12- Pale

4.1K 122 6
                                    

As a token of appreciation for adding this story on your reading list. This chapter is dedicated to you nanaylove.

Thank you!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Parehas kaming tila nabuhusan ng malamig na tubig pagkaharap namin sa CEO ng SkyTech.

Pero mabilis kong itinago ang pangamba sa akin dahil baka lalo syang makahalata. What is he doing here anyway? Pero naaalala ko na nandito nga pala ang anak nya kaya siguro para sa moral support.

The thing is, when you are lying, you need to stay as calm as possible para masabi mo ng mas maayos ang mga kasinungalingan ipa-plot mo.

Pero enough with that.

"Pardon sir?" Tanong ko, pretending that I didn't understand what Conner Heinz is talking about.

Binigyan nya ako ng ngiti na parang alam nya kung ano ang ginagawa ko, that he knows something about me and that I can't lie with it.

I'm starting to hate people like him, alam ko na talaga kung saan nagmana si Gregory, anak nga sya ng tatay nya.

While Conner Heinz is standing infront of me, ngayon ko na nakikita kung ano ang ibig sabihin ni Rain sa sinabi nya dati.

This man is not the person you can mess with.

"Ahh...wala naman Ms. Kione, you're class' performance was.....fascinating. I wonder kung saan nyo nakuha ang napaka-kapani-paniwalang electric current na iyon." He looks dreamy while saying those.

And I was left unable to speak. May nakita sya sa ginawa namin? Nakita ba nya ako na pinairal ang pagiging freak ko?

"Well sir, there's this thing called science." Tiim-bagang na sagot ni Rain na nasa tabi ko.

Nagitla ako ng pinagsaklop ni Mr. Heinz ang kanyang kamay.

"Yes,yes. Hindi na maitatanggi that because of Science kaya ako maunlad ngayon. Well, anyway, what you did there was amazing. I can see that you have a very big potential Ms.Kione."

Kahit si Rain ang nagsalita, sa akin pa rin sya tutok na tutok, and I don't know why.

"Glad you appreciate it." Iyon na lang ang sinabi ko, dahilan para mas lalo syang ngumiti.

"Oh, I really appreciate it. Infact you can come to my office to discuss some....things." saka sya nag-abot ng calling card nya.

It was color black na ang font ay kulay gold.

"I'll just keep this if I'll need it." Maliit na ngiti kong sagot habang itinaas bahagya ang calling card na iniabot nya.

"Well then, I'm expecting you to come. I have to go." Binigyan nya pa kami ng isang ngiti saka umalis kasama ang mga body guards nya.

Nang masigurado na naming naka-alis na sila ay napabuga na lang ako ng hangin na kanina ko pa pala kinikimkim.

"I really don't trust that man." Seryosong saad ni Rain sa akin.

"Well, I'm starting to feel that way too." Ang tangi kong naisagot saka sya inayang puntahan na ang mga kaklase namin.

At the end of the night, our section got 2nd place while first place ang section nina Gregory.

Nang makuha na nina Bien ang consolation price at maliit na trophy ay bumaba na sila ng stage.

At kung sinuswerte ka nga naman, nakasalubong pa namin ang team nina Gregory na nakangisi sa akin ngayon.

"Looks like kinain mo ang sinabi mong kayo ang magiging first place Selina?" Mapang-kutya na pahayag ni Gregory.

Hinawakan ko ang kamay ni Rain ng makita ko itong naka-amba ng manununtok.

I've had enough of this father and son thing kaya pinili kong huwag ng sumagot pa ng mga snappy remarks. Lalo na sa pagtawag nya sa akin ng Selina.

"Well, I guess. Now if you may excuse us dahil lahat kami ay pagod na pagod na." Saka na kami tuluyang umalis at sumunod naman ang mga kasama ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Rain.

"Oo naman. Bakit?" Nagtataka kong tanong. Sasagot na sana si Rain pero naunahan na sya ni Lauren.

"You look pale Zoey, I think you need to rest." Sabi nya.

Just when I was about to answer them, saka naman dumilim ang buong paligid ko.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon