Chapter 26-2. Oh my... DAD!

24.2K 289 7
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Hindi ako marunong mag-panic. Hindi din ako marunong magalala. OVER AAHH!! AKO?? Sus. Nilalagnat lang naman si Lolo Perding ee. Lagnat lang yan, malayo sa bituka!!

“BILISAN NATEN!! DALIN NA NATEN SI TATA SA OSPITAL!!” I shouted, kulang na nga lang ata buhatin ko si Lolo Perding na parang bagong kasal kami ee.

Napakamot sa ulo si Butchoy. “Ellie, wag kang OA!! Kelangan lang yan ipahinga ni Tata.”He then removed my hands from my tight grip on Lolo Perding’s arms. “Ako na maguuwi sa kanya.”

“Naku, *cough* tumigil nga kayo. *cough*” Lolo Perding complained. “Ayos lang *cough* ako.”

“Muka nga.” Sabay-sabay namin sinabi nila Butchoy at Totoy.

“Wag ng matigas ulo mo Tata. Sige na, pahinga ka na sa bahay at uminum ka ng gamot.” I told him. And as much as I hated it, I sounded like a nurse. Parang si Ms. Elena?? Yak!!

Gusto ko man ihatid si Tata sa bahay niya, ee hindi ako basta-basta makakaalis. Meron pa kong klase and I can’t afford to cut class sa law kasi meron recitation mamaya. I could only watch habang inaakay na ni Butchoy si Lolo Perding.

Meron pa kong one hour bago yung next subject ko. Teka, baka pwedeng makahingi ako ng libreng gamot sa clinic para kay Lolo Perding.

I swear, hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip kong pumunta dito. Knowing that I do not want to see Ms. Elena of all people. Pero uunahin ko pa ba yun sarili kong issues kesa sa sakit ni Lolo Perding?? I hesitantly walked in the clinic. And as expected, ang friendly smile agad ni Ms. Elena ang bumungad saken.

I did a fake cough. Syempre manghihingi ako ng isang dosenang gamot. Kanwari na lang para saken. Haha.

“Hi Ellie!” Ms. Elena greeted in a very sweet voice.

I simply coughed, nodding.

“What’s wrong? You’re sick?”

Duh. Obvious ba?? Umuubo nga ee.

“Lika, humiga ka muna.” She offered nicely as she placed a hand on my forehead. “Wala ka namang lagnat.” She said suspiciously kaya umubo ko ng malakas na malakas.

Bravo Ellie!! Bravo!!

Humiga ako sa hospital bed habang may mga kinakalikot sa Ms. Elena sa lamesa sa gilid. “Tamang-tama you’re here. Kwentuhan mo naman ako sa nagging date niyo ni Sef.”

I froze. Hay, ambilis talaga kumalat ng chismis. Buti na lang dumarating yun sa tamang mga tao. So, kelangan talagang mukang excited siyang malaman?? If i know, echos lang yan!! Naiinggit siya syempre kasi nakikipag date na si Sef sa iba. Kasi over na si Sef sakanya!!

TOINKS!!

Teka nga… bakit ka ba ganyan Eleonor Malicsi Dimaculangan?? Kaibigan mo yang si Ms. Elena kung anu-ano yang mga pinagiisip mo!! Nakita mong napaka bait nung tao ee tapos ganyang mga iniisip mo sakanyan dahil lang sa antipatikong si Moteverde?? ANO KABA?? NAGSESELOS KA BA??

Parang nasapak ako sa muka nung naitanong ko ito sa sarili ko!! MAHIYA NAMAN DAW AKO DIBA?? Kinilabutan ako, as in tumindig ang balahibo ko sa ideyang yun!! AKO?? NAGSESELOS?? GAAD!! OVER MY DEAD, SEXY BODY!!

Oh kaya umayos ka nga kay Ms. Elena!!

“Ee.” I said, resting my head against the pillow. “Wala namang dapat ikwento ee.”

“Sus.” She said. “Nahiya ka pa saken!! Haha. C’mon, you can tell me.”She then poured water on a plastic cup. “Oh uminum ka muna nitong gamot, this will help you feel better. Mas luluwag pag ubo mo.”

I sat up taking the glass of water at ininum ko yun in one straight gulp. “Ee kasi, Ms. Elena. Wala naman talaga akong sakit ee. Si Lolo Perding meron.”

She looked up as though thinking. “Lolo Perding? Yung sa carpark?”

I nodded. “Ee, gusto ko sanang humingi ng gamot para sakanya. Namumutla na siya kanina sa taas ng lagnat niya ee. Hindi naman niya kayang ipa-ospital sarili niya. Kahit limang biogesic lang dito sa clinic Ms. Elena. Kahit… kahit tatlo okay na!!”

She gave me a warm motherly look. “You’re such a sweet girl.”She smiled. “Sana sinabi mo na lang agad kanina. I know Lolo Perding. I would love to give him free medicines.”

“Talaga Ms. Elena?” I beamed. Ang bait talaga niya!! Nakuu, matutuwa si Lolo Perding hindi na niya kelangan gumastos sa gamot.

“Pero kekwentuhan mo muna ko sa date niyo ni Sef.”

I blushed. “Ahyy, Ms. Elena naman…”

In the end, napa kwento ako kay Ms. Elena. She was smiling and laughing lalo na yung nakwento ko yung tungkol sa pagkaen namin ni Sef ng street foods.

“Napakaen mo siya nun?” Ms. Elena asked in amazement.“Wow. Haha. Sana may picture para nakita ko din itsura ni Sef!! Haha. Siguradong nakakatawa yun!!”

Why do I have this feeling na matagal na silang magkakilala? Grabe, siguro sobrang tagal na ng naging relasyon nila… ano ba naman ang laban ko dun??

T-teka… anong sinabi mo Ellie??

TOINKS.

Change topic na!! CHANGE TOPIC!!

Matapos kong ma-kwento ang buong pangyayari nung Sabado… in fairness aa? Si Ms. Elena una kong nakwentuhan… natalo pa niya sila Borge. Pero syempre, para patas… hindi naman siguro masama kung ako naman ang mangiintriga sakanya diba?? Hindi naman ata ako papayag na ako lang itong magkekwento!! Takang-taka na ko kung ano nga bang naging nakaraan ni Sef at nitong si Ms. Elena… masubukan ngang mang-issue…

“Ms. Elena…” I started. “Gusto ko lang sana malaman. Ano ba kayo talaga ni Sef? Para kasing… matagal mo na siyang kilala.”
Napansin kong napatigil siya sa pagkuha nung gamot sa may medicine cabinet. She froze. My question caught her completely off guard. She turned around to face me pero hindi siya makatingin sa mata ko. Nawala yung ngiti niya… and I sensed guilt in her.

“Kami ni Sef?” She repeated my question. I could hear the deep sorrow in her voice. “Well… me and Sef, we’re…” Bawat salita na binibitiwan niya parang bomba saken ee. I was holding in every word she was saying… at abang na abang na ko sa sagot niya when all of a sudden… the door creaked open.

“Mama?” It was a small, sweet voice of a young boy that made us both turn our heads towards the door.

Ms. Elena then smiled. “Hi honey. How was school? Come here…”

Meron bang earthquake?? Pakiwari ko kasi parang biglang NAYANIG ang buong mundo ko the moment my eyes landed on the young boy. Nakalimutan kong huminga. Pakiwari ko bigla akong nanlamig at feeling ko napasa saken yung sakit ni Lolo Perding…

I was completely and utterly speechless… KAMUKANG-KAMUKA NI SEF YUNG BATA!! Parang si Sef nung three years old pa lang siya!!

“Say hi to Ate Ellie.” Ms. Elena told the boy. “Ellie, this is my son, Noel.”

Kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko… my mind was racing… SON? SON OF A COW!! WHAT THE MADAPAKING HELL IS THIS?? WAAAAAAHHH!!! ELLIE!! MAGHUNUS TILI KA!!

ANAK NG SAMPUNG KABAYO NAMAN OH!!!

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon