Love-Nat, isang makulit na lovestory!
by: Elliedelights
------------------------------
Chapter 13. Hot Seat!
------------------------------
Eleonor Malicsi Dimaculangan
Hindi ko lubos maisip kung papaanong nasabi ni Miguel Josef Uy Monteverde ang mga salitang yun, "Paano kung walang nagmamahal sayo?"
Papanik na kami ng mga girls sa kwarto namin at hanggang ngayon nasa isip ko pa din ang katanungang yun. Para ngang sirang plaka yung boses niya na paulit-ulit na nag-play sa utak ko. Bakit ang isang mayaman at gwapong kagaya niya ee makakapagbitaw ng mga ganung klaseng kataga?
ARGH, bakit ko ba pinoproblema ang sagot dun? Ee sino nga naman ba kasi ang magkakamaling mahalin ang isang kagaya niyang ubod ng yabang??? Oo, alam ko, mayaman siya at gwapo... pero aanuhin naman ang mga yun kung masahol pa sa panis na adobo ang ugali niya? T-teka nga... napapanis ba ang adobo???
AAAhhh... EWAN!!! Humilata na lang ako basta sa kama ko malapit sa may bintana... at napapikit na lang ang mga mata ko... aahhh... sarap... napaka lambot ng kama... ng unan... ng kumot... haiii... that's more I like it... kaso kelangan ko pang balutin ang sarili ko ng kumot... pano ba naman kasi ang mga magagaling kong kaibigan na bigla-bigla na lang akong kinidnap sa bahay ee kulang-kulang ang mga pinagkukuhang damit sa cabinet ko... ni hindi man lang nila naisipang kuhanan ako ng jacket!!! Buti nga kanyo ee hindi nila ako nakalimutan ikuha ng underwear!!!
Haiii.. hindi kaya dahil ganyan si Miguel Josef Uy Monteverde ee dahil iniisip niyang walang nagmamahal sa kanya?? WWAAAAHHH... ano ba naman yan ELLIE!!! Tumigil ka na nga!!! Nilalason na ng Sef na yan ang pagiisip mo!! Tulog na lang ang katapat niyan!!!!
At sa hindi ko inaasahang pangyayari, bigla ba naman akong hinampas ni Borge ng unan sa ulo!
Borge: Hoy Ellie, WALANG TULUGAN DITO!!!!
Ellie: So kailangan talagang mambato ng unan?
Borge: Aba, wag ka nga. Hindi lang ikaw ang may karapatang maging brutal ano!!
Ellie: Ano pa bang balak niyong gawin?
Sara: Let's take another swim. Night swimming tayooo... ienjoy na naten toh!!! Pag balik naten ng Manila aral nanaman tayo.
Jill: Ee teka nga, we still have to make our case study diba??
Sara: What case study??
Bigla namang binato ni Borge ng unan si Sara.
Sara: OUCH!!!
Borge: Sssshhh... (Sumisignal kay Sara... nanlalaki mga mata)
Napaupo ako sa kama. Sa tagal tagal ko ng naging kaibigan tong si Borge, alam ko na bawat kilos at galaw niyan. At yang kurap ng mata niyang yan!!! IISA LANG IBIG SABIHIN NIYAN...
Kinuha ko yung isa sa mga sampung unan na nasa kama ko at hinampas ko ng malakas si Borge...
Ellie: Animales ka!!! IBANG KLASE DIN TRIP NIYO AA. Kanwari pang may Case Study aaah... TAGAYTAY LANG PALA TALAGA HABOL NIYO!!! AMPFUFU!!! haha.
Borge: Aaah... wag mo kong sisimulan ng pillow fight Dimaculangan, di kita aatrasan. haha.
Ellie: Huh. Sino kaya nagsimula Natividad?
At ayun nagsimula nga ang pillow fight sa pagitan namin nila Borge, Sara at ang kawawang si Jill. Si Meg? Nasa kama niya balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Tahimik lang siya at walang kibo na akala mong hindi kami naririnig. Ee kahit sino hindi makakatulog sa ingay namin. Napatahimik kaming lahat ng sumenyas si Borge kay Meg. Pinalibutan namin ang kama niya at sabay-sabay namin siyang pinapapalo ng unan.
Ellie: hahaha... Kala mo makakaligtas ka aah!!!
Meg: Eeeeekkk...
Bigla-biglang tinanggal ni Meg yung kumot na nakataklob sa may ulo niya at napaupo siya, mukang bruha yung naging ayos ng buhok niya paglabas niya. Umupo siya sabay hawi ng buhok niya at nanigas kaming apat nila Borge, Sara at Jill sa biglang bumulagang itsura samin ni Meg.
Pulang-pula ang mga mata niya. She was crying like hell. At ng napansin niyang nakatingin kaming lahat sakanya without even blinking, humagulgol na siya ng iyak.
Borge: Sobra bang masakit yung palo namin???
Pinalo ni Sara si Borge.
Borge: What? I was just asking her...
Actually pareho kami ng nasa isip ni Borge. Akala ko din nung una dahil dun sa pillow fight kaya umiiyak si Meg... dahil pinaulanan namin siya ng palo... Umupo na sila Sara at Jill sa tabi ni Meg.
Jill: Bakit Meg? Ano nangyari??
Sara: Kaya nga. Kanina ka pa matamlay ee. What's wrong?
Meg: Si-- si Ryan.
Ellie: Oh bakit? Anong nangyari sa boyfriend mong feeling gwapo?
Hindi niyo na kasi itatanong pa, hindi naman talaga kasi namin kasundo yang boyfriend na yan ni Meg. Super nakakainis yang si Ryan. Tama, SIRA YAN!!! May pagka SIRA kasi utak nun. Hindi ko siya feel at alam kong hindi din niya ko feel.
Meg: Nagaway kasi kami ee... (iyak pa din ng iyak)
Borge: Sus. Anong bago dun??? Eee... lagi naman kayong nagaaway!! Hindi ka na nasanay!!
Sara: Ee tungkol san ba pinagawayan niyo this time?
Meg: Meron daw kasi silang lakad ng tropa niya today, gusto niya akong kasama... he doesn't want me to go here with you guys... pero syempre diba... kayo pa din pinili ko!!
Totoo yung sinabi ni Borge. Si Ryan at itong si Meg ee kahit isang pirasong mentos na nga lang ata ee pagaawayan pa nila. Matagal na naming sinasabihan itong si Meg na iwan na niya yung hayup na lalaking yun. Playboy din kasi yun, biruin niyo ba naman harap-harapan na nga niyang ginagago si Meg pero ano??? Wala pa ding epekto kay Meg... mahal daw kasi niya ee. Kaya nga minsan... hindi ko na maintindihan ang utak ng mga taong in love... at higit sa lahat hindi ko talaga maintindihan yang LOVE--LOVE na yan!!! Mahirap bang talikuran ang mga ganung klaseng tao -- mga taong kagaya ni Ryan?? They are not worthy of love. DUH!!! Gusto ko na nga minsan iuntog sa pader itong kaibigan ko ee para magising na siya sa katotohanan. Kaya nga mainit din dugo nung si Ryan saken... haha... dahil nun minsang nagaway sila ni Meg akala mong syota ako ni Meg na sumugod sa kanya ee. Oo, inabangan ko si Ryan sa labas ng MUP at nakuuu, hinamon ko siya ng sapakan!!! Swear!!! SAPAKAN TALAGA. Nakalimutan kong babae ako at lalaki siya... pero wag kayong magalala... easy lang... ano yan adik din ba kayo sa kape? Haha. Wag kayo magalala hindi naman kami natuloy sa hamon kong sapakan... dahil si Max yung biglang umextra nun nagkakagulo kami... at si Max din yung nakipagsuntukan sa kanya... haha. Ayun, blackeye ang natamo ni Ryan. Duh. Si Max pa ee black belter yun sa taekwondo.
Alam kong g@gu ako mga kapatid. Alam kong pasaway ako. Pero kasi... importante saken ang mga kaibigan ko... ayokong-ayokong umiiyak at nasasaktan ang mga yan!! Magkamatayan na pero... mababait naman yang mga kaibigan kong yan kahit minsan may mga sapak sa ulo... kaya hindi nila deserve na masaktan ng iba. Kung hindi nila kayang lumaban para sa sarili nila, ee di ako lalaban para sakanila.
Sara: So? That's it? Nagaway na kayo because of that...
Jill: Okay lang yan Meg... Magbabati din kayo niyan like you always do.
Meg: (iyak pa din ng iyak) Pero... sabi niya cool-off daw muna kami... waaaaaahh... huhuhu...
Ellie: Oi!!! Ano ka ba??? Ee di mas mabuti... the more reason para magdiwang tayo!!!
Sara: Ano ka ba Ellie!!
Ellie: Ee totoo naman ee. Cool-off, cool-off pang nalalaman yang hayup na yan, BREAK na lang agad!! Wala ng kung anong epek-epek!!!
Meg: Waaaaaaaahuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu... (humagulgol pa lalo)
Tinignan na tuloy ako ng masama ni Sara.
Ellie: HAAAYYY NAKU!!! ANG SAKIT TALAGA SA ULO NG MGA LALAKING YAN!!! DAPAT KASI NAGING BAKLA NA LANG SI ADAN, NAGING BABAE NA LANG SI ADONIS AT NAGING SILAHIS NA LANG SI NOAH!! PUNYETA!!
Sa sinabi kong yun nagtawanan silang lahat, pati si Meg parang baliw na tumatawa habang umiiyak. Hahaha... ee bakit??? May point naman ako sa sinabi ko aa? Chaka... yang pag-ibig na yan??? PAHAMAK LANG YAN EE... Kita niyo nga si Meg... ayokong pagdaanan yang pinagdadaanan niya... ayokong umiyak sa mga maliliit na bagay... ayokong maranasan yang ganyan... siguro... dahil sa... TAKOT ANG ISANG ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN NA MASAKTAN!!!
Inakbayan ako ni Borge at maya-maya pa ee pati sila Meg, Jill at Sara ee nakayakap na din saken habang tawa ng tawa.
Borge: Haha. Ibang klase ka talaga Ellie... ikaw lang nakakagawa nito!!!
AKo naman nakataas lang kilay ko. Nagtataka kung bakit nakayakap silang lahat saken. Ako ba yung nakipagaway sa boypren??? Ako ba tong umiiyak???
Sara: Pampasaya ka ng buhay!!! haha...
Ellie: PEPWEDE BA!!! T-teka nga... (tinutulak ko na sila papalayo saken) Nakakasakal na kayo aa.
At ng bumitaw na sila saken...
Borge: Grabe, nakakaloka ka!!! Kaya ba pati si Sef pinagbibintangan mong bakla?? haha.
Ellie: Oh, pati ikaw naniniwala ka na ding BAKLA siya nuh?? haha. BAKLA YUN!!!
Sara: HUWAT??? Really?? Pero... bakit parang hindi naman.
Meg: (Pinupunasan yung mata niya) Oo nga... itong si Ellie oh. Napaka bait at gwapo ni Sef pagdududahan mo.
Jill: Yeah. He's a nice guy.
Ellie: Hay naku, ayaw niyong maniwala saken BAKLA YUN!!!
Ano bang mahirap paniwalaan sa sinasabi ko? Grabe talaga kamandag ng lalaking yun... ibang klase... halos lahat malilinlang niya... pwes AKO HINDI.
Pero alam niyo kung saan ako namula at halos tumalon yung puso ko papalabas ng dibdib ko? Dito sa sinabi ni Borge...
Borge: Alam mo Ellie... bakit mo ba pinagpipilitang BAKLA si Sef? Yan ba ang paraan mo para magkaroon ka ng rason na huwag ma-inlove sa kanya??
Daig pa ng tanong ni Borge yung pagkalunod ko kanina sa pool ee. Para kong inilublob sa kumukulong tubig ee... Kung baga sa showbiz para kong nasa HOT SEAT..
Ellie: Ha. Yan ang huling bagay na mangyayari sa mundo Borge!! Ang mainlab ang isang Dimaculangan sa isang Monteverde!!! Para kaming tubig at langis, asin at paminta, aso't pusa!!
Borge: Sige, sinabi mo ee.
Sara: Tara, let's swim na lang girls!!! Mawawala din yan!!!
Meg: Mabuti pa nga. (smiles) Tara.
Wala na kong nasabi... pero ito laman ng isip ko...
PAKYU BORGE!!! PAKYUUUUUUUuuuu!!!
TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights