7- Stages

5.4K 169 5
                                    

As a token of appreciation for adding my story on your reading list. This chapter is dedicated to you. Thank you! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




Sabado ngayon at naisipan ko na lang na sa bahay ko papuntahin ang mga kaklase ko. Pag-uusapan namin ang gagawin namin para sa pageant na sasalihan ng dalawa naming kaklase. Wala namang magagalit sa akin dahil mag-isa nga lang ako sa bahay na tinitirhan ko.

As usual, si Rain ang naunang dumating, at home na at home pa nga't nakaupo sa sofa ko at kinakain ang cookies na binili ko habang nanunuod ng tv.

"Mamigay ka naman!" Angal ko sa kanya.

"Marami ka naman nito! Kumuha ka na lang sa ref mo." Hindi inaalis ang tingin aa tv na sagot nya sa akin.

Inirapan ko sya at tumayo saka pumunta sa may kusina para kumuha ng pagkain ko. Napatingin naman ako sa likod ni Rain na busy pa rin sa panonood ng Adventure Time. Di na nagsawa. Psh.

Pero kahit nag-aasaran kami ni Rain, hindi ko maitatanggi na sobrang saya ko. Kasi merong isang tao na sobrang close ko at hindi nasasaktan kapag nagkakaroon kami ng close contact. Pero higit na nagpapasaya sa akin ay ang pagkakaroon ng kaibigan na tulad nya.

"Kung ako sayo, magpalit ka na ng damit dahil parating na daw sila." Tinignan ako ni Rain maging ang auot kong damit.

Napakunot-noo naman ako, maayos naman ang t-shirt at pajama ah?

"Huh?" Iyon na lang ang tangi kong nasabi.

"Okay na yung pajama, pero mag long sleeves ka. Malamig naman kaya hindi sila magtataka. Tapos kung may gloves ka, magsuot ka din nun. Hindi maiiwasan na hawakan mo sila." Paliwanag nya sa akin.

"Ahhhhh.....okay!" Sagot ko matapos ko syang ngitian. Ang galing! Buti na lang naalala nya. Hahaha!

Matapos kong makapagpalit ay bumaba na ako ng hagdan, pero dahil wala akong gloves at ang meron lang ako ay yung sa pang-winter mittens ay sinuot ko na rin.

Matapos kong makapagpalit ay bumaba na ako ng hagdan, pero dahil wala akong gloves at ang meron lang ako ay yung sa pang-winter mittens ay sinuot ko na rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita kong nakaupo na sa may sala sina Lauren, Bien, Kate, Leni, Monica, Abby, Clarise, Jm, Mika, John at Oliver.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko ng makitang hindi lahat ng kaklase namin ay nandito.

"Hindi daw sila makakapunta, may mga sari-sarili daw silang lakad na nakaschedule na. Tutulong na lang daw sila sa susunod." Sagot ni Bien kaya tumango na lang ako.

"Teka, bakit ka nakasuot ng mittens? Balot na balot ka pati." Pagsasalita ni Lauren na napansin ang attire ko.

"Malamig kasi Lauren, hindi ko na kinakaya ang lamig kaya binalot ko na lang ang sarili ko. Ayos ba?" Nakangiti kong pahayag. Ang galing kong magsinungaling grabe. Tumango lang naman sya at naintindihan na rin ang paliwanag ko.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon