14- Spy

4.1K 122 7
                                    

As a token of appreciation for adding this story on your reading list. This chapter is dedicated to you. anarosebeth

Thank you!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




"Say aah~"

"Ayoko sabi ng gulay--amp!"

Napasimangot na lang ako at walang nagawa kundi nguyain ang sapilitang isinubo sa akin ni Rain. He patted my head habang nakangiti, tila na-satisfy syang kinain ko ang sinubo nya.

"Good girl. Eto pa. Say aah~" sabay tapat ulit ng kutsara sa bibig ko pero tinignan ko sya ng masama saka kinuha ang kutsara.

Tinawanan naman nya ako at nagsimula na ring kainin ang inorder nyang pizza.

Akmang kukuha na ako ng isang slice ay saka naman nya pinalo ang kamay ko.

"Aray! Ba't ka namamalo??" Masama ang tingin ko sa kanyang tanong.

"Hindi pwede! Yang gulay ang kainin mo!" Masungit na sagot nya sa akin.

"Parang isang piraso lang eh." Saka ko sya inirapan.

Nasa bahay ko na kami ngayon, pinayagan na akong madischarge kanina at dahil sabado naman, at tulad ng nakasanayan. Sinasamahan ako ni Rain sa bahay.

"Gusto mo manood ng movie? May dala akong Percy Jackson." Tanong nya sa akin na agad kong ikinatuwa.

Kahit NAPAKA-layo ng difference ng aklat sa movie ay gusto ko pa ring panuorin dahil makikita ko si Logan Lerman na crush na crush ko.

Kung tutuusin ay napakaluma na ng movie na iyon lalo na sa panahon ngayon na puro mga outer-space at galaxian movie na ang halos pinapalabas. Mga genre na puro patungkol sa kung gaano ka-techy ang bansa, kung may mga foreign movie naman, clićhe na ang tema.

Isinalang na ni Rain ang cd at kinuha ko naman ang teddy bear ko saka ito niyakap. Nang makabalik sa tabi ko si Rain ay saka nya ito napansin.

"Oh? Binili mo?" Tanong nya.

"Hindi. May nagpadala lang." Sagot ko habang palihim na kumikupit sa pizza nya.

Agad naman nyang kinuha ito mula sa kamay ko at kinagatan saka naupo na sa sofa.

"Sino nagbigay? Taga-school?" Kuryoso nyang tanong, nagkibit balikat lang naman ako dahil kahit ako ay hindi ko alam.

"Walang nakalagay na pangalan kung kanino galing. May nag-doorbell lang last last night tapos nakita ko na sya sa may labas ng bahay. Naka-box sya, nasa labas pa nga ang kahon eh." Kwento ko pa habang inaabangan ang pagsisimula ng palabas.

Napatingin naman ako kay Rain at nakita kong seryoso syang nakatingin sa bear na yakap ko.

"Oh? Anyare sayo? Ang seryoso mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman sya sumagot at pi-nause nya lang ang palabas. Nakakunot lang ang noo kong pinagmamasdan ang gagawin nya.

He got up from his seat saka yumuko para katapat ng mukha nya ang mukha ng bear. Eh ako ang may yakap, kaya ang lapit na rin ng mukha nya sa mukha ko. He looks serious though.

"Who are you?" Seryosong tanong ni Rain sa bear.

Natawa naman ako sa inaakto nya.

"Okay ka lang? Wag kang mag-alala. Papangalanan ko na sya ng hindi ml na tanungin sa isang stuff toy na hindi naman magsasalita." Sabi ko pa habang natatawa ng bahagya.

Hindi naman ako pinansin ni Rain at umayos na sya ng tayo saka umalis sa salla. Pagbalik nya ay may hawak na syang cutter at kinuha ng marahas ang teddy bear sa akin. Agad naman akong napatayo at akmang aagawin sa kanya pero inilayo nya ito sa akin.

"H..hoy! Anong gagawin mo Rain?!!?"
Umakyat pa ako sa sofa para maabot ko sya pero iinilayo nya lang ito sa akin.

"Bakit mo---" naputol ang sasabihin ko ng ilagay nya ang hintuturo nya sa may labi nya telling me to shut up.

Hawak nya sa kabilang kamay ang teddy bear sa likod nito kaya nakatalikod ang harap na parte nito sa amin.

Sinunod ko naman sya at tumahimik nga ako, ewan ko kung bakit ko sinunod. Nang masiguro nyang hindi na ako mag-iingay ay itinuro nya ang bear na hawak nya at sumunod ay tinuro nya ang mata nya.

"Pretend to sound pissed at me." Mahinang bulong nya.

Naguguluhan man ay sinunod ko sya.

"Ano ba! Akin na yan...Rain! Kapag....di.....mo.....binigay....sakin....yan..malalagot ka sakin!" Nawiwirduhan na ako sa inaakto nya kaya hindi rin tuluy-tuloy ang salita ko.

"Haha! Ang pangit naman nitong bear mo eh. Sisirain ko na!" Iyon lang ang sinabi nya saka inalis ang mata ng bear gamit ang cutter na kinuha nya kanina.

"Wag!!" Iyon lang ang naisigaw ko pero huli na ang lahat. Hindi na iyon pagpapanggap, totoo na iyon dahil....

"BAKIT MO NAMAN BA SINIRA YUNG TEDDY BEAR KO???!" inis na tanong ko kay Rain na tila nakahinga ng maluwag. Nakaupo na sya ngayon sa sofa habang hawak sa isang kamay ang cutter at sa isang kamay ay ang mata nito.

Pero nang mapansin ko ang mata ng bear ay napakunot ang noo ko at naupo sa tabi ni Rain na itinabi ang cutter na hawak sa coffee table.

"A..ano yan?" Tanong ko nang makitang may mga wires ang likod ng bilong na mata.

Malakas na napabuntong hininga si Rain bago sumagot.

"You see this? You were being monitored Zoey. Hindi simpleng mata lang ang meron ang bear na pinadala sayo. Someone's spying you using that bear." Seryoso at tiim-bagang na sabi nya.

Bigla naman akong nakonsensya. Nasigawan ko pa tuloy sya.

"I'm...I'm sorry for shouting at you."

"It's okay. Mas kapani-paniwala nga yun eh." Binigyan ako ng nhiti ni Rain saka ginulo ang buhok ko bago kunin ang katawan ng teddy bear na nasa lapag.

Nakita kong iniinspeksyon nya ang ulo nito kung saan nakadikit ang isang tila recorder, sa mata pala nakalagay ang hidden camera, nang busisiin ito ni Rain ay doon nya nakuha ang isang micro chip na memory card.

Ang tinignan ko naman ay ang katawan.

"Sino kaya ang nagpadala nito?" Bulong ko sa sarili na narinig pala ni Rain.

"Hindi natin alam kaya dapat ay mag-ingat tayo. I'm sure by now ay alam na ng nagpadala nito na pumalpak sila sa teddy ebar na'to." Sagot nya sa akin.

"Pano mo ba napansin na may hidden camera to?" Sabay turo ko sa bear.

"Nang matitigan ko habang hawak mo ay napansin kong nag-zoom in ang mata nya. Then when I looked at it, I have confirmed that there's something wrong with that bear."
Paliwanag nya sa akin pero hindi na ako nakikinig dahil sa nakita kong logo ng recorder na nasa loob ng bear.

"Hey, you okay? Anong meron dyan?" Tanong nya sa akin.

Pinakita ko naman ang symbol na nakita ko kay Rain.

"Nakita ko na'tong symbol na ito Rain. I swear I saw this somewhere----wait! Alam ko na!" Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kinuha ang pantalon na suot ko bago ako ma-ospital.

Bumalik ako sa salla at doon hinanap sa lahat ng bulsa ang pakay ko.

Nang makita ko ito ay pinagkumpara ko ang symbol na nasa teddy bear at sa hawak kong calling card.

"It's the SkyTech." Hindi makapaniwalang saad ko kay Rain.

"Yeah, that f*cking Conner Heinz the SkyTech." Inis na sagot ni Rain sa akin.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon