Chapter 48-1. Cinderellie!

22.6K 299 8
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

 

Nakaupo kami ni Sef sa damuhan, sa lilim ng malaking puno sa labas ng pagmamay-ari nilang shrine. Grabe, pakiramdam ko ngayon… kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo, para kaming Hari’t Reyna at ang sementeryong ito ang nagmimistulang palasyo namin. Haha. Feeling mo naman ikaw si Queen Elizabeth? 

We sat there, nagkekwentuhan, nagbibiruan at nagaasaran… at parang hindi matapos-tapos ang paguusap naming dalawa. Haaaiiii… ang lakas ko talaga kay Lord nagka-chance pa ako na ma-solo si Sef.

“Do you really want to become an accountant?” Sef asked. He was resting his head against the tree trunk habang nakatingin sa malayo.

Hindi ko alam kung papano sasagot. No one really dared to ask me that before. “Siguro.” I shrugged.“Gusto ko din maging Movie Director, maging photographer, maging singer, dancer… gusto ko din mag-artista para maging leading lady ni John Lloyd Cruz! Haha.” Napatingin na si Sef sakin siguro dahil nawi-weirduhan na siya sa mga sinasabi ko. “Syempre, gusto ko rin maging accountant!  Mahal ko talaga ang numbers ee! Pero… sa totoo lang parang mas tinatawag ako ng law, kaya gusto ko din sana maging lawyer.” After saying that, I blushed. Animales Ellie, ang daldal mo lang!! Isa lang daw kasi ibig sabihin nito… masyado na kong nagiging comfortable kay Sef!! Woooshooo!! Sadyang madaldal ka lang!!

“Attorney Dimaculangan.” He then muttered. I looked up at him, akala ko nung una tatawanan niya ko but he didn’t. Instead, he smiled – a kind smile na tatagos talaga sa puso mo!! TAGOOSH!! Sheet!! Matutunaw ata ako!! Hindi ko sure kung dahil ba sa ngiti ni Sef… o dahil ba sa sweet ng pagkakasabi niya ng pangalan ko to think na FIRST TIME na may tumawag sakin ng… attorney. “Nice. Sounds pretty heavy to me. Pero parang ngayon lang ata ako nakakilala ng lawyer na kahit minsan hindi sumusunod sa batas.” He gave a light chuckle.

Sa sinabi niyang yun, natawa ko. “Haha. Kaya nga abogago ata dapat tawag sakin!”

We both laughed. After which, “Actually, nung bata ako,” Sef said with a smile. “I wanted to become a priest.”

I froze. PRIEST? Tama ba pagkakarinig ko? “Seryoso? Ikaw?” Pero sheet! Buti naman at hindi siya natuloy sa pagpapari, kung hindi nasa kumbento ako ngayon, nagmamadre!! TOINKS! Haha. Lechugas yan! Hindi ka pepwede dun Ellie!! Imagine a world na kung saan BAWAL PANGARAPIN SI John Lloyd Cruz… at lalong HINDI MO PWEDENG PAGNASAAN ang isang Miguel Josef Monteverde? Shocks!! Oo nga, di talaga ko tatagal sa kumbento!! Hindi ako pwede dun!!

Napatingin siya sakin. “Oo nga.” He laughed a little. “I’m serious. Haha. Why is it so hard to believe?”

“Imagine, ikaw? Living a life of celibacy? Walang girls, walang party, walang alak, walang kotse!” I told him. “Pero…” Bigla akong napaisip. “…mukang interesting din makita yung good boy na Miguel Monteverde.” I teased.

“Good boy huh?” He sniggered with amusement. “Is that your type, yung good boy?” He looked at me and I felt uncomfortable, lalo na sa ngiti nanaman niyang mapangasar!

Alam niyo yang ngiti niyang yan? Sobrang dangerous!! It always makes my heart flutter.

Napasimangot ako sakanya. “Oo.” Pinanindigan ko naman daw! Hahaha. I glared at him, studying his every feature. “Ayoko sa lalaki yung may matangos na ilong, gusto ko kalbo, ayoko ng good-looking, ayoko ng may muscle sa katawan, gusto ko buto-buto, ayoko ng may mapupulang labi, ayoko ng mayabang, ayoko yung parang laging naliligo ng pabango, ayoko ng may kotse, ayoko ng marunong maglaro ng basketball at soccer, ayoko ng marunong mag-english, at higit sa lahat ayoko yung kamuka ni Dennis Oh!”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon