Chapter 49-1. Watta Gentleman Wants!

31.3K 334 18
                                    

It’s a Friday night. At isa lang ang ibig sabihin nun para kay Juan Antonio Malicsi (aka AJ).

GMIK!!

 

PARTY!!

 

ALAK!!

 

BOOOOOOOOOYS!!!

Excited na bumaba ng cab si AJ sa tapat ng Tides, sa may Timog Ave. Andito ngayon ang kanyang mga ka-gmik friends. Yung iba mga classmates niya, at yung iba naman mga friends niya from different Universities na nakilala lang din niya sa mga party. Halata mula sa parking lot, na sobrang daming tao tonight!!

“Oh, manong. Keep the change!” Ngiti ni AJ sa taxi driver. Ganyan yan pag GOOD VIBES. Nagbibigay ng tip.

“Anong keep the change?!” Inis na sabi ni manong driver. “Ee kulang ka pa nga ng sikwenta!”

Nawala yung ngiti ni AJ. Tumaas ang kilay niya. “Ito ho, parang naipit lang ee! Excited naman kayo masyado!” Nag-abot siya ng isang-daan. Totoo naman yung sinasabi ni AJ, hindi lang niya napansin na kulang yung inabot niya. Pagdating talaga sa mga boys, nawawala na sa sarili ang pinsan ni Eleonor.“Hmp. Chakang toh!! Akin na yung sukli. Nagbago na isip ko!!”

Napakamot tuloy sa ulo yung driver at halos ibalibag ni AJ yung pintuan sa inis ng makuha na niya ang kanyang sukli. Marahan na siyang naglalakad sa may parking lot ng Tides habang pinapasok ang kanyang wallet sa loob ng bag at hindi tuloy niya namalayan yung black na motorcycle na magpapark.

“AHY HUDAS BARABAS!” Sigaw ni AJ, dramatically holding on to his chest and quickly taking a step back bago pa maikutan ng gulong ang kanyang sapatos. Aba, saktan na niya ang paa ni AJ wag lang madumihan ang kanyang Converse na sapatos!! “Ano ba! Pwedeng magdahan-dahan diba?” He screamed at the guy na may-ari nung motorcycle. Naka-helmet ito. As in kumpleto sa gear. “Animales yan!”

Pinatay nung lalaki yung engine ng motorcycle niya and gradually removed his helmet and successfully revealed the most handsome guy AJ has ever laid his eyes on. At first, inakala pa nga ni AJ na si Sef ang lalaking nasa harap niya ngayon… but he blinked and as he stared longer at the guy… AJ realized na hindi si Sef ito.

Kung ang pinsan niyang si Ellie ee patay na patay kay John Lloyd Cruz… ito namang si AJ pakiwari niya… nahanap na niya ang Piolo Pascual ng buhay niya!!!

Halos tumulo ang laway ni AJ… hindi siya makagalaw sa kinakatayuan niya… lalo na ng nagkatitigan sila ni Papa PIOLO!!

The guy gave AJ an airy look as if AJ himself was just an irrelevant creature. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, sizing him up.

At dahil sa na love at first sight si AJ, hindi niya naramdaman kung gaano siya minamata ng lalaking ito. “Ahy, okay lang pala.” He muttered flirtingly. Yung mga mata niya pumupungay-pungay pa!! Haha.

Then all of a sudden the guy gave off a sneeze. “Achoo.” He sneered mockingly. “Sorry, I’m allergic to gays.”

Namilog ang mata ni AJ. At that very moment parang gusto niyang kumuha ng injection… at tuturukan niya ng berdeng dugo ang MAYABANG NA ANTI-GAY NA TOH!! Tsssss. NAKAKA TURN OFF TALAGA!!

Pero wala siyang nasabi ng may lumapit ng babae dito.

“Enzo,” Bati nung long-legged na girl doon sa lalaki. “Finally! It’s about time you show up!” Parang dikyang pumulupot ang mga kamay nito sa leeg ni lalaki.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Where stories live. Discover now