nga daw ulet sabi niya??? Japo is my closest friend, seeing that he's quite fond to a girl like you just makes me wonder... Omg... tama ba ang tumatakbo sa isipan ko mga kaibigan??? Is it possible na... merong... malalim na relasyon si JAPO at SEF???

Tama!!! Kaya lagi akong pinepeste nito... Alam ko na... Nakakaaliw ka nga kasi... Hindi totoong naaaliw siya saken... mga kaibigan, NAGSESELOS si Miguel Josef Uy Monteverde sa akin!!! Wag kang magalala... sinisigurado ko sayong...HINDI ikaw ang dahilan kung bakit ako laging nasa school ninyo... Syempre… hindi ako… si JAPO ang dahilan kung bakit siya laging nasa school…

Alam ko na ang ginagawa niya... are you all familiar with the saying... Make your friends close and your ENEMIES closer!!!

Walang hiyang baklang ito!!! Kaya pala siya ganito umasta... Nakakaloka!!! Mas masakit lalong tanggapin na ang first kiss ko ay mula sa isang BAKLITA!!!!

Hindi ko namalayan... nakatitig na ko ke Sef...

Sef: Hoy... sabi ko naman sayo... wag mo ko masyadong tinititigan ng ganyan... mas lalo kang maiinlove niyan saken!!! hehe...

Ako: (halos masuka-suka ako sa sinabi niya) HINDI TAYO TALO!!!!

Naku... hinding hindi talaga... dahil ang totoo mo palang pangalan ay MIGUELITA JOSEFA!!! Malanding toh!!! Ako pa iisahan niya aa...

Sef: (napanga-nga) So... naglantad ka din... (**Iniisip ng binata na umaamin na ngang talaga si Ellie na isa siyang tomboy!)

Ganito natapos ang usapan namin kasi biglang may sumagi kay Sef sa likuran niya...

Lalaki 1:
 Ahy, sorry boss!!!

Sef: (napalingon lang)

Ako: Hay naku... itigil na nga natin ang kalokohang ito... gusto ko ng umuwi...

Sef: (tumingin sa relos niya) Oh siya. Sige... hehe. Ililibre na kita... siguro naman magiging -- (kumakapa na sa may bulsa niya)

Ako: Oh, bakit? Anong nangyari sayo???

Sef: Sheet. Asan yung wallet ko????

Ako: ANNOOOO???

Agad-agad tumayo si Sef at kumaripas ng takbo palabas sa Karinderia ni Aling Pacita!!! Tinangka pa nga ata niyang habulin yung lalaking bumangga sakanya kanina... Anak ng.... iisa lang ibig sabihin nito...

AKO ANG MAGBABAYAD NG LAHAT NG ITO...

To be continued.

Pano na yan?? She thinks he's gay. So he thinks she's a lesbian. Hala. ANO NA BA TALAGA? Or, gutom lang yan! OMG. Kung anu-ano tlaga ang pumapasok sa isip ni Ellie.

HALA... Sige... Remember... Maraming namamatay sa maling akala!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon