39- Weak

4.1K 58 2
                                    

Unti-unting lumalapit sa amin ang mga tauhan ng SkyTech. Nang may papasugod kay Rain ay agad nya itong nilabanan ng suntok.

Mahahalata mong puno ito ng galit dahil agad tumataob ang bawat susugod sa kanya.

Sa kabila naman ay patuloy ko lang pinapatamaan ng kuryente ang mga sumusugod sa akin.

Wala na akong pakielam kung may masaktan ako. Ang mahalaga ay ang makaalis kami ni Rain.

"Just surrender yourself Ms. Kione, hindi mo ako habang buhay na matatakasan. You cannot fight everytime. Everything has an end." Rinig kong pahayag ni Conner Heinz mula sa tabi pero hindi ko ito pinakinggan.

Nang may sumugod sa akin na isa sa mga tauhan nila ay agad ko itong nilabanan gamit ang mga itinuro ni Kenji.

Doon ko sila naalala, ang mga kaibigan ni Rain na naging kaibigan ko na rin.

Si Chief, si kuya Warren, sina Sir James,Chris at Ric, maging ang mga inosenteng mga tao at bata na nadamay dahil sa kasakiman ni Conner Heinz.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansin ang paparating na kamao ng kalaban kaya nagawa nya akong patamaan sa pisngi dahilan para pumutok ang lower lip ko.

Galit na idinura ko ang laway na may kasamang dugo at sinuntok ito habang may enerhiya ng kuryente na nakabalot sa kamao ko. Nakita ko itong tumalsik sa sobrang lakas.

Ramdam kong sa sobrang galit na nararamdaman, dumadaloy sa bawat ugat ko ang mainit na enerhiya na gustong kumawala. Tila isang magandang timing naman na may grupo na papasugod kay Rain na abala sa pakikipagsuntukan kaya doon ko ito pinatama dahilan para tumalsik papalayo ang mga ito.

"Tsk..tsk.tsk..What a marvelous show! I was right. Napakalaki ng magagawa ko sa iyo Ms. Kione. Hindi ka lang isang walking weapon ngunit maaari ka ring maging power source. I wonder what you can still do."

Sa inis ko ay pinatamaan ko ang pwesto ni Conner Heinz ng kuryente na agad naprotektahan ng mga guards na nakapaligid sa kanya gamit ang isang device na nagmistulang shield.

Nakita kong patuloy ang pagsugod ng kanyang mga tauhan na pilit naming nilalabanan ni Rain.

Nakakuha ako ng baril mula sa mga kalabang nasa sahig at wala ng malay saka ko tinawag si Rain na nakikita kong napapagod na.

"Rain!"

Agad ko namang nakuha ang atensyon nya at inihagis ko ang baril na aking nakuha at agad nyang sinalo ito at pinatamaan ang mga papasugod sa kanya.

"Just come with me Ms. Kione, and all of this will stop.....

You can have the power in this world, the greatest side of living.....

No one can stop you. Rule the world with me!"

Pahayag ni Conner Heinz dahilan para tignan ko sya ng masama habang patuloy pa rin na nakikipaglaban sa kanyang mga tauhan.

"Hindi ako kailanman sasanib sa isang hayop na tulad mo! Isa kang mamamatay tao!" Galit na turan ko.

I almost spat the words at him at lalo lang akong nainis ng ngumisi ito.

"Well what do you think are you doing? Aren't you killing people too?"

"You see Ms. Kione, you are no different with me."

Doon ako napatigil.

Dahilan para hindi ko makita ang pagtama sa akin ng isang makinarya ng isa sa mga tauhan ng SkyTech.

Isa itong malaking armas na hindi bala ang lumabas kundi isang kulay berdeng liwanag dahilan para mapatalsik ako papalayo.

"Zoey!"

Everything was a blurr for a minute hanggang sa unti-unti ulit lumilinaw.

"Zoey! Fuck!"

Naririnig ko ang galit na may halong pag-aalalang boses ni Rain ngunit hindi ako makatayo.

Tila ngayon ko nararamdaman ang bugbog na katawan.

Ang pagod na hindi ko dapat maramdaman.

Ang sakit ng bawat suntok na natamo ko kanina.

Ang hinagpis sa kaalamang wala na ang mga mahahalagang tao sa buhay namin ni Rain.

"Zoey! Are you alright?! Fuck! Let me go!"

Hanggang sa napaubo ako, umaasa na makakuha kahit na kaunting hangin dahil naninikip ang dibdib ko. Unti-unting tumigil ang pag-ikot ng mundo at sa paghinto nito, nanghihinang nakita ko kung paano gustong kumawala ni Rain sa posas na pumipigil sa kanya para makalapit sa akin.

Bakas ang pag-aalala dito, ang sakit, ang pagmamahal, ang pagod, hanggang sa nakita ko syang lumuluha habang patuloy na isinisigaw ang aking pangalan.


Nakita ko kung paano huminto hindi kalayuan sa akin ang isang pares ng sapatos, napakapulido ng pagkakagawa nito, halata mong may sinasabi sa lipunang napakamangmang dahil nagawa silang sakupin ng isang sakim sa kapangyarihan.

"Too bad that you are weak!"

Nakita ko itong naupo ng bahagya't hindi hinahayaan ang puting kasuotan na sumayad sa maduming lupa.

"I think I will borrow you precious boyfriend for a while. Since you have no use anymore, might as well get what we can get. But remember this Ms. Kione. I will surely see what will happen kapag ikaw naman ang maghahabol."

Malabo man ngunit nakita ko itong umayos ng tayo at tumalikod sa akin.

Sa pagitan ng kanyang paghakbang nakita ko si Rain na pilit kumakawala sa pagkakaposas ng kamay at mula sa pagkakahawak ng mga tauhan ng SkyTech para lang malapitan ako.

I need to stand up.

I can't let them take Rain.

Hindi pwede.

I need to do something!

But my body is too weak.

"Get him inside." Narinig kong utos ni Conner Heinz sa isang tauhan.

"Sir, what about the girl?"

"Leave her. She's useless for now anyway."


I am weak.



The End










Of

Book One

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon